THIRD PERSON POV:
Masayang minamaneho ni Drill ang kotse niya papunta sa bahay nila Mae. Sa sobrang excited niya hindi na maiwala sa kanyang mga labi ang ngiti na matagal tagal na niyang hindi nagagawa mula noong iwan siya ni Mae.
Kaya heto siya ngayon na panay ang ngiti habang pinamaneho ang kanyang kotse. Habang si Aeros naman ay nakangiti rin, nahawa ata siya sa kasiyahan ng kanyang ama. Pareho na sila ngayong nakangiti at excited na excited na makita ang mommy nito na si Mae.
Masayang-masaya si Aeros mula ng malaman niya na 'yung mommy niya pala ang hinahanap at maha ng daddy-daddyhan niya na akala niya ay hindi niya talaga ama.
Lumipas ang ilang minuto at oras ay nakarating din sila sa pamamahay ng namayapang lelang ni Aeros na ina ng lola niya.
Masayang bumaba si Drill sa sasakyan at binuksan ang kaliwang pinto kong nasaan si Aeros. Tinanggal niya mo na ang seatbelt nito at pagkatapos ay tinulungan niyang makalabas ng kotse. Hinawakan naman ni Aeros ang kamay nito.
Naglakad na sila papunta sa malaking bahay na kong tawagin ay mansyon. Napakalaking bahay talaga nito dahil pagmamayari ito ng Lee-Family, pag mamay-ari ng namayapang lolo at lola ni Mae. At dahil namayapa na ang lola at lolo ni Mae, sa kanila ito iniwan lahat ng ari-arian sa kanila napunta. May sariling negosyo na iniwan ang kanyang lola at dahil nga ayaw niya monang i handle ang Company'ang iyon, pina handle na mona nito sa mga tiyohin niya dito sa korea at sa companya ni Callix na mona siya nagtratrabaho.
Abala si Mae sa paghahanda ng breakfast nila ng mama niya at nang kapatid niya. Ayaw niya mona kasing pumasok hangga't hindi pa naibabalik ang kanyang anak. Ayaw na ayaw niya talaga itong pinapasama o ipinagkakatiwala sa ibang tao lalo na't hindi nila kakilala. Galit na galit siya kahapon dahil sa nalaman niya na ipinagkatiwala ng kaibigan niya ang anak nito sa ibang tao na kailan lang nakilala ng anak niya. Hindi nga maayos ang pagkakatulog nito kagabi ay dahil sa nag-aalala ito sa anak niya.
Hindi kasi siya sanay na hindi makatabi ang anak. Gustong-gusto niya itong nakikita lagi. Kahit nga pag kauwi niya sa trabaho ay ang anak niya ang kauna-unahang hahanapin niya sa bahay.
Sa kakaisip ni Mae hindi niya namalayan na nakapasok na pala si Drill at ang anak nito. Nakalimutan niya kasing siraduhin ang pinto nung lumabas siya kanina para mag jogging. Hobby niya na kasi ang mag jogging sa umaga.
Lutang na lutang si Mae habang naghahanda ng kanilang breakfast. Sa sobrang kalutangan niya hindi niya namalayan na napatitig na pala si Drill at si Aeros sa kanya habang naghahanda ito ng kanilang breakfast.
Hindi inakala ni Drill na siya nga talaga si Mae ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Andito lang pala siya sa korea tapos kong saan-saan pa siya pumupunta para lang hanapin ang babaeng mahal niya.
Hindi niya akalain na ang batang nakasama niya sa hotel at sinamahan niya sa beach na tumawag sa kanya ng daddy ay ang daan tungo sa pagkikita nila ni Mae.
Kinakabahan, na naeexcite, na nasisiyahan, na nagagalak at naiiyak ang nararamdaman niya ngayon. Para bang hindi niya na kayang titigan lang si Mae. Gusto na niya itong yakapin at hagkan sa labi nito dahil sa pagkamiss nito kay Mae. Mabilis na lumapit siya kay Mae at niyakap ito ng sobrang higpit habang si Aeros ay nanonood lamang sa kanila.
MAE POV:
Nabalik ako sa wisyo ko ng biglang may yumakap sa akin sa likod. Bigla akong nakaramadam ng kakaiba sa yakap nito.
Ang mga bisig niya! Hinding-hindi ko nakakalimutan ang mga bisig na ito na minsan na akong nayakap nito noon. 'yung mga araw na magkasama kami ganitong-ganito din ang yakap ni Drill sa akin. Hindi ko akalain na mararamdaman ko ulit ito.
BINABASA MO ANG
MY POSSESSIVE BOSS
RomanceA demure brave girl who graduated BUSSINESS AD deals with Mr. Nympho slash possessive rich guy. Who change her a lot when she entered this guy life. A girl innocent before are now a wild lover. After 9 months, Mae give birth a handsome cute little...
