BEACH (Part III)

950 23 6
                                        

"Mom let's swim!"

"Wala akong gana baby e, dito na lang si mommy please!?"

"Okay."

"Thank you. Pasama ka kay tita mo?"

"Opo."

Tinignan ko lang ang anak ko na papaalis na kasama ang kapatid ko para maligo. Iwan ko ba kong bakit nawalan ako ng gana ngayon, feeling ko kasi may parte sa akin na nawala?! Hindi ko alam kong bakit bigla na lang ako nagkaganito simula nung mawala ang anak ko kanina lang ay parang hindi na ako nasisiyahan pa.

Dahil ba ito doon sa Anthony na 'yun? Bigla kasi akong nawalan ng gana ng marinig ko ang sinabi ni Callix.

"Oh bakit hindi ka pa naligo?"

"Wala akong gana bespren ikaw ba bakit andito ka dapat naliligo ka na doon!"

"Maya may hinihintay kasi ako."

"Sino?"

Napangiti bigla si Callix at akmang sasagot na sana siya ng biglang may tumawag sa pangalan niya kaya pareho kaming napalingon sa likod niya.

"CALLIXXX." Sabi ng isang girl habang nakangiti.

Maganda 'yung girl pero mas maganda ako syempre. Matangkad din siya, magsitangkad kaming dalawa. Maputi, cute, smiling and mukha namang mabait din. Sino ba ito?

"Jeshy!" Sagot naman ni Callix at ngumiti din sa babaeng bagong dating.

"Akala ko naligaw na ko, buti na lang nakita kita dito na nakatayo." Sabi nung babae.

"Dapat pala sinundo na lang kita."

"Okay lang nakarating na naman ako dito. By the way, who is she?" Tanong nung babae kay Callix at tinuro ako.

"I'm Marte Mae Dextri, Callix Bestfriend. Call me Mae na lang." Pakilala ko sa babaeng kausap ni Callix.

"OMG! Ikaw pala si Mae? Hindi ko akalain na maganda ka talaga sa personal hindi 'yung puro kwento lang. Ang ganda mo talaga!"

"Thank you."

"I'm Jeshy Sandoval." Sabi nito sabay lahad ng kamay sa akin na siyang tinanggap ko din.

"Kaibigan din ako ni Cal----

Hindi niya naituloy ang sinasabi niya ng sumabat si Callix.

"Correction! Nililigawan."

"Oo na nililigawan mo na." Inis na sabi nito kay Callix.

Natawa naman ako sa inasal nilang dalawa. Hindi ko akalain na may nagugustuhan na pala ang bestfriend ko. Saka bagay naman sila, parehong kalog.

Nagtataka ba kayo na hindi ako nagseselos? Actually hindi ko Naman talaga nagustuhan si Callix. Ang gulo 'no? Pero 'yung totoo hindi ko pala gusto si Callix, sa sobrang gulo ng buhay ko kaya kong ano-ano na lamang ang pumapasok sa isip ko. Oo gusto ko si Callix noon pero hanggang crush ko lang pala siya, mas nangingibabaw kasi ang pagmamahal ko sa ama ng anak ko. Kahit na malayo at hindi na kami nagkikita ni Drill, mahal ko pa din siya. Mahal na mahal.

"Bagay kayo!" Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Talaga bespren? Sabi ko sayo Jesh bagay talaga tayo kaya sagotin mo na kasi ako!!!"

"Manahimik ka nga! Hindi tayo bagay dahil tao tayo."

"Yan ka na naman sa pagiging pilosopo mo!"

MY POSSESSIVE BOSSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon