PARTY

904 21 0
                                        

Ilang araw ko ng iniiwasan at binabalewala ang nararamdaman ko sa bestfriend ko. Ang hirap pala! Di ko alam kong bakit humantong pa sa ganito. Pero ang mahalaga kailangan kong pigilin ito hangga't maaga pa. Pero kahit papaano may isang parte ang lumalaban sa puso ko. At 'yun ay ang ama ng anak ko na si Drill. Kahit na nasaktan ako noon hindi ko padin mapigilan ang sarili ko na hindi siya patuloy na mahalin. Hanggang ngayon umaasa padin ako na sana magkita at makasama namin siya ng anak niya.

Pero ang tanong? Makakaya ko ba kaya? Makakaya ko pa bang makita siya? Sana lang may lakas pa ako ng loob para harapin siya. Natatakot ako na baka pag nagkaharap kami ulit, ibang Drill na ang makaharap ko.

Nagkabalikan kaya sila ng ex-girlfriend niya? Naging sila kaya ulit? Baka nga nagkabalikan sila. Sino ba naman ako di ba para piliin niya. Unang una palang alam kong rebound lang ako para sa kanya, parang isang laruan na kong saan niya lang kailangan doon niya lang maiisipan na gamitin ako pero pag pinagsawaan... Iiwan at itatapon ka na lang na parang basura.

Napabuntong hininga ako sa mga naiisip ko. Hindi ko alam na ang bigat-bigat pala para sa akin ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Pero ngayon? Mas nabubuhayan ako kasi may anak akong napaka gwapo pero suplado at laging naka poker face nga lang. Namana ata niya sa ama niya lahat ng kaugalian niya. Dati kasi noong unang apply ko sa company nila napaka suplado at laging naka poker face 'yung lalaking yun. Nasungitan pa nga ako no'ng unang pagkikita namin. Hays, akala ko nga 'yung kursong inaapplyan ko ang aapplyan ko sa company nila pero sa iba niya ako inoffer na di ko man alam kong anong trabaho ang pinasukan at bigla na lamang akong umuo sa inoffer niyang trabaho. Akala ko simpleng slave lang 'yun. Pero iba na pala! Ang tanga ko kasi masyadong occupied ang utak ko sa pamilya ko, kasi naman sila talaga ang iniisip ko. Kailangan ko talagang makahanap ng trabaho para tulongan ang mama at kapatid ko kaya no choice na din ako.

Nalaman ko na nga lang kong anong trabaho ang inoffer ng boss ko nung nagsimula na ang unang araw ko sa kanya nung gabing 'yun.

Heto na naman ako binabalikan ang mga ala-ala namin noon nung unang pagkikita namin ni Drill. Ba't ko ba siya iniisip ngayon, dapat tigilin ko na ang kakaisip sa kanya. Magkaiba na ang sitwasyon namin ngayon, baka nga kasal na siya at may sariling pamilya na. Kailangan ko na talagang tanggapin na wala na talaga.

Napapitlag ako ng may marinig akong boses na nagsalita.

"Ang lalim ata ng iniisip mo ah! Hindi mo kasi ako na recognize na nandito pala ako kanina pa." Sabi nito.

Kunot noo ko siyang tinignan at nagtaka sa sinabi niya.

"Kanina?"

"Oo. Kanina pa ako dito! Tinatawag nga kita sa pangalan mo e kaso ang lalim ng iniisip mo kaya di mo ata napansin ang presensya ko kaya, hinintay na lang kita kong kailan ka babalik sa katinuan."

" Ba't di mo naman sinabi. Naghintay ka pa tuloy"
hindi ko alam kong bakit himala ngayon malaya akong nakakapagsalita ng maayos sa kanya, samantalang nung nagdaang mga araw ay parang hindi ako mapakali pag kaharap ko siya at nakakausap.

"Ano ba ang iniisip mo? May balak ka atang tumulala lang maghapon e. May problema ka ba bespren?"

"Ah. Wala maman. Ano nga palang ginagawa mo dito? May ipapagawa ka ba?"

"Wala naman, may sasabihan lang ako."

"Ano naman 'yun?"

"Di ba nga may business partner ako na pumunta dito sa korea? Ipapakilala sana kita sa kanya noong nasa hotel tayo e kaso nagka emergency ka naman. Tapos nung mga nakaraang araw lagi naman kayong hindi mag tagpo kasi minsan may gagawin siyang importante kaya di nakakapunta dito sa company natin. Tapos minsan naman pag andito siya wala kanaman kasi nagpapaka mommy ka sa anak mo. Di ko alam kong bakit ayaw ng tadhana na pagtagpuin kayo!" Iritableng sabi nito.

MY POSSESSIVE BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon