Author's Note

1.3K 63 7
                                    

End na ng chapter 2 and moving forward to chapter 3.. Pupunta sila ng Kaharian ng Zyre kung bakit at ano ang mangyayari sa kanila doon.. Abangan..

Iintroduce ko muna ang four kingdoms at kunting trivia tungkol sa kanila.. Oo kunti lang kasi kunti pa ang naiisip ko >o< haha

Sepra - Sepran ang tawag sa mga nakatira doon. Binubuo ito ng dalawang bahagi. Ang Fira at ang Reddan due to political issues, different culture, belief and etc. Kahit binubuo ng dalawang bahagi na pinamumunuan ng dalawang Pinuno isa lang hari nila. Si haring Zahim. Karaniwang pula ang mga mata ng Sepran. Meron silang maiitim o di naman kaya pulang buhok. Sila lang ang may kakayahan magpa amo ng dragon pero hindi lahat ng Sepran may alagang Dragon.

Orca - Orcan naman ang tawag sa mga taga Orca. Ang kaharian ng Orca ay isang napakalaking Isla na nasa gitna ng dagat. Walang hari ang mga Orcan kundi Reyna lang. Hindi pwede mag asawa ang reyna at magkaroon ng anak. Pagpipilian ang susunod na magiging Reyna sa isa sa mga anak na babae ng limang Punong Tagapag bantay ng Reyna. Blue eyes ang mga Orcan.. mostly sa kanila puti ang buhok at kunti lang ang may blue ang buhok kaya kung sino man ang may buhok na kulay asul maganda at gwapo yun para sa kanila. Bawal kumain at pumatay ng ano mang uri ng hayop sa tubig pero pwede pumatay ng halimaw.

Zyre - Zyran ang tawag sa mga taga Zyre. Mga morena at moreno meron namang iba na mas darker ang kulay ng balat nila. May deep dark brown eyes tulad ng mga mata ng Arabian parang ganun.. Kulay itim ang kanilang buhok meron din ibang kulay brown or hazelnut. Kung physical strength lang ang pag uusapan sila ang pinaka malakas. Ang mga lalaki sa zyre puro mga macho hehehe ; ) Ayun sa sabi2 hindi friendly sa mga dayuhan ang mga zyran.. Hindi kasi nila nagtitiwala ng hindi nila kauri.. Motto nila, "Trust and You will be betrayed." May issue kasi sila sa trust in their history. Ganun paman marami pa rin pumupunta sa kanilang lugar kasi ang isa sa mga pinakamagagaling na mga panday ay taga zyre at maraming mamahaling bato sa zyre.

Avlon - Avlan ang tawag sa mga nakatira sa Avlon.. Nakalutang naman sa kalangitan ang kaharian ng Avlon. Kahit sila ang may pinakamaliit na population sa lahat ng kaharian may apat na bahagi ang Avlon. Nakabase sa family status mo kung saan bahagi ka titira. Sa unang bahagi para sa mahihina at mahihirap at sa ikaapat na bahagi naman ang mga pinakamalalakas, mayaman at makapangyarihan sa lahat. Of courase nasa ikaapat na bahagi ang palasyo. Mahirap eexplain ano ang mukha ng taga avlon kasi consist of ibat ibang mga nilalang ang avlon. Isa lang ang same thing in common nila. Lahat sila maitim ang mata.


Muntik ko ng makakimutan.. Ang mga powers nila nakabase sa four elements.. Sepra = Apoy, Orca = tubig, Zyre = Lupa, Avlon = Hangin.




~Sino bet nyo sa apat? Comment below!~

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon