Sorry now lng ako nakapag update kc panay ang brown out dito sa lugar namin. Minamalas ako pag mag uuldate sana ako. HAHAHA. Lagi kc brown out. Pero ito na so enjoy kayo
____________________________________"Baby dito ka lang ah. Mag ccr lang si mommy. Puntahin mo na lang si tita mo o di ka si lola kong gusto mo makipaglaro sa kanila."
"Okay mom."
"Sige alis na mona ako. Basta h'wag kang pupunta sa kong saan-saan."
"Opo."
"Good."
Pumunta na ako ng cr kasi tawag ako ng kalikasan joke lang. Naiihi na kasi ako, kanina pa kami palakad lakad ng baby ko kaya ayun di ko na natiis ang hindi makaihi.
Ang tagal kasi ni Callix dumating, sabi niya may pupuntahan lang daw siya. Pero di pa siya bumabalik hanggang ngayon. Saan ba kasi siya pupunta?
Anniversary namin ngayon kaya heto kami sa beach nagcecelebrate, sinama nadin namin sila mama at ang kapatid ko. Tutal wala naman silang ginagawa kaya sinama na namin sila.
Matagal-tagal na din na hindi ako nakakapunta ng beach. Noon kasi, 'yung pupunta kami ng beach kasama ko si Drill, pero hindi na tuloy dahil sa VIP clients niya na 'yung ex niya pala. Masakit parin hanggang ngayon ang nangyari sa akin noon, napaka sariwa pa sa aking alaala ang mga nangyari noon. Minahal ko kasi siya ng sobra pero ang hindi ko alam, ako lang pala 'yung nagmamahal sa amin. Samantalang siya isa lang akong kagamitan sa kanya upang pagtakpan ang mga kalungkotan at pagkukulang na naiwan ng ex niya. Hindi ko akalain na ganun ang mangyayari sa amin. Pero hindi ko nakita sa lahat ng ginawa niya sa akin ang mga bagay na makakapagsabi na hindi niya ako gusto.
Iwan ko ba! Malinaw naman sa mga pinapakita ni Drill noon sa akin, sa pagiging caring niya, pagiging sweet. Mahal niya talaga ako, wala ni isang bakas na masasabi mong hindi ka niya minahal o pinahalagahan. Gusto ko man maniwala sa mga pinaramdam niya sa akin noon. Pero hindi ko magawa kasi nasasaktan lang ako pag naaalala ko lang 'yung pagsasama at ginawa niya sa kanyang ex.
Masakit! Sobrang sakit na makitang hinalikan niya ang kanyang ex at mismong sa harap ko pa nakita. Ang tanga ko kong bakit sinundan ko pa siya sa office niya.
Hays, masyado ko ng pinapalala ang sitwasyon. Bakit ko pa ba iniisip ang mga ala-alang nagpapasakit sa akin.
DRILL POV:
Palakad-laka lang ako dito sa buhangin habang naghihintay kay Callix. Sabi niya kasi magcecelebrate sila ng anniversary nila ng bestfriend niya kaya niya ako inimbitahan dito sa beach. Hindi ko naman alam kong nasaan na siya kasi sabi niya pumunta lang daw ako sa beach at dito na lamang kami magkita-kita.
Hindi ko alam kong nakarating na ba sila o hindi pa kaya hindi ko sila makita dito.
Napaupo mona ako sa buhangin at tumitingin sa mga tao. May nakita akong bata na parang gustong pumunta ng dagat upang maligo. Wala siyang kasama di ko alam kong bakit parang pumintig ang puso ko ng makita ko siya.
Siya iyong batang nakasama ko sa hotel noon. 'yung batang kakilala ni Callix, at ang ina niya ay 'yung bestfriend ni Callix.
Hindi kaya andito na talaga sila? Nandito na 'yung bata, kaya posibleng andito na din 'yung mga kasamahan ng bata.
Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ng bata at tama ako, gusto niya ngang maligo pero wala siyang kasama. Bakit siya maliligo kong wala naman siyang kasama? May balak atang magpakalunod 'tong batang 'to dito. Hays, sasamahan ko na lang siya tutal magkakasama naman din kami.
Ano nga pangalan niya? Nasabi na ni Callix 'yun noon
Keros? Meros? Ceros? Aeros? Ahh, Oo Aeros 'yun.Siya si Aeros na anak ng kaibigan ni Callix.
BINABASA MO ANG
MY POSSESSIVE BOSS
RomanceA demure brave girl who graduated BUSSINESS AD deals with Mr. Nympho slash possessive rich guy. Who change her a lot when she entered this guy life. A girl innocent before are now a wild lover. After 9 months, Mae give birth a handsome cute little...