•BASEMAN/BRIDESMAID•
"Sorry, sorry, sorry. Sorry sa ginawa kong kalokohan kahapon." Sabi nito.
Kanina pa yan sorry ng sorry sa akin. Kahit na sinabihan ko na siya na okay lang.
"Sorry! Hindi ko lang kasi alam kong anong gagawin ko kahapon." Sabi nito habang nakayuko.
"Bakit?"
"Yung guy na pumasok kahapon, si Jung ki... He's my ex." Malungkot nitong sabi.
Ex niya si epal? Pan'ong?
"Kakabreak lang namin. Hindi ko alam ang rason niya, basta ang alam ko lang ay ikakasal na siya doon sa babaeng epal na fiance niya. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kong bakit biglaan ata 'yung pagkakaroon niya ng fiance."
Anong ibig niyang sabihin Feeling ko parang may mali ata dito. Tama naman siya e, biglaan talaga ang pagpapakasal nila. Nung huli kaming magkasama ni Mae masaya pa kami nun ang pinagtataka ko lang after ng ilang araw nag-iba na ang kinikilos nito. Sa tingin ko may mali talaga.
"Nung huli kayong magkasama ni epa----este ni Jungki anong ginawa niyo?" Tanong ko sa kanya.
"Nakipaghiwalay siya sa akin." Naiiyak na sabi nito.
Bigla naman akong nakaramdam ng pagkadismaya. Akala ko masaya sila nung huling pagsasama nila.
Kong kailan nagkaroon ako ng pag-asa para sana alamin kong ano ang totoo. Baka kasi may problema lang si Mae, tulad ng mga napapanood ko minsan sa palabas yung ipapakasal 'yung isang tao sa iba dahil sa business or something na may konektado sa mga relatives nila.
"Nga pala bukas na ang kasal nila, sabi ni Jk imbitado daw ako. Gusto ko sanang tumanggi kasi masakit para sa akin na makitang ikakasal na siya sa iba. Parang dinudurog ang puso ko pag nakikita ko siyang kasama nung epal na babaeng 'yun."
Si Mae ba ang sinasabi niyang epal?
"Tsk. Stop calling her epal." Sabi ko dito.
"She's epal naman talaga e. Inagaw niya ang lalaking mahal ko. Ang epal niya sa lovestory namin ni Jk. Mahal ako ni Jk pero bakit ganito? Bakit pinili niya 'yung epal na babaeng 'yun kaysa sa akin."
Napangiwi ako sa sinabi niyang 'lovestory'. Tsk. May pa lovestory pa siyang nalalaman, wala namang forever. Nagiging bitter na ata ako. Kasalanan ni Mae 'to. Kong hindi niya ako sinaktan di naman ako magiging bitter.
"Hindi epal si Mae sa lovestory niyo ng ex mo. Baka nga 'yang ex mo ang epal tsk."
"Hindi epal si Jk. Saka ba't mo ba pinagtatanggol ang babaeng 'yun?"
"She's my girlfriend, I mean my ex-girlfriend."
"Ohmyghad! Ngayon ko lang napagtanto. Siya ba 'yung babaeng nakasama natin nung nag beach tayo?"
"Yup! She's the mother of my son."
"Bakit hindi mo siya ipaglaban? May anak kayo, kaya dapat ipaglaban mo siya."
"Nah. Hindi niya ako mahal. Kahit noong una palang wala na akong puwang sa puso niya. Isa lang akong laruan para sa kanya."
"WHAT THE HELL! TANGA KA BA? KONG ALA-----
Natigil ito sa pagsasalita ng may bigla itong mapagtanto.
"Oh gosh! Muntikan na." Bulong nito pero narinig ko parin.
"Muntikan na ang alin?"
"MUNTIKAN KO NG MAKALIMUTAN NA NGAYON PALA AKO SUSUKATAN NG GOWN." Sigaw nito.
BINABASA MO ANG
MY POSSESSIVE BOSS
RomanceA demure brave girl who graduated BUSSINESS AD deals with Mr. Nympho slash possessive rich guy. Who change her a lot when she entered this guy life. A girl innocent before are now a wild lover. After 9 months, Mae give birth a handsome cute little...
