MAE PO:
Kasalukuyan akong nagbrebreakfast dito sa coffee shop. Maaga kasi akong pumasok sa trabaho dahil may mga tataposin pa ako sa office ko kaya naisipan kong magpaaga ngayon at di na din ako nakapag breakfast sa bahay kaya dito na lang ako sa coffee shop sa harap ng company namin.
Hindi na din ako nagpaalam kina mama kasi natutulog pa sila at hindi ko na rin ginising ang baby ko baka maisturbo ko 'yung magandang tulog niya.
May mga nakasama din ako dito sa coffee shop na nagtratrabaho din sa company ni bespren. Napaaga din sila dahil may tataposin din sila kaya heto kami ngayon lahat nag bre breakfast. Pero kanya-kanyang upuan kami, hindi kami nagsasama sa iisang table. Dahil ayaw ko rin na may kasabay kasi may ginagawa din ako dito. Dala-dala ko kasi 'yung loptap ko at inaayos ko 'yung mga format para sa meeting namin mamaya.
Napansin ko rin lagi na tuwing may meeting kami laging wala 'yung ka business partner kuno ni Callix. Lagi siyang wala sa company. Ano bang pinag gagawa niya?
Sabi naman ni Bespren may inaasikaso daw na importante 'yung kasosyo niya sa company. Ano namang importante ang ginagawa niya? Sana mamaya makasama na namin siya sa meeting para naman malaman niya 'yung mga bagong products na ilalabas.
Habang umiinom ako ng kape napatingin ako sa labas ng pinto at nanonood lang ng mga taong naglalakad sa kong saan-saan. May mga tao akon nakikita na nagmamadali sa paglalakad.
Baka nagmamadali sila kasi may trabaho pa sila.
Pinagmamasdan ko lang ang mga tao habang tinatapos ko mona 'tong pagkakape ko bago ako pumunta sa company para taposin 'tong ginagawa ko sa loptap ko.
Hindi ko sinadyang mapatingin sa dulo ng kalsada. At nagulat ako sa nakita ko.
A-ang imaheng 'yun? Ang mukhang 'yun? Matagal-tagal na din nang hindi ko na mapagmasdan ang imahe niya. Totoo ba 'tong nakikita ko? Drill?! Siya ba 'yun? Namamalik-mata lang ata ako.
Kinurap-kurap ko ang aking mata at Pagkatapos ay tumingin ulit sa harapan. Pero wala na akong makitang imahe niya ni mismong anino niya wala. Kaya naman dali-dali akong lumabas para hanapin siya kong totoo man na nakita ko talaga siya. Hinanap ko siya sa kong saan saan pero wala akong makitang Drill. Ni likod niya hindi ko makita.
Totoo ba talaga na nakita ko siya? O baka naman namalik-mata lang ako? Siguro dala lang din ito ng sobrang stress ko dahil sa works kaya kong ano-ano na lamang ang nakikita ko.
Akala ko nakita ko na siya ulit pero hindi pala. Siguro dala na din 'to ng pag-iisip ko sa kanya paminsan-minsan kaya kong ano ano na lamang ang nakikita ko.
Kong totoo man na nakita ko siya, posible kayang andito siya sa korea? Pero imposible! Ano naman ang gagawin niya dito?
Shit! Bahala na nga baka namalik mata lang ako kanina.
Tapos na akong kumain at magkape kaya naisipan ko nang pumunta sa company para taposin ang ginagawa ko.
Pipindotin ko na sana ang 5th floor ng biglang may pumasok.
"Ugh. Ms. Marte ikaw po pala yan. Good morning po pala!"
"Good morning din." Bati ko din sa kanya.
"Ang aga niyo naman po ata Ms. marte."
"May tataposin lang kasi ako para sa meeting mamaya kaya napaaga ako. E ikaw bakit ang aga mo?"
"Si ma'am talaga! Lagi naman po kaming maaga kasi baka mapagalitan kami pag lagi kami late pumapasok."
"Ah. Ms. marte na lang h'wag mo na akong tawaging ma'am."
"Opo ma'am este Ms. Dextri."
Nginitian ko na lamang siya at pinindot na ang floor kong saan ang office ko. After a minutes nakarating na din ako sa office ko. Mabilis kong nilagay ang loptap ko at inoopen Ang computer ko dito sa office para eedit din lahat ng data na ginawa ko habang gumagawa naman ako ng mga description dito sa loptap ko. Inuna ko mona ag mga description bago ang mga data na enedit ko. Mga ratings kasi 'yun ng mga products na nabebenta namin.
Ilang oras na ang nakalipas ay sa wakas na tapos din ako. Napatingin ako sa pintuan ng office ko ng marinig ko ang mga pagkatok dito.
"Pasok."
"Ms. Marte sabi po pala ni sir Callix pumunta ka po daw sa office niya."
"Bakit naman daw?"
"Hindi ko po alam. Pinapasabi niya lang po kasi."
"O sige. Thank you! Pupuntahan ko na lang siya mamaya, aayosin ko lang 'tong ginagawa ko."
"Sige po Ms. Marte."
Lumabas na 'yung secretary ni Callix. Mabilis ko namang sinave 'yung mga ginagawa ko sa laptop ko at sa computer ko.
Nagtungo na ako sa office ni Bespren at pumasok agad. Hindi na kasi ako kumakatok, pumapasok lang kasi ako agad kaya nakasanayan ko na rin.
"Bakit mo nga pala ako pinatawag? Tungkol ba sa meeting mamaya? H'wag kang mag-alala na tapos ko na din 'yung documents para sa meeting mamaya."
"Workaholic ka talaga bespren. Hays! Hindi naman 'yun ang dahilan kaya kita pinapunta dito. Gusto ko lang sabihin sa iyo na baka nakakalimutan mo na ngayon po ang anniversary ng friendship natin. 25 years na pala tayong magkaibigan bespren 'no? Grabe ang tagal na natin."
Napangiti ako sa sinabi niya.
Hindi talaga niya kinakalimutan ang mga occasion namin as mag best friend. Thankful talaga ako na may kaibigan akong kagaya niya. 'yung laging and'yan tuwing may problema ako. Ang swerte ko kay Callix kasi hindi niya ako iniiwan. Tama nga dapat hindi ko sirain ang pagkakaibigan namin dahil lang sa unti-unting bumabalik ang nararamdaman ko sakanya noon. Kaya habang maaga pa pipigilan ko na ito. Matagal na kaming magkaibigan at sisirain ko pa ba ito dahil lang sa pisteng puso kong ito.
Sa sobrang busy ko sa works at sa baby ko hindi na ako tumitingin ng mga occasion ngayon. Pero dahil siya si Callix na bestfriend ko, hinding-hindi niya makakalimutan 'yung araw ng occasion namin as mag best friend.
"Saan mo gusto pumunta bespren?"
" May works pa tayo e."
" Pwede naman tayong mag leave ng isang araw. Syempre anniversary natin 'to kaya okay lang kong wala tayo dito sa company beside boss ako ng company na ito at ikaw din. Kaya wag kang mabahal kasi hindi pwedeng palampasin ang araw na ito."
"Hay nako! O sige na nga. Sasama ko si Aeros ah."
"Syempre hindi mawawala ang baby mo. Lagi naman yang kasama sa mga anniversary at monthsary natin kaya okay na okay lang talaga 'yun."
"Gusto sana mag beach pwede ba?"
"Sure! Walang problema. Magpapabook na ako sa beach ngayon para hindi na natin makalimutan pa 'yun. After meeting aalis agad tayo."
Napangiti ako kay Callix.
Kaya nga ako nagkagusto sakanya noon kasi ang bait niya at napaka sweet at caring pa. Kaya hindi ako nagsisisi na nagustuhan ko siya noon.
Hindi ko din masisisi 'tong puso ko kong bumabalik man ang nararamdaman nito kay Callix noon. Pero syempre hindi ko pwedeng ipagpatuloy pa kong ano man ang nararamdaman kong ito. Ipagpapalit ko pa ba ang pagkakaibigan namin kaysa dito sa nararamdaman ko. Nah, ayaw kong mawala si Callix bilang kaibigan ko dahil lang sa gusto ko siya.
Kaya pipigilan ko na ito.
____________________________________
Don't forget to vote and comment guys para mas lalo pa akong ma inspired thank you and enjoy!!!!
BINABASA MO ANG
MY POSSESSIVE BOSS
RomanceA demure brave girl who graduated BUSSINESS AD deals with Mr. Nympho slash possessive rich guy. Who change her a lot when she entered this guy life. A girl innocent before are now a wild lover. After 9 months, Mae give birth a handsome cute little...