Sobrang dami palang nangyare sa buhay namin pero in the end, buo at maayos pa din pamilya namin.
Akala ko mag-isa ko lng papalakihin si Aeros. Ang buong akala ko dalawa lng kaming magkakasama hanggang dulo.
Lord, thank you kasi hindi mo kami pinabayaan. Thank you kasi binuo mo pamilya namin. Ang suwerte ko po sa inyo dahil hindi niyo po ako pinabayaan mula umpisa.
Masaya na ako ngayon at contented sa mga nangyayare. I hope wala ng hahadlang sa amin ni Drill. Mahal ko si Drill, Mahal na mahal.
Napa igtad ako ng maramdaman ko si Drill sa tabi ko at sabay yakap sa akin.
"Good morning!"
"Good morning mahal ko." sabi ko sa kanya sabay kiss labi neto.
"Ang lalim ata ng mga iniisip mo."
"Nagpapasalamat lng ako sa Diyos kasi hindi niya tayo pinabayaan. At binuo niya ang pamilya natin. Akala ko dalawa lng kami ni Aeros na magkasama sa future. Pero heto kayo, Kasama namin at may bago pa tayong baby. Sobrang s‘werte ko sa inyo."
"I love you. Kahit gaano pa ka tagal akong maghahanap sayo hindi pa rin ako susuko. Mahal kita Mae, Mahal na mahal kita. Thank you dahil dumating ka sa buhay ko."
"I'm happy na naging tauhan mo ako sa umpisa. At ngayon, ina na ako ng mga anak mo.... Anak natin."
"Thank you wife."
"No. Ako dapat yung nag t-thank you. Thank you kasi hinanap mo ako. I love you so much mahal ko."
" Tara na? Naghihintay na mga bata sa baba."
"Okay."
Bumaba na kami ni Drill ng kwarto. Nakita ko sa sala si Aeros na nakikipaglaro sa nakababatang kapatid neto na si Neria. Nakaramdam ako ng haplos sa dibdib ko ng masilayan ko ng mga ngiti sa labi ng mga anak ko.
Sobrang saya nila. Napakabuti na kuya ni Aeros sa kapatid neto. Sana sa paglaki pa nila hindi niya ito pababayaan.
Napatingen si Drill sa akin nang huminto ako sa paglalakad. Sinulyapan ko siya at nginitian saglit bago ulit tumingin sa mga anak namin na tuwang-tuwa sa paglalaro.
"Ang saya ng mga anak natin."
"Oo nga e, p‘wede bang dito muna tayo kahit saglit lang? Ayoko kasing sirain yung pagsasaya nilang magkapatid."
"Sure!"
"thank you."
Hindi kami napansin ng mga anak namin dahil nasa taas pa kami. Tuwang-tuwa si Neria sa ginagawa ng kuya neto. Pati ako napangiti dahil sa ginagawa ng anak ko.
Sila ang buhay ko. Pag may nangyaring masama sa kanila ikakamatay ko. Sila ang dahilan kung bakit patuloy akong bumabangon. Sila ang lakas ko para lumaban sa kabila ng mga problema ko.
Mahal na mahal ko ang pamilya ko.
Inaya ko na si Drill na bumaba na kami ng hagdan dahil baka gutom na mga anak namin.
"Mommy!" Sigaw ng aking napakagandang anak na si Neria.
"Hi baby. Pawis na pawis na kayo ah.!"
"Si Kuya po kasi hindi nagsasawa sa pakikipaglaro sakin."
"Gutom na ba kayo?" Tanong ni Drill sa mga anak namin.
"Yes daddy." Sagot naman ni Neria.
"How about you Aeros?"
"Nah! I'm full dad."
" You sure honey?" Tanong ko sa kanya.
"yes mom."
"But you'll eat with us."
"Alright dad."
"Tara na baka naghahanda na sila manang sa kusina." Sabi ko at sabay-sabay kaming tumungo sa kusina.
Naghanda na si Manang ng mg pagkain sa lamesa kaya umupo na kami. Pinasabay na din namin si Manang para naman lahat kami ay makakain.
Habang abala sila sa pagkain ako naman ay nakatingin lamang sa kanilang lahat. Ang daming pumapasok sa isip ko na hindi ko mapigilan hindi ngumiti.
Ito ang pamilyang pinangarap ko noon, ang masaya, at walang ka proble-problema.
Kung noon, sobrang daming nangyare na p'wedeng sumira sa pagsasama namin ni Drill. Pero ngayon, sobrang kakaiba na yung mga nangyayare.
Masaya na ako na buo kami at masayang namumuhay ng walang problema.
Sa dinami-raming problemang pinag daanan namin ni Drill, nandito pa din kami nakauwi sa isa't isa. At masayang namumuhay kasama ang dalawa naming anak.
Sana sa paglaki ng mga bata, hindi nila maranasan ang pinagdaanan namin ni Drill. Pero, hindi ko hawak ang kapalaran ng mga anak namin. Kaya imposibleng hindi mangyare sa kanila yung hirap na pinagdaanan ko makuha lng yung pagmamahal na nararapat sa akin at sa mga anak ko.
Kung ano man ang mangyare sa future ng mg anak ko, buong puso kong tatanggapin at igu-guide ang mga anak ko para hindi sila masaktan ng sobra-sobra.
Dito na ata nagtatapos ang hirap at pagdurusa ng pagmamahalan namin ni Drill.
THE END.
Salamat sa walang sawang pagbabasa ng story ko kahit boring at matagal mag update ng mga Chapter's. Sana po wala sa inyo ang nagalit dahil umabot po ng 2024 yung pag u-update ko sa story. Pasensya na po, hindi po ako perfect. Marami po akong kulang na hindi ko makuha. Mahirap mag update pag walang gadget pang upload at paggawa ng story. Pero hanggang sa maaari naghahanap naman po ng paraan para makapag upload ng Chapter's ng story. Hindi nga lng araw², every week or month. Minsan umaabot ng ilang taon bago makapag update. Pero maraming salamat pa din po sa pagbabasa ng story ko.
BINABASA MO ANG
MY POSSESSIVE BOSS
RomanceA demure brave girl who graduated BUSSINESS AD deals with Mr. Nympho slash possessive rich guy. Who change her a lot when she entered this guy life. A girl innocent before are now a wild lover. After 9 months, Mae give birth a handsome cute little...
