WEIRD FEELINGS

638 15 2
                                    

"Aeros pakilayo nga yang pagkain mo ang sakit sa ilong." Reklamo ko sa kinakain ng anak ko.

Kumakain kasi siya ng pancake na luto ni Manang yung katiwala ni Drill nung unang pagtapak ko lang sa bahay nila. Pinaluwas niya kasi dito sa Korea si Manang para may katulong kami sa bahay O kaya magbabantay Kay Aeros pag wala kami dito.

"Hindi naman po mabaho ang Pancake ni Nana." Sabi nito.

Nana ang tawag niya kay manang dahil 'yun ang gusto niyang itawag kaya hinayaan na lang namin siya.

"Eh sa na nababahoan ako."reklamo ko ulit.

Iwan ko ba kong bakit nababahoan ako sa amoy nito. Ibang-iba na talaga 'tong nga nangyayari sa akin. Minsan nahihilo naman ako tapos naduduwal. Ganito din ako nung nagbubuntis kay Aeros. Hindi kaya? O god! Don't tell me buntis talaga ako?

"Mom Kong ayaw mong maamoy ang pancake ko edi umalis ka dito." Masungit na sabi ng anak ko sa akin.

Bigla akong nakaramdam ng panlulumo sa inakto ng anak ko. Feeling ko iiyak ako dahil sa pagsusungit niya sa akin.

Nagiging emosyonal nako huhuhh. Naiiyak ako kasi parang ayaw na ng anak ko sa akin.

"You're weird mom." Kunot noong sabi ng anak ko.

Mas lalo akong nagpout dahil sa sinabi niya. Kahit naman ako ay naguguluhan sa nangyayari sa akin. Buntis ba talaga ako? Paano kong Oo? Magpapabili ako kay manang mamaya ng PT baka kasi nag aassume lang ako na buntis tapos hindi pala.

Nagpabalik-balik ako ng paglalakad sa kwarto ko hinihintay ko kasi si Manang dito para malaman kong ano ang totoo, kong buntis ba ako O hindi? Gusto kong malaman kong ano 'tong weird feelings na nararamdaman ko. Yung laging pagkahilo, pagduduwal, nababahoan sa mga bagay bagay at nagiging emosyonal.

"Ma'am ito na po 'yung pinapabili mo."

"Thank you po manang." Sabi ko at pumasok na ng cr.

Nagdasal mo na ako bago ko pinatakan ng ihi ko yung pt. May pa pikit pikit pa ako bago ko ito tignan. Lahat ng pagka excited ko kanina na sana buntis ako ay biglang nawala. Nanlumo akong lumabas ng banyo at parang iiyak sa nakita kong results ng pt.

"Oh! Ba't ka naiiyak iha?"

"Manang ang assuming ko po." Naiiyak na sabi ko kay manang.

"Bakit ano bang resulta iha?"

"Negative po." Sabi ko sabay hagis ng pt ko sa kama.

Niyakap ko si manang at humagolgol sa balikat nito.

"Iha. Wag kanang umiyak. Magkakaanak pa naman kayo ni sir Drill. Kaya huwag kanang umiyak diyan. Wait kunin ko lng 'yung Pt itatago ko na lang sayang din kasi 'yun. Ang mahal mahal."

Kumalas nako sa pagkakayap ko kay manang at hinayaan siyang kunin ang PT sa kama ko.

"Ano bang itsura ng pt pag buntis?" Tanong sakin ni manang.

"Iyong may dalawang guhit po." Sagot ko naman dito.

"Kong hindi ka buntis... Bakit dalawa ang guhit dito sa pt mo?"

Napatingin ako kay manang dahil sa sinabi nito. Agad naman akong lumapit sa kanya at nanlulumong hinawakan ang pt.

Huminga mo na ako ng malalim bago ko tignan ang guhit ng pt. Nagulat ako ng makita na dalawa na ang lumabas na guhit dito. Para akong nangyelo ng makita ang guhit. Hindi ko maalis ang tingin ko dito dahil baka nagkakamali lang ako ng paningin.

Pero hindi nagtagal pinikit ko na ang aking mata at huminga ng malalim bago ulit tignan yung guhit sa pt ko. Napayakap ako bigla kay manang ng makita na hindi isang kaisipan lang yung nakikita ko sa pt. Totoong dalawang guhit na ang nakikita ko. Akala ko nanaginip lang ako peri hindi totoong buntis nga ako. Alam ko naman kasi kong ano nangyayari sa akin pag nagbuntis ako.

"Manang...(sob) ang saya ko.." sabi ko kay manang habang humahagulgol sa balikat niya.

"Bakit naman iha?" Tanong niti.

"Buntis talaga ako manang." Umiiyak na sabi ko kat manang.

Gulat na napatingin sa akin si manang. At masayang niyakap ako nito ng mahigpit sabay hagud sa aking likod upang i comfort ako.

"Congrats iha. Magkakaanak ulit kayo ni sir Drill." Sabi ni manang na siyang nagpaiyak pa ng lubos sa akin.

Sobrang saya ko ng malaman na buntis ako. Doble din siguro ang saya ni Drill pag nalaman niyang buntis ako. Gusto ko din naman magkaroon kami ng babaeng anak para hindi nag iisa si Aeros.

"Oh sha! Tara na sa baba. Baka dumating na si sir. Maligo ka mona iha tapos sunod kana lang sa akin sa baba. Ipaghahanda kita ng makakain para maging healthy anak niyo ni sir."

"Salamat po manang. Sige po mauna na po kayo sa baba."

"Sige iha bababa nako. Sumunod ka pagkatapos mo para naman makakain na kayo ni baby."

,"Opo manang."

Sinundan ko na lamang ng tanaw si manang habang pababa ito ng hagdan. Hindi padin maalis yung saya sa labi ko. Tama ang hinala ko buntis ako. Magkakaanak ulit kami ni Drill. Hindi na ako makapag hintay na sabihin ito sa kanya. Na eexcite ako sa mga naiisip ko. Paano ko ba ito uumpisan na sabihin sa kanya na buntis ako. Dahil sa pagka excited ko hindi ko na alam kong ano ang sasabihin ko.

After 30 minutes natapos na din akong maligo at mag-ayos ng aking sarili. Naka bistida lang ako. Ata naka flat shoes para naman di ako madulas sa paglalakad. Kailangan ko mag ingat para hindi mawala ang anak namin ni Drill. Gusto ko pa makita ang itsura ng bunso namin. Sana naman babae na ito.

Bumaba nako ng hagdan at pumunta agad sa sala. Sakto naman pag punta ko dun ang siyang dating ni Drill. Masayang nakangiti ito na tumingin sa akin sabay halik sa aking noo at pisnge. Naiiyak ako sa di ko man lang alam na dahilan siguro dahil sa excitement na aking naramdaman ngayon.

"May problema ba?" Tanong nito sa akin.

Umiling naman ako bilang sagot sa tanong nito sa akin."Natutuwa lang ako." Sabi ko sabay yakap ng mahigpit sa kanya at napahagulgol.

Hinagud nito ang aking likod at hinalikan ang aking noo.

"Stop crying."

"Masaya lang ako."

"Why?"

"Drill." Tumingin ako dito at napatitig sa kanyang mga mata. Naghintay ito ng sagot ko. Huminga mona ako ng malalim bago ko sinabi sa kanya. "I'm pregnant. Magkakaanak ulit tayo Drill." Masayang sabi ko dito.

Nawala bigla ang ngiti sa aking labi ng makita ko na hindi ito natuwa.

Bakit hindi siya natuwa? Ayaw niya bang magkaanak kami ulit?

Nabigla ako ng bigla niya akong yakapin.

"Ang saya ko hon. Sobrang saya ko... Magkakaanak ulit tayo." Natuwa ulit ako sa reaction nito. Akala ko d niya gusto yung pagbubuntis ko.

"Ang bait ng diyos mahal. Binigyan niya ulit tayo ng pagkakataon na magkaroon ng anak."

"Gaganahan na ulit ako nito umuwi agad. This time masisilayan ko na din yung paglaki ng tiyan mo." Sabi nito na siyang nagpakirot ng puso ko. Dati kasi hindi niya nasilayan ang paglaki ni Aeros sa tiyan ko.

Ngayon hinding hindi ko na ipagkakait sa kanya ang paglaki ng aming anak sa loob ng sinapuounan ko. Ito na din siguro yung oras na kailangan kong bumawi sa kanya.

___________________________________
Ps: Sorry kong matagal akong nag update... Hope you like it guy's! Thanks for staying....And god bless also.....

MY POSSESSIVE BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon