Cercie Seven

919 37 8
                                    

3 Years Later…

(Dariana POV)              

Pagkatapos kong naligo nagbihis na ako dahil kanina pa ako hinihintay ni ama para kumain. Habang nagbibihis ako nakita ko na naman ang peklat sa aking dibdib. It took 3 years bago tuluyang gumaling ang sugat ko dito sa dibdib. Sabi ni ama espesyal daw ako. Pag nasugatan lang ako ng kahit na anong sandata wala pang minute maghihilom na ito pero maliban sa isang espada. Ang espada ni clandestina. Ginawa ang espada na yun para talaga pang patay sa akin. Pag yun ang sumugat sa akin hindi ito basta maghihilom. Kung malala ang sugat ang naidulot nito aabutin ng taon bago ako gumaling.

Dahil sa natamo ko 3 years ago nawala ang mga alaala ko. Ang tanging naaalala ko lang ay ang mukha ng taong sumaksak sa akin. Sabi ni ama anak sya sa isa sa mga nagpasimuno sa pagpatay sa aming mga highbreed. Pagkatapos ng mga highbreed na naging loyal at nagserbisyo ng buong puso sa sepra, orca, avlon at zyre bigla nalang isang araw  tinutugis na ang mga highbreed. Inakusahan ng kahit na ano. Marami sa aming lahi ang nasawi dahil doon kasama na doon ang aking ina. Hindi na nagawang mailigtas ni ama si ina at ako lang ang nailigtas nya nung mga panahon na yun.

Maraming taon ang nagdaan na nagtatago lang ang mga highbreed. Ang akala ng lahat extinct na ang mga highbreed pero ang totoo ngpapalakas lang sila. Nung sanggol ako pinadala ako ni ama sa ibang dimension kung saang dimension hindi ko na maalala. Sabi nya na hinintay nila ang pagbabalik ko bago nila gawin ang paghihiganti.

Nagsimula na silang maghiganti 3 years ago pero hindi ako nakasama dahil sa sugat na aking natamo pero ngayon fully recovered na ako makakasama na rin ako sa pakikipaglaban. Handang handa na ako lumaban dahil hindi lang naman ako nakatunganga sa loob ng 3 taon dahil kahit nung mga panahon na hindi pa ako masyadong magaling nagsimula na akong mag ensayo kung papaano ang lumaban.

“Kumain ka na Cercie Seven” Sabi sa akin ni ama pagkadating ko sa hapag kainan. Oo napakaweird ng name ko dahil may number ewan ko ba bakit hindi cercie nalang ang pangalan ko bakit may seven pa talaga.  Ang pangalan naman ng aking ama ay si Darius. Sya ang pinuno ng mga Highbreed may kapangyarihan sya ng apat na elemento. Hindi masyadong marami ang kagaya naming may kapangyarihan ng apat na elemento mostly dalawa o tatlong elemento lang meron ang mga highbreed.

Habang kumakain kami dumating si Roki ang pinakabatang general namin.

“Anong nangyari sa pag sulong nyo sa mga base militar ng Aragon kahapon?” Tanong ng aking ama kay Roki.

“Sampu lang ang nasira naming base militar dahil dumating bigla si Reva.” Sagot ni Roki,

“Malakas talaga yang si Reva.  Hindi ko nga inaasahan nakaligtas pala sya sa laban ko noon sa kanya at ng iba pang argz.” Kwento ni ama kay Roki, Yun yung balak ako patayin ni Reva nung sanggol pa ako at yun rin ang panahon ng pagkamatay ni mama.

“Ama gusto ko na po sumama para lumaban. Gusto kong maipaghiganti ang nangyari kay ina at kung sino man sya na sumaksak sa akin noon.” Sabi ko na puno ng determinasyon.

“Sige pwede ka na sumama sa groupo nila Molave tutulungan mo sila kung ano man ang magiging mission nila.” Sabi ng aking ama. Sa wakas pinayagan na rin nya ako.

 “Salamat ama Hindi ko kayo bibiguin!”  Niyakap ko si ama sa sobrang tuwa.

Pumunta ako sa bahay ni Molave. Doon din kasi tumatambay ang groupo nila. Masaya ako at sa groupo nila Molave ako nilagay ni ama. SIla kasi ang pinakamatalik kong kaibigan dito.

“Molave.. may maganda akong balita sayo pinayagan na ako ni ama na sumama sa inyong mga misyon!” binalita ko agad sa kanila.

“Talaga? Mabuti kung ganun basta wag ka lang lalayo sa tabi ko ng mabantayan kita ng maigi” sabi nya habang inaakbayan ako.

“Hmmftt Hindi mo na ako kailangan bantayan hindi naman ako bata noh!” sabi ko na nakasimangot ang mukha.’

“Oo nga naman Molave at mas malakas pa kaya si Cercie Seven kaysa sayo ngayon pa na magaling na ang sugat nya.” Sabi ni Igor

“Nasanay lang tong si Molave na alagaan si Cercie Seven o di kaya may iba ng dahilan haha” tawang sabi ni Gulsah na parang kinikilig. Ewan ko anong kinikiligan nya -_-

“Tumahimik ka nga dyan GUlsah!” Sigaw ni molave kay Gulsah..

Nag act lang si Gulsah na zinizip nya ang kanyang bibig pero halatang tumatawa pa rin. Ewan ko minsan talaga baliw baliwan tong mga to.

Nung mga hapon umalis na ako sa bahay ni Molave at pumunta sa bahay ni Wesley. Pag gusto ko pumunta sa bayan ng avlon, sepra, orca o di kaya sa zyre para mamili ng ano man gusto kong bilhin nagpapasama ako kay Wesley. Isa kasi sya sa mga highbreed na hindi sumasama sa mga Misyon kaya hindi siya kilala bilang isang highbreed.

“Wesley gusto ko pumunta sa Avlon may bibilhin lang ako pwede samahan mo ako ngayon alam mo naman magagalit si ama pag umalis ako ng hindi ka kasama.”  Pakiusap k okay Wesley

“Sige ba.. basta libre mo ako ng makakain!” hay naku puro lang talaga pagkain ang nasa isip ni Wesley.

Bago kami umalis isinuot ko ang aking maskara. Higpit na bilin ni ama na pag wala ako sa teritoryo ng mga Highbreed kailangan ko magsuot ng Maskara para di ako makilala ng iba. 

Nang makarating na kami sa pamilihan ng Avlon may nakita akong nagbibinta ng bracelet tulad ng suot2 ko.

“Ate Ano po ba ang bracelet na ito? Normal lang ban a umiilaw ito tuwing gabi?” Tanong ko sa nagbebenta.

“Umiilaw lang yan pag may tumatawag ng pangalan mo” sagot nya.

Umiilaw ito pag may tumatawag ng pangalan ko? Every night  umiilaw ito. Ang ibig sabihin tuwing gabi may tumatawag ng pangalan ko? May naghahanap sa akin? Sino naman kaya yun? Ano kaya kailangan nya sa akin?? Na cucurious tuloy ako kung sino ba ang tumatawag sa akin. Siguro nasa malayong lugar sya dahil kung nasa malapit lang sya bakit hindi nya ako puntahan sa bahay o baka naman hindi nya alam kung nasaan ako.. hay naku ewan! Masakit sa ulo ang mag isip!

“Kumain na tayo nagugutom na ako eh!” pagpupumilit ni Wesley sa akin. Ang kunti pa ng nabili ko gusto na agad kumain nitong si Wesley haayyysss..

The Four KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon