Part II- OF WEDDING CEREMONY

717 13 2
                                    

Part II- OF WEDDING CEREMONY

At yun na nga! Doon nagsimula ang lahat ng plano nami--- No. My baby's plan I guess.

At ito yung plano! Ang maikasal kami ni Drill. Hind ko alam kong matutuwa ba o magagalit si Drill sa amin dahil sa niloko namin siya at pinagmukhang tanga. Kahit naman ako nasasaktan din pag nakikita ko siyang nasasaktan ng dahil sa akin. Yung mga araw na lagi siyang naglalasing dahil sa akin, doon ako sobrang awang-awa sa kanya. Sobra-sobra ko siyang nasaktan. Lalo na nung time na magpropopose siya sa harap ng bahay namin.

>>>>>>FLASHBACK'S<<<<<<

Nasa gitna ako ng pagmumuni ng biglang mag ring ang phone ko. Nung una hinayaan ko lang ito na mag ring pero after 5 minutes sinagot ko din ito.

"Anak ng tukneneng ka naman bespren ba't ang tagal mong sagotin ang tawag ko?" Bungad sa akin ni Callixto sa kabilang linya.

"What do you want?" Tanong ko dito.

"Tsk. Ako itong unang nagtanong pero nabalik pa din sa akin ang tanong, hays."

"Bakit ka ba tumawag?"

"Yung baby mo patay na." Kalamadong sabi nito sa kabilang linya.

Tsk. Patay lang naman e.

Wait! Teka! PATAY? ANG BABY KO?

"WHAT THE HELL CALLIXTO! WAG MO KONG NILOLOKO. ANONG PINAGSASABI MONG PATAY NA ANG BABY AEROS KO HUH? GUSTO MONG MAKATIKIM NG MAG-ASAWANG SAMPAL?!" Sigaw ko dito sa kabilang linya.

"Shit! Ang sakit sa tainga bespren. P'wedeng kumalma ka mona? Potek! Basag na ata eardrums ko." Maktol nito sa kabilang linya.

"Ayus-ayosin mo yang bunganga mo ah! Baka pakainin kita ng damo 'tamo!"

"Ang Oa mo bespren! Saka di naman si Aeros sinasabi ko. Si Drill ag kumag--este ang love mo."

"What about him?" Naguguluhan kong tanong kay Callix.

"Nandito kami ngayon sa bar nag-iinoman. Niyaya niya kasi akong makipag-inoman kaya pumayag ako. Alangan naman na iwan ko siyang mag-isang iinom dito sa bar. Andami pa namang chix dito baka maagaw ng iba si Drill mo pag nagkataong lasing na lasing 'to."

"Ba't siya iinom? Anong problema niya?" Tanong ko dito.

"Malamang sino pa bang proproblemahin niya? Ikaw lang naman 'yung nagpapaganito kay Drill. Bakit, sinimulan mo na ba ang Plano ni baby Aeros? Kaya ba siya umiinom ngayon?" Tanong ni bespren sa akin.

Hindi ko pa naman nasisimulan ang plano. Humihingi pa ako ng tulong kay Jungki saka sa girlfriend niya. Oo may girlfriend na si Jungki, actually mag fiance na sila. Ikakasal na din sila pero bago sila ikasal kami mona ang mauuna ni Drill para hindi masira ang plano namin. Magpapanggap kasi kami ni Jungki na mag-fiance parte ng plano.

"Hoy! Bespren andiyan ka pa ba? Tumahimik ka ata bigla?"

"Ugh. Don't mind me bespren. Bantayan mo lang si Drill diyan. Huwa mo siyang pababayaan. At saka lagi mokong itetext kong anong nangyayari diyan okay?"

"Okay bespren."

"Sige. End call ko na 'to. May lakad kami ni Jungki. Ngayon ko kas imemeet ang girlfriend niya para na rin ipaliwanag dito ang plano natin."

"Oh sige mag-iingat ka bespren. Ako na bahala sa baby mo." Sabi nito.

Tsk. Baby pa nga! Gago talagang Callix 'yun. Gawin ba daw bata si Drill.

MY POSSESSIVE BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon