BEACH (PART II)

972 28 2
                                        

MAE POV:

Kinakabahan at nag-aalala ang tanging nararamdaman ko ngayon dahil sa hindi makita-kita ang anak ko. Kanina ko pa siya hinahanap dito sa beach na ito. Pati sila Callix, mama at kapatid ko ay naghahanap nadin kay Aeros.

Takot na takot ako sa mga naiisip ko na baka kinuha siya ng mga masasamang tao, o di kaya'y kinidnap siya o something na mas worst pa pala ang nangyari sa kanya. Kinakabahan at napapaiyak na ako sa pangyayaring naiisip ko.

Sana naman wala talagang nangyaring masama sa anak ko. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad ang pangahas na kumuha sa anak ko.

"Lord sana po nasa mabuting tao po siya napunta. Sana okay lang ang anak ko." Sabi ko sa isip ko.

Nababalisa na ako kakahanap sa anak ko. Kanina pa din ako iyak ng iyak dahil hindi ako mapanatag ng hindi ko siya nakikita.

Ilang minuto na ang nakalipas mula ng iwan ko siya at nag cr mona. Ang tanga ko! Sana hindi ko na lang siya iniwan. Sana wala talagang masamang nangyari sa kanya.

Oh jusko h'wag niyo po sana pababayaan ang anak ko. Mag-iisang oras na namin siyang hinahanap pero hanggang ngayon hindi padin namin siya mahanap-hanap.

"Kumalma ka muna bespren."

"PAANO AKO KAKALMA! SABIHIN MO NGA! KAKALMA BA AKO, TINGIN MO MAGAGAWA KO 'YUN?" Inis na sigaw ko sa bestfriend ko.

Kanina pa kasi nila ako pinapakalma pero paano naman ako kakalma kong ang anak ko ay nawawala. Kanina pa ako kinakabahan dito. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa anak ko.

Lahat ng tao na gusto ako pakalmahin ay hindi na nagawang nagsalita pa kasi sinisigawan ko lang sila. Ultimo mama at kapatid ko nasisigawan ko na rin. Hindi ako kakalma hangga't hindi ko nakikita ang anak ko.

"Babalik din 'yun, kaya kumalma kana please lang bespren."

"Hindi. Hindi. Bespren huhumm.. Paano kong may masamang nangyari sa anak ko? Paano kong kinuha siya ng masasamang tao?" Tanong ko sa kanya at umiiyak dahil sa baka nga kinuha siya ng mga masasamang tao.

"Huminahon ka m----

Hindi natapos ang sasabihin ng bestfriend ko ng biglang may tunawag sa phone niya. Natahimik naman ako bigla. Baka kasi isa sa mga taong naghahanap din ng anak ko ang tumatawag sa kanya at baka nahanap na din nila anak ko.

"Hello! Oh Anthony ikaw pala yan. Huh? Talaga? Nasaan kayo? Ah." Naguluhan ako sa mga sagot ni Callix doon sa kausap niya.

Sino si Anthony?

"Kong ganun kasama mo pala siya? Ah. Bumili kayo ng damit sa mall tapos kumain na din? Ahh. O sige sige. Oo hihintayin na lang namin kayo dito. Okay sige ingat kayo pre." Sabi ni Callix at ibinaba na ang kanyang phone.

"Sino si Anthony?" Biglang tanong ko kay Callix.

"'yung ka business partner ko. Nga pala nasa kanya daw si Aeros. Nagpunta lang sila ng mall para bilhan ng damit 'yung bata. Wala daw kasing tao dito kanina nung bumalik si Aeros kaya pumunta na lamang siya sa dagat para maligo pero buti na lang nakita siya ni Anthony at sinamahan na din baka kasi kong mapaano pa 'yung bata. Papunta na din sila dito, kumain pa kasi sila kaya hindi nakapunta dito agad."nawala lahat ng pag-aalala ko sa anak ko ng marinig ko ang mga sinabi ni Callix.

Salamat sa d'yos at ligtas ang anak ko. Buti na lang hindi siya napano. Salamat din sa Anthony na 'yun. Sa ilang weeks niyang pananatili dito mula nung dumating siya hindi kami laging nagkikita. Laging may ginagawa ako o absent sa company minsan pag nasa company naman ako wala naman din siya. Sabi nila lagi daw na may hinahanap 'yung Anthony na 'yun. Sino naman kaya ang hinahanap niya?

Bakit ganun na lamang siya kong maging busy sa paghahanap nung hinahanap niya? Ano ba ang hinahanap niya? O baka naman sino ang hinahanap niya?

Aishh. Bakit ko ba pinoproblena ang problema ng iba. Hays. Salamat na din pala sa kanya kahit paano gumaan na ang pakiramdam ko na kulang na lang kanina ay maglupasay ako dito sa buhangin dahil kakaiyak at sa matinding kaba na din ng nararamdaman ko.

Maya-maya may natanaw akong isang bata at isang lalaki. Hindi ko sila maaninag dahil sa matinding sikat ng araw. Biglang binitawan nung lalaki 'yung bata at pinauna na mona. Nang makita ko na ng tuluyan ang bata naalarma agad ako ng makitang Aeros ang batang iyon.

"Mommy."

"Aeros." Sabi ko at mahigpit na niyakap siya. Napahagul-gul ako sa likod niya habang yakap-yakap ko siya.

Hinding-hindi ko na iiwan pa ang anak ko. Ayaw ko ng maulit ang pangyayaring ito.

"Mom why are you crying?"

"Akala ko nawala kana sa akin anak. *sob* akala ko talaga kinuha ka ng masasamang tao." Iyak lang ako ng iyak habang yakap yakap ko siya ng sobrang higpit. Takot ko lang baka mawala siya ulit.

Mahal na mahal ko ang anak at ikamamatay ko kong mawawala man siya sa tabi ko. Sa susunod hinding-hindi ko na siya iiwan pa.

"I'm fine mom. Daddy is here! Tinulongan niya po ako kong paano lumangoy kanina. Marunong na po akong lumangoy mom." Nakangiting kwento ng anak ko sa akin. Napangiti ako dahil sa nakikita kong saya sa anak ko.

Napa kunot noo ako ng maisip ang sinabi niya.

Daddy?
Tinawag niyang daddy 'yung Anthony na 'yun? 'yung business partner ni Callix?

"After that mom we go to the mall then we bought this." Sabi nito turo sa damit na suot-suot niya.

Napatingin naman ako sa damit niya at nagulat ako ng may nakalagay sa likod niya na "this is my baby boy"


"Nasaan nga pala 'yung daddy na tinatawag mo 'nak?"


"Sabi niya po sasagotin niya mona 'yung tumawag sa kanya. Tapos pinauna na niya ako."


"Ah. Ganun ba! Halika na dito." Sabi ko at hinawakan siya sa kamay sabay hila ko sa kanya papunta doon sa table place namin.

Panay parin ang tingin ko doon sa Anthony na 'yun. Pero hindi ko siya makita, nasaan na kaya siya?

Gusto ko lang siyang pasalamatan sa pag-aalaga sa anak ko. At humingi na rin ng tawad dahil sa pagtawag sa kanya ng daddy ng anak ko.

Hindi ko akalain na maghahanap ng daddy 'tong anak ko. Nakakabigla lang na sa ibang tao pa niya hinahanap ang pagkakaroon ng ama. May ama naman siya kaya lang di nito alam na may anak kami. Hindi ko din kasi alam na buntis na pala ako ng mga panahong nagkita kami ng best friend ko sa mall. Kaya pala ganun na lang ka hate ko ang amoy ng grapes. Tapos lagi pa akong emotional noon.

Pero hindi ako nag sisisi na siya ang ama ng anak ko. Mahal ko si Drill, mahal na mahal ko padin siya.

Napangiti ako ng maalala na mas nangingibabaw na naman ang pagmamahal ko kay Drill kaysa sa nararamdaman ko sa bestfriend ko. Unti-unti na din kasing nawawala 'yung pagtingin ko sa best friend ko. Baka nga paghanga lang 'yun. Masyado ko kasing iniidolo si Callix.


Naghintay lang ako dito na dumating 'yung Anthony pero ilang oras na ang nakalipas wala padin siya.


"Bespren tumawag nga pala si Anthony sa akin, hindi daw mona siya makakadalo sa atin ngayon kasi may importante pa siyang pupuntahan. Baka kasi nahanap na niya 'yung babaeng matagal na niyang hinahanap." Nanlumo naman ako sa sinabi ni Callix.

Parang may parte sa akin na nasaktan. Hindi ko alam kong bakit parang may kumirot sa puso ko. Nasasaktan ako na iwan!

Ano ba 'tong nararamdaman ko bakit parang may part sa akin na umaasa na dadating siya? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari sa akin. Minsan kasi parang may kumikirot sa puso ko pag naririnig ko ang pangalang Anthony na 'yun. Para bang familiar na familiar siya sa akin?

Ugh. Iwan ko ba kong bakit ako nagkakaganito. Aishh, bahala na nga lang. Kakain na lang ako.

MY POSSESSIVE BOSSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon