Malaking Pagkakamali

826 36 11
                                        

(Raven POV)

Tatlong taon na ang nakakalipas at kay rami na nangyari ngunit hindi ko parin makalimutan ang araw na yun kahit ang sakit na nararamdaman ko hindi pa rin nawawala.

*Flashback*

Nasugatan ako ng espada ni Molave. Malala ang naging tama ko at ang daming lumalabas na dugo sa aking katawan. Wala akong magawa kundi ang mapa upo lang sa likod ni Bubu.. Aatakihin nanaman nya sana ako uli pero naihagis sya ni bubu palayo. 

Hindi ko nakita kung saan sya naihagis ni Bubu kaya dali dali ko syang hinanap tapos nakita ko nalang bigla si Molave na nakatayo sa tabi ni Dariana. Itinaas ni Molave ang kanyang espada at mukhang papatayin nya si Dariana.

Biglang nagdilim ang paningin ko na parang mawawala na ako sa sarili ko. Kinuha ko ang aking espada at tumalon sa harapan nya. Hindi ko na nararamdaman ang sakit sa king katawan dahil sa galit kay Molave at pag aalala kay Dariana. 

Nang makatalon na ako sa harapan nya. itinapon ko ang hawak nyang espada gamit ang espada ko.

"Hindi kita hahayaang saktan ka sya! Mamatay ka! pagkatapos kong sinabi yun sinaksak ko si Molave sa dibdib.

Tiningnan ko sya ng masama. Galit na galit ako sa balak nyang gawin kaya hindi na ako nagdalawang isip na patayin sya. . Tiningnan nya ako hanggang sa pumikit na ang kanyang mga mata. Hindi ko alam kung buhay pa sya o patay na pero nagulat nalang ako na pag tingin ko ulit sa kanya.. hindi na si Molave ang nakikita kong nakabulagta kundi si Dariana...

Anong nangyayari? Sigurado akong si Molave and sinaksak ko at hindi si Dariana.. Ano ba itong nagawa ko?? Agad2 kong hinawakan si Dariana..

"Dariana gumising ka.. Dariana!!" pilit ko syang ginigising hindi ko na napapansin na tumutulo na aking luha. 

Biglang lumapit sa akin si Molave na ang akala ko ay si Dariana kanina.

"Anong ginawa mo?? magsalita ka!" tanong ko sa kanya.. Nalilito ako sa nangyayari.

"Yun ang tinatawag na Reflection exchange. Isa sa mga kakayahan ko yun. Ang galing diba? Nilinlang ko si Dariana na saksakin ako pero ang di alam ng lahat pinagpalit ko ang reflection naming dalawa. Ang nakikita mong may hawak ng espada kanina ay hindi ako kundi si Dariana." Paliwanag ni Molave

Hindi ako makapaniwala na nalinlang ako.. nagpadala ako sa gulat kaya hindi ako nakapag isip ng maayos kanina,, Kasalan ko ang lahat.. kasalan ko kung bakit ito nangyari kay Dariana at sa sarili ko pa talagang espada.

"Magbabayad ka!" Sasaksakin ko na sana si Molave gamit ang aking espada ngunit sinipa nya lang ako ng napakalakas at naitapon nya ako sa malayo. Naging malakas ang impact nun at hindi ko na magawang makagalaw.

Binuhat nya si Dariana at tinawag nya ang kanyang iba pang mga kasamahan.

"Susubukan namin na gamutin sya kung mamalasin baka hindi na sya mabuhay pero kung sweswertehin na mabuhay sya makikita mo sya uli pero wag kang umasa na magiing tulad pa rin kayo ng dati." yun ang huli nyang sinabi bago sila lumipad papalayo.

*End of Flashback*

Simula nun wala na akong balita kay Dariana. Hindi ko pa sya nakikita. Hindi ko alam kung buhay pa ba sya o patay na. Itong nagdaang tatlong taong sumusulong na ang mga highbreed kaya naging busy ang aragon at ang mga kaharian sa pagprotekta. 

Tuwing nababalitaan ko na ang groupo ni Molave ang sumasalakay agad ko itong pinupuntahan kahit saan pa man yan. Gusto ko syang makita ulit at tanungin kung ano na ang nangyari kay Dariana.

Ibinuhos ko ang aking oras sa pag eesanyo at sa pagpapalakas para kalabanin si Molave. Magkakaharap din kami balang araw.

"Nandito ka lang pala sa kwarto mo! Oras na nagpupulong laban sa mga highbreed. Balak ni ama na bumuo ng groupo na mag hahanap sa kuta ng mga highbreed gusto ni ama ikaw ang mamuno" sabi ni ate jana na bigla nalang pumasok sa kwarto ko na walang pahintulot.

"Hahanapin ko ang kuta nila na mag isa. Ayaw ko ng may kasama o pinamumunuan. Gagawin ko kung ano ang gusto ko na mag isa. Sagabal lang yan sila.!" sagot ko sa kanya.. Kung may gusto man akong kasama sila naxu yun dahil iisa ang aming layunin ang hanapin si Dariana.

"hay naku hindi ako makapaniwala ang susunod na maging hari ng kahariang ito ay ayaw mamuno! Ewan ko sayo dyan ka na nga! Ang mabuti pa si Migue nalang ang mamumuno." malakas na sabi ni ate jana na parang naiirita ang mukha..

Sino ba naman kasi ang may sabi gusto kong maging hari!

"Sya nga pala may bisita ka puntahan mo nalang sa labas." sabi nya bago sya umalis sa aking kwarto.

Tiningnan ko kung sino yun. Si Chris Gabriel pala. Kasulukuyang isang level 3 na argz na si Chris. Sa loob lamang ng tatlong taon naging malakas na sya masyado kaya naging madali lang sa kanya ang makapasok sa Aragon at maging level 3 Argz.

"May balita ba sa Aragon kung nasaan ang kuta ng mga highbreed?" Tanong ko kay Chris

"Hay naku ikaw tong isa sa mga kasapi ng haligi ng Aragon ikaw tong walang alam" sagot ni chris habang napakamot sa ulo.

"Alam mo naman ayaw kong pumupunta dun. Tuwing pumupunta ako dun wala na silang ibang mukhang bibig kundi ang mag ensayo ako ng mabuti para mapatay ko ang malaking banta na si cercie seven dahil tanging espada ko lang daw ang makakapatay sa kanya. Hindi ko nga alam kung totoo ba ang cercie seven na yan hanggang nagyon hindi pa nga yan nagpapakita eh" sagot ko

Wala naman talaga akong paki alam dyan sa cercie seven na yan. Ang tanging importante sa akin ay ang groupo ni Molave sila lang ang nakakaalam kung nasaan na si Dariana.

"Wala talagang hint kung saan ba nagtatago ang mga highbreed na yan pero may kumakalat na chismiss na baka isa daw sa mga kaharian ang nagtatago sa mga highbreed." pag uulat ni Chris

Isa sa mga kaharian? Napaka impossible naman yun. lahat naman ng kaharian ay galit sa mga highbreed at sigurado ang mga highbreed galit sa lahat. Pero papaano kung may nakipagsabwatan nga sa highbreed pero pwede rin na pinapalabas lang ng mga highbreed ang ganitong usapin para mag away2 ang mga kaharian sa isat isa.

Bigla nalang may tumunog mukhang galing yun sa kay chris

"Ano ba yan?" Tanong ko

"Ah ito ba.. isa tong libro na tagahatid ng mensahe. Sandali lang mukhang nagpadala ng mensahe si Alexia." sabi ni chris habang kinukuha ang maliit na libro sa kanyang bag.

"Chris inaatake ang unang bahagi ng Avlon ng mga highbreed. Marami sila at mukhang nandito ang groupo nila Molave. Pumunta ka dito at dalhin mo si Raven." ito ang inisulat ni Alexia

Inilabas ko si Bubu at agad kaming lumipad patungo sa Avlon. Hinding hindi ka makakawala sa akin ngayon Molave. Itatama ko ang malaking pagkakamali ko nagawa noon. Kung buhay pa si Dariana babawiin ko sya. Kung patay na sya ako mismo ang uubos ng lahat ng lahi ng mga highbreed.

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon