Galing sa slide nahulog kami sa isang lawa. Anong klaseng daanan ba ito paano nalang ang gaya kong hindi marunong lumanggoy? Tapo kung makahila patungog pangpang itong si raven wagas.. sakit tuloy ng braso ko..
Raven: Grabe bakit ba hindi ka marunong lumangoy? Ikaw lang siguro ang kilala kong hindi marunong lumanggoy.
Dariana: Eh sa wala nagturo sa akin!
Raven: Ang paglanggoy ay instinct kahit mga hayop marunong lumanggoy kahit wala pang magturo sa kanila. Mas may alam pa ata ang hayop sayo eh!
Grrrr ang sama naman makasalita nitong si Raven! Bakit marunong bang gumamit ng kutsara ang hayop?? Mga 10 minutes na kaming naglalakad at hindi man lang namin nakikita sila Naxu, Alexia at Chris Gabriel.
Dariana: Raven Saan ba tayo pupunta?
Raven: Hahanapin sla Naxu.. Ang alam ko dito lang banda ang papuntang kaharian.
Nakakainis bakit ba nila kami iniwan.. Kailangan ko tuloy makasama mag isa ang mokong na to.. Habang naglalakad kami bigla nalang sumulpot sila alexia, chris at naxu..
Naxu: Pasensya na kung naiwan namin kayo. Nakalimutan kasi namin na hintayin kayo.. Excited lang sa party.
Chris: Ok ka lang bah Dariana sa slide siguro natakot ka masyado..
Raven: Natakot ka nga eh sya pa kaya..? Sobrang takot!
Dariana: Tumahimik ka nga.. Hindi mo kasi ako binigyan ng pagkakataon na ihanda ang sarili ko.
Bigla nalang nagreklamo si alexia na naiinitan sya kaya gusto nya munang magtampisaw sa ilog. Grabeh ang pagpupumilit nya kaya wala na kaming nagawa kundi ang samahan sya.
Si Chris at alexia lang ang naligo sa ilog.. Si Naxu nakaupo lang sa at nagbabasa ng libro, samantalang si raven nakahiga sa ilalim ng puno at natutulog habang ako pinanonood lang sila alexia at chris na naliligo.
Alexia: Dariana Halika samahan mo kami ang sarap ng tubig.
Chris: oo nga naman samahan mo na kami dito.
Dariana: Kayo nalang ok na ako dito!
Habang nakaupo at nakatingin sa ilog napag isip2x ko kung magiging epektibo kaya ang gagawin namin. Makakabalik kaya ako sa aking mundo pag nakarating ako sa ilog ishka? Hayyyss..
"aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"
Nagulat ako nang bigla may narinig akong sigaw. Si Alexia pala ang sumisigaw. May lumabas na isang malaking halimaw sa ilog na mukhang aso na may ang mga paa ay may malalaki at matutulis na kuku tapos ang kanyang buntot ay may kamay. May malaki pa itong mga pangil. Hawak2 nya si alexia gamit ang kanyang kamay sa kanyang buntot.
Si Chris naman mabilis na nakatakbo papalayo sa ilog. Si raven at Naxu biglang naging alerto.
Naglabas si Chris ng malaking kamay galing sa lupa upang suntukin ang halimaw pero bago nya masuntok ang halimaw sumigaw si Alexia:
Alexia: Ano baahhh!! Baliw ka ba papaano kung matamaan ako?
Chris: Umalis ka pala dyan para hindi ka matamaan
BINABASA MO ANG
The Four Kingdoms
FantasyKwento ng isang 17 years old na babae (Dariana) na tinulak sa isang ilog sa anong dahilan walang nakaka-alam. Pag gising nya nasa kakaibang lugar na sya. Lugar na may apat na kaharian na may ibat ibang mga kapangyarihan, kultura, paniniwala, at nila...