Escape

738 24 17
                                    

Dedicate ko ang chapter na to kay IamMarsian for always reading and voting everytime my new chapter ang The Four Kingdoms hehe

(Dariana POV)

"Halika na at umalis na tayo dito" sabi nya habang inaabot nya ang kanyang kamay sa akin.

Napayakap ako kay Molave ng makita ko sya labis kong ikinatuwa na narito sya dahil kahit hindi ko sya masyado pinapansin ng maayos nung mga nagdaang araw dumating pa rin sya upang iligtas ako.

"Hindi lang naman si Molave ang pumunta dito para iligtas ka bakit sya lang ang may yakap?" Simagot na sabi ni Gulsah.. narito rin pala si Gulsah at Luna para iligtas ako.. Niyakap ko din sila aperho.

"Salamat at dumating kayo para pakawalan ako dito sa kulungan.. Nakakabagot palang makulong"  sabi ko sa kanila..

"Lumabas na tayo dito ng makaalis na tayo. nandoon sa labas sila Silva, Igor at General Athula nakikipaglaban sa mga tagapagbantay ng rim Family!" pagkatapos magsalita ni molave ay hinawakan nya ang aking kamay habang tumatakbo kami papalabas.

Pag dating namin sa labas nandoon nga sila Igor, Silva at general Athula nakikipaglaban sa mga tagapagbantay nila Naxu hindi ko inaasahan may ganito pala karaming tauhan sila Naxu kunsabagay bawat isa sa limang punong tagapagbantay ng reyna ay may mga kawal na under sa kanila.

"Lake of Fire!" maraming nasunog na mga kalaban sa ginawa ni General Athula at ito ay naging daan upang makaraan kami.

"Pag nakalayo na kayo dyan palang kami aalis dito kaya Bilisan nyo!" sigaw ni General Athula.. Bakit ang kunti lang nila pumunta dito eh ang rami rami ng mga tauhan nila Naxu.. Kahit malalakas sila sigurado mahihirapan sila .. sapagkat tatlo lang silang pipigil na habulin kami ng mga yun.

kailangan din namin makasigurado na walang makakasunod sa amin kundi malalaman nila kung saan kami nagtatago. Nangangamba ako paano kung may iba pang dumating mula sa kaharian ng Orca or worst mula sa ibang kaharian o sa Aragon mismo.. anim lang kami sigurado matatambakan kami.

Napatingin ako sa kamay ni Molave na nakahawak pa rin sa akin hanggang ngayon.. Hindi nya pa rin ako binibitawan kahit medyo malayo na kami sa bahay nila Naxu.. tumatakbo pa rin kami habang hawak hawak nya ang kamay ko.

"Molave pwede mo na siguro akong bitiwan baka mahirapan kang tumakbo na hawak2 ako" hindi naman kasi ako kasing bilis tumakbo ni Molave kaya for sure feeling nya may kinakaladkad sya.

Ngunit mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay "Hindi ko hahayaan na mawala ka pa ulit"

Napatahimik nalang ako at nagpatuloy sa pagtakbo pero natigilan kami dahil ngayon ay nasa harapan namin sila Zero, Naxu at John Frost.

"At sa tingin nyo papayagan nalang namin kayong umalis ng ganun kadali?" sabi ng kuya ni Naxu na si Zero.. Ang mukha nya parang nagbabanta na susugurin nya kami anytime ganun din si Naxu at John Frost nakahanda sila dumepensa o umataki man.. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mawari kung bakit ba ganyan na ngayon ang pakitungo sa akin nila Naxu at John Frost.. Hindi naman kami close ni Zero kaya wala akong paki alam sa kanya.

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon