He's my everything and my Life

1.2K 27 0
                                        

Mahigit siyam na taon na ang lumipas ng mag decide kami nila mama na lumipat dito sa korea. Nakitira lang din kami nila mama at bunso kong kapatid sa bahay ng lola ko na ang ina ng aking ina. Akala ko masungit ang ina ni mama, hindi pala. Sabi kasi ni mama noon, striktong tao ang pamilya niya, kaya nga noong nabuntis si mama pinalayas siya ng kanyang ama na lolo namin dahil sa galit.

Galit ang pamilya ni mama sa kanya at kay papa dahil sa nabuntis ni papa si mama, ayaw kasi ng magulang ni mama kay papa dahil low class ang pamilya nito. At noong mga panahong 'yon, may fiance na si mama, anak ng business partner ni papa, gusto daw kasi ni papa ipakasal si mama sa lalaking anak ng kasusyo niya sa trabaho. Pero itong si mama, ayaw niya kasi may iba siyang mahal, at yun ay si papa. Mahal nila ang isa't isa noon pero ayaw ng magulang ni mama dahil mababang uri lang ang pamilya ni papa. Although may kakayahan naman sila papa noon pero hindi nga lang yung kagaya sa pamilya ni mama.

Kaya noong malapit ng magpakasal si mama sa fiance niya, gumawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal, at ang naisip niya noon ay yung magpabuntis kay papa. Kaya ayun,  at noong araw na ng kasal ni mama doon na nalaman ng parents niya na buntis ito at yung lalaking inaayawan nila pa ang ama ng dinadala ng anak ni mama.

Galit na galit ang ama ni mama noon sa kanya. Dahil sa nagpabuntis ito sa low class na lalaking ama ng dinadala ni mama, which is my father. At doon na nagsimula ang lahat, pinalayas si mama ng parents niya. Pero hindi iyon ininda ni mama, dahil ginusto niya yun para hindi maikasal sa iba. At noong pinalayas si mama, nag decide si papa na umalis sila ng korea at pumunta sa pilipinas tutal taga dito din naman ang pamilya ni papa. Nag tayo sila ng sarili nilang pamilya, kumakayod si papa ng pera para sa panganganak at tirahan nila ni mama. At hanggang sa manganak si mama, doon na bumago ang ikot ng mundo nila, sumipag si papa sa pagtatrabaho hanggang sa lagi nang tumataas ang ranggo ni papa sa position niya sa companyang inaplyan nito. Laging masaya si papa sa t'wing umuuwi ito ng bahay dahil makikita na naman nito ang mag ina niya which is me and mom. At doon na nag tuloy-tuloy ang s'werte nila mama at papa.

Ang ganda ng storya nila 'no? Parang teleserye lang yung buhay nila noon. Sana ga----------

"Mom, are you with me?" 
Nakalimutan ko may kausap pala ako. HEHEHEH. Nadala lang naman kasi ako ng buhay nila mama noon. Andito pala ang pinaka special na tao sa harap ko. Ang baby ko.

"Sorry baby ko, medyo nadala lang si mommy mo ng utak niya, kaya wala sa sariling hindi kita narinig." Sabi ko sa anak ko with paawa effect pa. Ganyan kasi ako sa kanya, HAHAAH. Baliktad nga kami e, parang siya na 'yung matanda saming dalawa, lagi akong pinapagalitan ng anak ko. Kawawa talaga ako pag sa kanya. HUHUHUHU. Namana niya lahat sa kanyang ama. Hays, kong alam mo lang Drill na ang gwapo at suplado at cold at basta lahat ng ugali niya namana niya sa kanya.

"Tsk. Stop that annoying face mom. You look like a....... Hmmm" siya habang nag iisip ng idurugtong niya sa sasabihin niya sa akin. "What do you call that ahm...Takas mental......I guess."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Graveh, ang sama ng anak ko sa akin. Walang awa talaga 'tong batang 'to! Ang sama pag dating sa akin pero pag kay mama ang bait-bait. Sa akin lang niya sinasabi ang mga ganun. Pag 'yung bruha ko namang kapatid nagpapa cute, hindi niya sasabihan ng mga ganoong words, ang unfair ng baby ko 'no? Sa akin ang pangit ng mga lumalabas sa bibig niya.

