Unwelcome Visitors

1.2K 60 6
                                    

(Dariana POV)


Naglalakad kami ngayon sa daan,  habang silang dalawa ay nag uusap ako naman kahit saan nakatingin. May mga taong normal tingnan maliban lang sa pula nilang mata meron din iba na hindi pula ang mata.. may maitim, brown at blue eyes. Siguro hindi sila taga rito.

"Ilang araw ba ang aabutin bago tayo makarating sa zyre   kung sasakay tayo ng train?" Tanong ni Raven habang kumakain ng napakalaking hilaw na sili.. Oo sili! Ayaw ko nga syang tingnan habang kumakain feeling ko napapaso ang bibig ko.

"Ang pagkaka alam ko aabutin ng 24 oras." Sagot ni Naxu.

"Ang tagal naman hays!" Sabi ni raven na mukhang mainit na ang ulo. Nagmamadali lang?

"Pwede siguro natin gamitin ang dragon mo total tatlo lang naman tayo. " suggestion ni Naxu

"Sige na nga" may binuksan na maliit na box si Raven at nung pagbukas nya may ilaw na lumabas at kung saan galing di ko alam bigla nalang may isang napakalaking dragon ang lumabas. Napatulala ako.. papaano nagkasya ang dragon na yan sa isang maliit na box?

Kinausap ni Raven ang kanyang dragon "Bubu dalhin mo kami sa Zyre"

Tumalon sila Naxu at Raven papunta sa likod ng dragon. Mga ninja ba sila? Napakataas naman nilang tumalon.

"Ano pang hinihintay mo? Halika na!" Sigaw sa akin Mr. Sungit.

"Ummm ah kasi.. hindi ako marunong tumalon na ganyan ka taas eh wala bang hagdanan?"

"Hay naku naman!" Tumalon sya uli pababa tapos nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinawakan sa may hips.

"Teka anong ginaga...."

"Kumapit kang mabuti kung ayaw mong mahulog" wala na akong choice kundi ang kumapit sa mga bisig nya... sheeep mas gwapo pala sya sa malapitan. Na carry nyang tumalon kahit buhat nya ako.. nakakamangha ah!

Habang nakaupo ako sa upuan na naka attached sa likod ni Bubu may sinabi sa akin si Naxu.

"Sana mag enjoy ka sa una mong sakay sa isang dragon"

"Hehe sana nga." Excited ako kasi syempre lilipad kami pero bakit parang kinakabahan ako?

"Tara na Bubu!" Sabi ni Raven at nag simula ng itaas ni Bubu ang kanyang mga pakpak at lumipad.




Buuwaaaaaakkkk sheeep nahilo ako sa biyahe.. akala ko mamatay na ako.. mas masahol pa sa roller coaster tong nasakyan ko..

"Kailan ka ba matatapos sa pagsusuka mo dyan?" Sigaw sa akin ni Raven

"Hoy sungit kasalanan mo ito eh! Kung hindi mo sana sinabihan si Bubu na lumipad na kasing bilis ng kidlat hindi ako magkakaganito" sigaw ko rin sa kanya may rights din akong sumigaw noh!

Lumapit sa akin si Naxu at may inabot na maliit na bote na may lamang tubig "kawawa ka naman.. inumin mo ito at gaganda ang pakiramdam mo."

Tama sya pagkatapos kung inumin yun nawala ang pagkahilo ko. Amazing!

"Okay na ako pwede na tayong umalis! Nasaan si Bubu?" Tanong ko kanina lang ah nandito lang sya ngayon wala na.

"Ibinalik ko na sa kahon. Maglalakad na tayo papunta simula dito." Sagot ni Raven

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon