(Dariana POV)
"Anong ibig mong sabihin? Anong nangyari sa mga kasamahan namin?" Tanong ni Molave habang tinututukan ng espada si Prinsesa Jana sa may leeg.
"Ano ba! Huminahon ka okay? Papaano ako makakapagkwento ng maayos kung may espada sa leeg ko? Pwede ba ibaba mo yan!" Sagot naman ni prinsesa Jana na mukhang naiirita buti nalang at nakinig si Molave at binaba nya ang kanyang espada.
May kinuha naman si prinsesa Jana sa kanyang bag at hulaan nyo kung ano yun? Bote lang naman ng alak at itinapon nya ito kay Molave at nasalo nya naman "Uminom ka muna ng alak pangpa kalma lang para hindi ka masyadong magulat sa sasabihin ko." Sabi ni Jana.. ughh ang dami namang thrill ni Jana bakit hindi nya nalang sabihin agad.
"Prinsesa Jana pwede bang sabihin mo na kung ano ba talaga ang nangyari?" Sabi ko sa kanya na halata talaga na nag aalala at kinakabahan ako.
Napabuntong hininga sya "nagpadala ng maraming malalakas na tauhan ang Aragon pati na rin ang Orca para atakihin ang inyung lugar sapagkat nalaman na nila kung saan kayo nagtatago at dehado ang mga highbreed sa labanan dahil ang kalahati ng mga highbreed ay kasama ng mga Avlon na nakikipaglaban laban sa mga Zyran inatake kasi ng buong pwersa ng zyre ang Avlon dahil sa galit ni Haring Evan sa hari ng Avlon sa pagbunyag ng pagpatay nila josie at levi sa mga opisyal ng ibang mga kaharian. Kaya ayon yung mga highbreed na naiwan sa kota nyo napilitang tumakas at lumipat ng matataguan.. ang alam ko wala na sila sa dati nyong tinitirhan ang hindi ko alam ay kung nagtagumpay silang makatakas"
Halos mapaluhod ako sa aking narinig... nagulat ako sa mga nangyayari at naiinis ako dahil wala ako doon upang tulungan sila ama! Napaiyak ako habang iniisip kung ano na ang nangyari sa kanila "dapat nandoon ako upang tulungan sila! Papaano kung may nangyaring masama sa kanila? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko."
Nilapitan ako ni Raven at hinawakan ang kamay ko "Wag kang mag alala naniniwala ako na maayos lang sila malalakas ang mga highbreed kaya magtiwala ka"
Medyo kumalma ako sa sinabi ni Raven..
"Saan na tayo tutuloy nito? " tanong ni Gulsah
"Saan tayo matutulog?" Tanong ni Luna
Ano ba tong dalawang to! ito lang ba iniisip nila? Kunsabagay malalim na ang gabi at wala kaming lakas kailangan namin magpahinga.
"Kailangan nyo munang magtago sa ligtas na lugar hanggang sa wala pa akong bagong balita sa inyo" mungkahi ni Prinsesa Jana.
"Pwede sila sa bahay ko total ang bahay ko ay nasa payapang parte ng zyre at wala masyadong nakakaalam kung saan ako nakatira maliban kina Raven" pag bubuluntaryo ni Chris Gabriel..
"Malaki ba ang bahay mo? Dalhin mo na rin sila raven, alexia, naxu, john frost at zero sigurado akong hahanapin sila ng Aragon dahil sa mga atraso nila" sabi naman ni Migue
Sandali napa isip si Chris "Hmmm mukhang kasya naman kaming lahat sa bahay"
"Hindi na ako sasama.. babalik muna ako sa bahay at titingnan ang kalagayan ni mama.. Naxu mag iingat ka.. John Frost ikaw na bahala kay Naxu" sabi ng kapatid ni Naxu na si Zero. Tumango naman si John Frost at pagkatapos nun ay umalis na si Zero.
"Sana naman hindi nya tayo isusumbong sa Aragon" biglang commento ni Alexia..
"Wag kang mag alala hindi yun gagawin ni Kuya dahil pag ginawa nya yun pati ako mapapahamak dahil hinahanap na rin ako ngayon ng Aragon" mungkahi naman ni Naxu.. Noon kami lang naman ang kalaban ng Aragon ngayon pati na sila.. Ito ang ayokong mangyari noon pa man ang mapasama sila ng dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
The Four Kingdoms
FantasyKwento ng isang 17 years old na babae (Dariana) na tinulak sa isang ilog sa anong dahilan walang nakaka-alam. Pag gising nya nasa kakaibang lugar na sya. Lugar na may apat na kaharian na may ibat ibang mga kapangyarihan, kultura, paniniwala, at nila...