Hays, kahit ganyan yan mahal ko padin anak ko. Siya na nga ang lahat at buhay ko. Kapag nadadapa o nababangga yan, hindi ako mapakali bubugbogin ko talaga yung mga nanakit sa baby ko, minsan tinatawag na nga akong OA ng baby ko, nako ako na nga itong nagmamalasakit sa kanya, siya pa may ganang manermon hays. Hindi ba pwedeng mag-alala ang ina niya sa kanya. Kahit napakakunting galos lang 'yun dinadala ko talaga siya sa hospital tapos senermonan pa ako nito dahil daw galos lang 'yun, kasi daw may pa hospital pa daw akong nalalaman. Ang sama ng baby ko 'no? Inaaway at senesermonan ako lagi. Ayaw ko ngang may mangyari sa kanya kahit lamok pipiktosan ko pag kinagat siya. Ayaw na ayaw ko na kahit ni kunting galos o kagat man lang ang dadapo sa balat ng baby ko. Kaya nga lagi ko siyamg binibili ng mga protection sa balat. Para hindi siya magasgasan o magalosan man lang. Basta ayaw kong may nangyayaring masama sa baby ko, masisisi niyo ba ako? Ina ako kaya ganun ako makareact sa baby ko. Baka nga pag kayo na nagka baby, mas malala pa gawin niyo kaysa sa akin. Yung tipong kinagat lang ng lamok anak niyo dadalhin niyo na agad sa hospital kasi baka may bacteria na dumapo man lang. Oh, diba ang OA ng dating. Ganun kasi yung nangyari sa akin noong nagalosan ng sobrang kunti ang baby ko dahil nadapa ito, pinagtawanan pa nga ako ng doctor dahil daw kunting galos lang daw 'yun. Para sa akin hindi lang kunting galos yun, ayaw kong nagagalosan ang anak ko. Naiiyak kasi ako pag sa baby ko. Iwan ko ba ang emotional ko pagdating sa anak ko.

"Hays, punta ka na mona sa lola mo? Ayaw kitang makita kasi inaaway mo 'ko. Ang sama mo sa mommy mo." Naka pout na sabi ko sa kanya.

"Tsk. Childish!"

"Aba!" Ang bastos ng batang 'yun, tinawag ba naman akong isip bata. Hindi naman ahh? Hmp.

"Hey! Are you alright?"

"Mukha ba akong okay!" Galit na sabi ko.

Kita nitong beast mood ako sa anak ko. Inaaway na naman ako ng batang 'yun.

"Chill. Ang sungit mo best friend! Ba't ba ang sungit mo ngayon?"

"Tinawag kasi akong childish ng baby ko. Hmp!" Naka pout na sabi ko sa kanya.

"HAHAHAAHAHHAHAHAHA"

" Ghe lang tawa ka lang, tutal last mo na ding tawa ya. Dahil mamaya sisiguradohin kong hindi kana siskatan pa ng araw"

"HHAHAH..Ffttttt.... Hindi....fttt....hindi na ako tatawa.....fttttt....promise.....fttttttt....."
Hindi daw? E, pinipigilan pa nga niya tawa niya. Sarap talagang hambulosin ng lalaking 'to. Pagtawanan daw ba ako!

"Ay iwan ko sayo, sarap mong hampasin ng baseball bat." Sabi ko at tumayo na.

"Wait.... HAHAHHA...hintayin mo ako...fttttt.....HAHAHHAHAHAHHAHAHA."

-___-

Nabaliw na! May sayad ata siya sa utak? Tsk. Makapunta na nga lang kina mama.


"Ma, Anong ginagawa niyo?"

"Naglalaro ng cheese, bakit?"

"Nakikipaglaro ka sa bata? Maduga ka ma, hindi marunong baby ko."

"Anong hindi! Nakasampung talo na nga ako. Ni isa wala akong panalo. Ang galing ng batang 'to. Saglit ko lang siya tinuruan nito, ang bilis matuto. Ang talino talaga ng apo, mana sa lola niya."

"Eww, mandire ka nga ma! Hindi niya namana sayo ang katalinohan niya. Wala ka naman nun!"

"Ang sama mong bata ka! Matalino naman talaga ako noon ahh, ako laging first sa school namin noon."

"Noon 'yun ma! Hindi na ngayon."

"Ang sama mong bata ka! Kaya ka binabara ng anak mo e, kasi barado din yang bunganga mo sa amin. Manang mana talaga siya sayong pranka. Tsk. Tsk.tsk."

Dapat pala hindi ko pinamana sa anak ko pagiging pranka ko! Yan tuloy binabara ako nito. Kong anong pranka ko sa iba, siya namang balik pranka ng anak ko sa akin. Hays, sa akin niya talaga namana ang pagiging pranka.

Nagiging abnormal na tuloy ako, may lahing abnormal ba talaga pamilya ko? Ba't parang lahat kami may sayad sa utak? Di bale na nga lang.

"Tayo naman maglaro nak?" Masayang sabi ko sa kanya.

"Next time mom, I'm tired now." Sabi nito sabay tayo.

"Sa akin ka na lang makipaglaro baby boy, maganda 'tong laroin ang Scrabble. Tutal matalino ka naman kaya talonin mo si tita mo."

"Okay!"

Aba! Pag ako nakipaglaro inaayawan ng baby ko pag sila naman, okay agad! Ang unfair dapat sa akin din nakikipaglaro siya.

"Wawa ka naman!"

"Tigilan mo ko! Baka gusto mo ilibing kita ng buhay."

"HAHAHAHHA."

"Isa pa! Ililibing na talaga kita ng buhay."

"Pftttt...."

"Letse ka CALLLIIIIXXX!!!!!"


"HAAHAHHAHAHAH." tawa nito sabay takbo.

B'wusit na callix 'yun! Nang aasar pa e. Hahambulosin ko na talaga siya, 'ta niya!

Buong angkan ata namin may sayad sa utak, lalo na 'tong callix na 'to, Number 1 sa may sayad. Hays. Wala talagang matinong makausap sa bahay na 'to. Makatulog na nga lang mona.

MY POSSESSIVE BOSSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon