The Odds

468 19 9
                                    

(Dariana POV)



"Nandito na sila Dariana!"


Sa wakas nakarating na rin kami sa aming bagong kuta. Nandito kami ngayon sa pinakamalaking kweba sa buong Avlon na makikita sa gubat ng Shimla. Maganda naman ang kwebang ito hindi madaling mahahanap dahil napapalibutan ng malalaking puno at sa labas naman ay may ilog.



"Anak! Masaya ako at nakabalik kayo ng maayos." agad kaming nilapitan ni ama kasama ang ibang mga general ng mga highbreed. Agad ko namang niyakap si ama natutuwa ako at ok lang sya.


"Ama nasaan na po yung kama ko? gusto ko na pong matulog." tanong ni Luna sa kanyang Ama na si General Zemek.


Mukha naman kinabahan si General Zemek at Silva sa tanong ni Luna.


"Ahh ehh Luna Anak.. mabilis kasi ang mga pangyayari kaya hindi na namin nailigtas ang iyong kama ang tanging nakuha lang namin ay ang iyong unan lang" paliwanag ni General Zemek sa kanyang Anak sabay abot kay luna ang unan.


Mangiyakngiyak naman itong kinuha ni Luna tapos niyakap nya ito ng mahigpit. Napaluhod sya at humagulhol "Hindiiii!!! Papaano ito nangyari?? Hindi ko ito matatanggap!!! Ang minamahal kong kama at kumot ay wala na. Magbabayad ang sino mang gumawa nito waaahhhh!"



Napahawak lang sa ulo si Gulsah "Napaka OA mo ha.. bumili ka nalang kaya ng bagong kumot at kama ng hindi ka iyak ng iyak dyan na parang baliw."


Inirapan naman sya ni Luna "Anong akala mo sa kama at kumot ko laruan na pwede mo lang basta basta palitan? Hmmp! Kung alam ko lang na sa kweba nalang pala ako matutulog sana nagpaiwan nalang ako sa bahay ni Chris Gabriel ang ganda pa naman ng mga kwarto nya." sabi nya at agad naglakad papalayo. Ito talagang si Luna para ring si Chris Gabriel may sira sa ulo minsan.


Ibinalik ko ang aking attention kay ama at sinabi na kailangan ko syang makausap tungkol sa isang importanteng bagay.





"Ano??? Napakaimpossible ng gusto mong mangyari Cercie Seven!" bulaslas ni ama pagkatapos kong ipaliwanag sa kanya na gusto ko na makipag sanib pwersa kami sa mga Sepran.



"pero ama wala tayong laban kung ang kasama natin ay ang Avlon lang." pilit kong paliwanag.



"Nakalimutan mo na ba Cercie Seven na si Haring Zahim ang dahilan kung bakit muntik na kami maubos noon? Hindi pinagkakatiwalaan ang taong yan!" dagdag naman ni General Zemek.



"At kahit pa pumayag kami sigurado naman akong hindi papayag si Haring Zahim sa ganito kahit anong mangyari hindi sya makikipag alyansa sa mga highbreed." sabi naman ni General Lauren... Haayysss nakow wala ba talagang pag asa na magkabati kaming lahat? Itong mga higbreed at Sepra palang nahihirapan na ako papaano pa kung isasali ko ang Orca at Zyre arrghhhh..

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon