Ang espada ni Clandestina

1.1K 45 1
                                    

(Author's POV)

Ako muna magkwewento ngayon.. on break muna sa pagkwekwento si Dariana xD

Wala pang isang oras na nakakulong sila Raven, Naxu at Dariana nabalitaan na agad ito ng ate ni Raven.

"Anong sabi mo? Ikinulong ng mga taga Zyran ang kapatid ko? Sa anong dahilan?" Halos nagliliyab na sa galit ang ate ni Raven na si Jana dahil sa narinig nyang balita. Over protected pa naman sya sa kanyang kapatid.

"Ang sabi ng babaylan naging prey daw sya ng mga bilanggo sa gubat ni Zarim." sagot naman ni Migue isa sa pinakamagaling na kawal sa kaharian ng Sepra dahil close sya kay Jana ginawa sya nitong personal body guard nya.

Mas lalong nagalit si Jana sa kanyang narinig at napahawak sa kanyang pula at kulot na buhok "Anong akala nila sa kapatid ko laruan?? Humanda ang sino mang kumuha sa kapatid ko!! Hindi ko ito papalampasin. Tara Migue samahan mo ako pumunta tayo ng Zyre susunugin ko na parang empyerno ang lugar nila!"

Bigla namang kinabahan si Migue kasi isa sa pinakamalakas na nilalang si Janna sa Fira ( unang bahagi ng sepra ) nag iisa lang nyang kapatid si Raven kaya protective sya dito at madaling nagagalit pag si Raven ang pinag uusapan.

"huminahon ka muna... malaki na ang kapatid mo sigurado akong kaya nya itong lusutan. Magtiwala ka." pagcoconvince ni Migue na huwag ng gawin ni Jana ang kanyang binabalak kung hindi malaking gulo ito.


Napabuntong hininga nalang si Jana at kumalma ng konti "Maghihintay ako ng dalawang araw pag hindi parin sya nakabalik dito susugurin ko talaga ang Zyre na yan at susunugin hanggang sa makita ko si Raven."


"Sana nga makabalik agad si Raven malaking gulo talaga yang binabalak mo Jana" 


"Talagang malaking gulo dahil gagawa ako ng malaking gulo. Sa ngayon uminom nalang muna tayo ng alak" Pag aanyaya ni Jana kay Migue habang hawak2 ang isang bote ng alak.


Napabulong nalang sa srili si Migue "Napaka lasingga talaga ng babaeng ito..hayyss"



-------------------------------------------------------------------------------------

Author's note: napagod na ako hehe si Dariana na ulit *-----*


(Dariana POV)


Nandito kami ngayon nakakulong hindi namin alam kung saan kami dadalhin. Sinubukan kanina ni Raven ilabas ang kanyang espada para sirain ang kulungan namin pero walang nangyari hindi nga nag aapoy ang kanyang espada. Hindi rin magamit ni Naxu ang kanyang kapangyarihan.

 "Wag na kayong mag aksaya ng panahon dahil especial ang kulungan na ito walang kahit anong kapangyarihan ang gumagana sa loob ng kulungan." sabi ng host sa amin bago tuluyang naglakad papalayo mukhang may kakausapin ata sya.


"Nakakainis naman! Pagnakita ko ang Chris na yun puputulin ko ang ulo nya!" Mainit na naman ang ulo ni Raven kahit nga ako galit kay Chris dahil sa pangloloko nya sa amin. Ito naman kami mga tanga naniwala sa kanya.


"Grabeh naman wag mo muna akong patayin hindi ko pa nakikita ang mapapangasawa ko at isa pa kailangan ko pang magkaroon ng anak bago mamatay sayang ang kagwapuhan ko eh!" Bigla nalang dumating si Chris? Anong ginagawa nya dito?

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon