(Dariana POV)
"Handa ka na ba?" Hindi ko namalayang dumating na pala sila Molave. Kanina ko pa kasi tinitingnan ang aking espada..
"Nandito pala kayo" ibinalik ko ang aking espada sa lalagyan.
"Bakit panay ang tingin mo sa espada mo kanina? Hindi mo man lang napansin ang pagdating namin." Tanong sa akin ni gulsah
"Binigay sa akin to ni Prinsipe viole sabi nya gamitin ko daw dahil malakas daw ang espada na ito pero pinag iisipan ko pa kung dapat ko ba talaga tong gamitin. Hindi ko naman kasi alam ang kakayanan ng espadang to." Sagot ko naman.
"Pag isipan mo na.. dahil tatlong oras nalang mag sisimula na ang digmaan." Tama si Igor ilang oras nalang mag sisimula na ang digmaan. Ang digmaan ay gaganapin sa Yamaz, isang abandonadong bayan dahil sa wala namang tumutubo doong halaman kaya ginawa nalang syang war area para sa mga kaharian na gustong maglaban na walang madadamay na sibilyan.
"Mananalo kaya tayo? Kunti lang ang bilang natin tapos napakarami pa nila." Pag aalala kong sabi.
"Wag kang mag alala kunti man tayo pero di hamak na mas malakas naman tayo. Tingnan mo nga ito si Luna hindi nga nag aalala hanggang ngayon tulog pa rin." sagot ni Silva habang ginigising si Luna na natutulog sa likod nya.
"Grabeh talaga to si Luna papaano ba nya nagagawang matulog sa ganitong sitwasyon.. Hindi nga ako makatulog ng maayos kagabi ngayon pa kaya!" tumulong na rin si Gulsah sa pag giing kay Luna "Hoy Luna gumising ka na dyan hoyyy!" pero wala paring effect ayaw talagang gumising.
Kinuha ko ang aking maskara sa kahon at isinuot na ito.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(Raven POV)
Maagang maaga pinatawag kaming dalawa ni ate Jana ng mahal na reyna dahil gusto nyang samahan namin syang mag alay kay Zephas ang Diyos naming mga Sepran. Kadalasan pumupunta kami sa temple nya sa bundok yarat pag nag aalay kami ngunit ngayon naghandog lang kami ng alay sa templo na pinagawa namin dito sa palasyo.
Inilagay ng mga Sadra (parang pari) ang isang malaking hayop sa altar at tinali nila para hindi makagalaw. Pagkatapos ay itinaas namin ang aming mga kamay.
"Oh makapangyarihang Zephas tanggapin mo ang aming alay naway maging masaya kayo sa aming handog at ibigay sa amin ang tagumpay sa labang ito." Dasal ng reyna. pagkatapos nyang sabihin ang mga katagang yun ay sinunog nya ng buhay ang hayop na nasa altar.
Napapikit ako nakaawa kasing tingnan ang hayop na yun habang nasusunog ng buhay bakit hindi nalang kasi patayin muna bago sunugin.
"Hoy bakit ka ba pumipikit dyan? Dapat tinitingnan natin ang hayop habang nasusunog" bulong sa akin ni ate jana
"ayaw ko ng mga ganyang tanawin... pakiramdam ko masyadong brutal" pabulong ko naman sagot sa kanya.
"brutal?? kung makapagsalita to parang hindi pa dumaan sa labanan at hindi ka malakas kumain ng karne." sarcastic nyang sagot
"Ewan.. nahawa lang siguro ako sa pagkahilig ni chris sa hayop.. tumahimik ka na dyan baka marinig pa tayo nag uusap" hindi na ako tumingin kay ate jana baka may sasabihin na naman.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
many hours later.. (Dariana POV)
naging mainit na ang laban sa pagitan naming mga highbreed at non highbreed. Hindi pa matukoy kung sino ba ang nakakalamang.. sa gitna ng laban pilit kong hinahanap kung nasaan ba si Raven dahil sya naman talaga ang dapat kong makalaban.

BINABASA MO ANG
The Four Kingdoms
FantasíaKwento ng isang 17 years old na babae (Dariana) na tinulak sa isang ilog sa anong dahilan walang nakaka-alam. Pag gising nya nasa kakaibang lugar na sya. Lugar na may apat na kaharian na may ibat ibang mga kapangyarihan, kultura, paniniwala, at nila...