Drill point of view

1.1K 22 0
                                        

A/N: Sa mga nagrequest ng point of view ni Drill, ito na po siya. Sorry kong natagalan ako sa pag update. Sana hindi kayo nagsawa sa pag aantay ng mga update ko. Sorry readers, busy lang si author. Alam niyo naman kong ano buhay ng mga studyante dba? Lahat naman cguro tayo busy sa module or online class right? Sana hindi kayo magsawa sa paghihintay ng mga updates ko. Ito na hinihintay niyo, I hope magustohan niyo kahit medyo maikli lang. Enjoy reading!!!

DRILL POINT OF VIEW:

"Sir, naka ready na po ang iyong flight papuntang korea. At naka set na din po yung schedule mo para sa pagkikita niyo ni Mr. MONTERO. May ipapa dagdag ka po ba sir?"

"Wala na. Thanks Secretary Kim"

"Sige po mauna na po ako."

Tinanguan ko na lang siya at umupo na sa upuan ko.

Nagpaka busy na ako ngayon sa companya ko para maibsan ang sakit at pagka miss ko kay Mae. Hanggang ngayon hindi ko pa din siya makita. Ilang taon na akong naghahanap sa kanya, pero wala pa din akong balita. Ni sa private imbestigator ko wala pa din siyang nalalaman.

Hanggang kailan ako maghihintay Mae? Hanggang kailan ako maghahanap sayo? Wala na ba talagang pag-asa na magkita at makasama kita ulit? Mae, alam kong nagkamali ako, pero pinagsisisihan ko na yun. Sana naman magpakita kana sa akin. Sana makita na kita? Ilang taon na akong naghahanap, at umaasang babalik ka? Mae sana this time makita na kita?

Gusto ko na siyang makita ulit?

Mahahanap at mahanap din kita Mae, hinding hindi ako susuko hanggat hindi kita nakikita.

••••NAIA••••

"Sir mag iingat po kayo doon ah?"

"Syempre naman Ms. Kim, dapat lagi akong mag iingat kasi hindi ko pa nahahanap si Mae. Kaya kailangan ko din alagaan sarili ko para pag nagkita kami ulit...... Maayos at malusog ako yung hindi nakaka distracted.. Chuss lang yun HAHHAAHAH. Ikaw din mag iingat ka, saka ikaw na bahala sa company ko ah? Nga pala! Kailan ka ba maghahanap ng partner mo yung hindi normal na partner lang, yung partner na makakasama mo for the rest of your life."

"Hay naku sir, wag mo na nga lang pakialaman ang buhay ko." Naka pout na sabi nito.

"Kaya ka di nagkaka love life e, isip bata ka kasi."

"Si sir talaga!!! Hmppp.."

"HAHAHHAH."

"Sige lang pagtawanan mo pa ako."

"Ikaw naman hindi mabiro HAHAHAH."

"Buti pa ang atupagin mo e yung paghahanap kay Mae hindi yung pakikialam sa love life ko."

"Syempre hindi mawawala sa isipan ko yun?!"

"Sana mahanap mo na siya? At sana magkaayos na rin kayong dalawa?"

"Sana nga Kim. By the way, pag tayo lang dalawa wag mo na akong tawaging sir?"

"Hindi pwede yun? Boss kita kaya sir itatawag ko."

"Hindi mo din naman ako boss lang, magkaibigan din naman tayo noong mga studyante pa tayo."

"Pero iba naman ngayon, ikaw ang may ari ng company'ang  pinagtratrabahoan ko. Kaya Hindi pwedeng hindi kita tawaging boss."

"Hindi ka padin talaga nagbabago? Ikaw padin 'yung Kim na napaka inosenteng kaibigan ko noon."

"Hindi mo naman ako magiging kaibigan noon kong hindi mo ako tinulongan sa mga nambu bully sa akin. Kaya nga heto ako ngayon sa companya mo nagtratrabaho para makabawi sa lahat ng tulong na naitulong mo sa akin noon. Kaya pinapangako ko sa'yo sir. I will gave my whole life to your company para matulongan kang maitaguyod ng maayos ang companya mo. ^_^"

"Ang bait mo talaga! Sana naman makahanap ka na ng lalaking aalagaan at iingatan ka sa buong buhay mo. Hindi ka naman pangit? Ang ganda mo kaya, sadyang sagabal lang yang eyeglasses mo sa mukha mo. Tanggalin mo kaya yan?"

"Sir! Please lang po.... Wag mo na kasing pakialaman ang buhay ko. HEHEHHE. Hayaan mo na sarili ko, Saka ayaw kong isipin ng iba na nagpapaganda ako para lang may lalaking magka interest sa 'kin. At saka hindi naman ako nagmamadali sa pagmamahal na yan? Ayaw ko na may nagkakagusto sa akin dahil lang sa nag-ayos ako, ang gusto ko yung lalaking tanggap ako kong ano ako ngayon. Ayaw ko 'yung pagbabago lang ng sarili ko ang gustohin nila, gusto ko yung tatanggapin talaga nila kong ano meron sa akin, at kong ano ayos at pag uugali ko. Saka ang love hindi naman hinahanap yan e, kusang dumadating sa buhay natin ang love na yan. Saka dadating din naman yung araw na mararansan ko din kong ano ang naranasan mo ngayon sir."

"Wow hah! Nagiging maka diyos ka ata babae? Pero I like your speech. Tama ka! Hindi naka basi sa kaayosan ng itsura ang pagmamahal. Kong ano ang itsura at ayos mo, yun dapat ang tanggapin at mahalin nila. Pag may nang ligaw sayo, dumaan mona siya sa akin kamo, Baka kasi lokohin at paglaruan ka lang nila. Buti na yung handa tayo diba? Parang kapatid na rin kita, kaya pag niloko ka nila? Humanda sila sa akin!"

"Ano ba yan lalaki! Change topic na nga lang tayo?"

"Naks! Buti naman hindi na sir tawag mo sa akin."

"Si sir talaga!"

"Yan ka na naman sa sir mo?"

"E, boss naman kasi kita?"

"Kahit na! Just call me 'lalaki', our endearment" I said and wink at her.

Yun kasi tawagan namin noon, nung tinulongan ko siya sa mga nerd na nambubully sa kanya. Una niya akong tinawag na lalaki kaya tinawag ko din siyang babae noon. Nagka sagotan pa nga kami pagkatapos ng pagtatanggol ko sa kanya. Ang inosente kasi niya, kaya nainis ako at sinigawan siya. Gusto ko lang naman na tanggalin niya yung pagiging inosente niya, kaya siya nabubully e. Masyadong mabait!


"Hays, oh sige na nga!"

"Good."

"Umalis kana?"

"Pinapalayas mo na ako Kim?" Naka pout na sabi ko sa kanya.

"Tungek, tinatawag na yung flight number mo?"


"Ahh. Ganun ba? HAHHAAH. Sige alis na ako. Mag iingat ka lagi ahh?"

"Opo!"

"Wag mong kakalimutan yung sinabi ko? Pag may nanligaw sayo, dumaan mona siya sa akin. Naiintindihan mo?"

"Opo, Papa."


"Papa pa nga! HAHAHAH."

"Kong magbanta ka kasi, parang ama ko lang."

"Concerned lang ako sa'yo. Ayaw kong may nananakit sa'yo. Basta pag nasaktan ka sabihin mo lang ako, papabugbog ko sa assassin namin yung lalaking yun?"

"HAHAHAH. Umalis kana nga lang."

"Cge, bye na. Mag iingat ka? Matatagalan pa naman ako sa Korea."

"Opo. Ingat ka din po?"

"Oh sige, alis na ako."

"Bye."

Tinanguan ko lang siya at naglakad na paalis.

Sumakay na ako at umupo sa number na ibinigay sa akin. At dahil pagod ako, natulog na mona ako habang hinihintay ang pag alis ng eroplano........

MY POSSESSIVE BOSSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon