(Author's point of view)
Sepra, Orca, Avlon, at Zyre apat na kaharian na namumuhay sa isang continente na napapalibutan ng isang mysteryoso at malagim na gubat, tinatawag itong gubat ni kamatayan.
Walang nagtangkang pumasok sa gubat kung meron man hindi na sila nakabalik pa.
"Medyo marami rami na rin akong naiipon na pera mabuti nalang at nagustuhan ng emperor ang ginawa kong damit para sa kanya at malaki ang binayad sa akin" sabi ng isang babae na may katamtamang haba ang kulot nitong buhok habang nilalagay nya ang kanyang pera sa lalagyan nito ngunit natigilan sya sa kanyang ginagawa ng may biglang nagwasak ng kanyang pintuan.
"Tsk tsk bakit kailangan mo pang wasakin ang aking pintuan libre naman kumatok? Hay naku makakagasto tuloy ako ng pera pampapaayos nyan." Nakasimangot nyang sabi sa hindi kilalang lalaki na pumasok sa bahay nya.
Nanatili lang walang imik ang lalaki at may kinuhang lalagyan sa kanyang bulsa at itinapon ito sa babae. Nasalo naman ng babae ang ibinato sa kanya at binuksan nya ito, naglalaman ito ng napakaraming piraso ng ginto at pilak.
"Wow! Para magkaroon ng ganito kailangan ko mag ipon ng apat hanggang limang taon" pahayag ng babae pero sa kabilang banda iniisip din nya kung bakit sya bibigyan nito ng ganito kalaking halaga kung pambayad lang ito sa nasira nyang pinto sobrang sobra na ito.
"Paunang bayad pa lamang yan at marami pang susunod kung gagawin mo ang gusto ko huling babaylan ng haynes, Hildasan." Labis nyang ikinagulat ang pagtawag sa kanya ng lalaki sa kanyang tunay na pangalan dahil walang nakakaalam ng tunay nyang pangalan sa lugar na ito. Noong panahon na umalis sya sa kanyang pinanggalingan sinabi nya sa kanyang sarili na si Hildasan ay patay na at mamumuhay na sya sa bagong lugar na ito bilang si Xumai.
"Papaano....? Wag mong sabihin na nanggaling ka sa kabilang continente na pinalilibutan ng gubat ni kamatayan." Tiningnan nyang mabuti ang mukha ng lalaki pero hindi nya talaga ito namumukhaan matagal na panahon na rin ang nakalipas ng umalis sya sa lugar na yun, sa bayan ng hagim.
Sampung taong gulang pa lamang sya nun pero sariwa pa rin sa kanyang alaala ang lahat... Ang panahon na tinutugis ang mga highbreed hindi nila inaasahan na madadamay sila kahit hindi naman sila highbreed.
Maliban sa mga highbreed napagkasunduan din nilang patayin ang lahat ng babaylan ng Haynes dahil kahit wala na sa generasyon nila ang marunong gumawa ng ritual ng paggawa ng highbreed natatakot pa rin sila na dumating ang panahon na magiging possible nanaman ito.
Pinatay nila ang lahat ng mga babaylan ng Haynes at mga kaanak nito at ang tanging nakaligtas lang ay si Hildasan..
*Hildasan Flashback*
Tumatakbo si Hildasan at ang kanyang ama papalayo sa mga humahabol sa kanilang mga taga Aragon ngunit naabutan pa rin sila at napapalibutan na ng maraming level 5 na Argz.
"Tumigil na kayo sa pagtakbo dahil wala naman kayong mapupuntahan dahil ang lahat gusto kayong mawala." Nakangising sabi ng isang Argz sa kanilang dalawa. Tama ang sabi ng Argz kahit saan sila magpunta ni Hildasan at ng kanyang ama hindi sila magiging ligtas kaya isa lang ang naiisip na paraan ng ama ni Hildasan..
"Anak makinig ka.. Tumakbo ka ng mabilis papalayo dito at susubukan ko silang pigilan para hindi ka nila masundan." Utos ng kanyang ama sa kanya habang hinahanda ang sarili sa laban.
"Pero ama... Papaano ka? At saan ako pupunta?" Maluhaluhang tanong ng sampung taong gulang na si Hildasan.
"Pumunta ka sa gubat ni kamatayan at gawin mo ang lahat para makalabas sa kabilang bahagi ng gubat na yun. Kalimutan mo na ang lugar na ito at magkaroon ka ng bagong buhay sa kabilang continente. Naniniwala akong malalagpasan mo ang panganib sa gubat." Hindi makasagot o makakilos si Hildasan sa sinabi sa kanya ng kanyang ama. Naguguluhan sya sa nangyayari at kung ano ang dapat nyang gawin.
BINABASA MO ANG
The Four Kingdoms
FantasyKwento ng isang 17 years old na babae (Dariana) na tinulak sa isang ilog sa anong dahilan walang nakaka-alam. Pag gising nya nasa kakaibang lugar na sya. Lugar na may apat na kaharian na may ibat ibang mga kapangyarihan, kultura, paniniwala, at nila...