DRILL POV:
Maaga akong nagising upang maghanda ng breakfast namin ni Chaise. At dahil din sa excited akong makita si Mae.
Hindi na ako makapag hintay na makita ko siya. Nagagalak na akong makita at mayakap siya ulit.
Abala lamang ako sa pagluluto ng Bacon saka hotdog habang si Chaise ay natutulog pa din sa kwarto ko. Hindi ko na mona siya ginising kasi maaga pa naman. Excited lang naman kasi ako kaya ang aga ko ngayon. Sino bang hindi maeexcite diba? Makikita ko na sa wakas ang babaeng matagal ko ng hinahanap-hanap.
Buti na lang nakilala ko si Chaise, kaya siguro pinaglapit kami ng tadhana ay dahil siya ang magiging susi tungo sa pagkikita naming dalawa ni Mae. At sana lang hindi pa ako huli! Aayosin ko lahat ng gulo namin noon ni Mae. Gusto kong malaman niya na mali lahat ng nakita niya.
Oo nagkasala ako kasi hinalikan ko ang ex ko pero isa lang 'yun sa mga paraan ko para mapatunayan kong sino ba talaga ang mahal ko. Pero napatunayan ko naman na hindi ko talaga mahal si Rein. Si Mae na ang mahal ko, ang tinitibok ng puso ko. Siya lang at wala ng iba.
Kaya aayosin ko na lahat ng ito. Ayaw ko na siyang mawala ulit, baka ikamamatay ko na talaga pag nawala na naman siya sa akin. Mahal na mahal ko siya kaya gagawin ko ang lahat magkaayos lang kami.
Excited na rin akong malaman kong sino talaga si Chaiser sa buhay ko. Gusto ko malaman kong anak ko ba talaga siya.
Pero paano kong iba pala ang ama ni Chaiser? Paano kong 'yung mga taon na lumipas ay may nakita at nakasama siyang ibang lalaki? Paano kong hindi talaga sa akin si Chaiser?
Arghh... Bahala na! Basta ang mahalaga alam ko na kong nasaan si Mae. Gusto ko na talaga siyang makita.
Pagkatapos ng ilang minuto ay ginising ko na si Chaise para mag breakfast. Pumunta mona siya ng banyo at nagmugmog. Pagkatapos ay sumunod na siya sa akin sa kusina at umupo sa tabi ko.
"After mong kumain maligo ka mona. Para naman hindi ka mangamoy maasim."
"Ihahatid mo na po ba ako pauwi daddy?"
"Oo Chaise."
"Hindi na ba talaga kita makikita?" Malungkot na sabi nito.
Napangiti ako sa sinabi niya. Magkikita naman kami, baka nga minu-minuto ko na siyang makikita sa araw araw. Ngayon na alam ko na si Mae ay ang mommy niya. At mas lalo akong matutuwa pag nalaman ko na anak ko talaga siya.
"H'wag kang mag-alala baby boy araw-araw mo na akong makikita at makakasama."
"Talaga po? Pero bakit naman?"
"Basta malalaman mo rin mamaya. Kumain ka lang jan ng kumain para magkaroon ka ng malusog na pangangatawan."
"Yes daddy."
Kumain na kami pareho at pagkatapos ay pinaligoan ko na siya sa banyo. Hindi naman kami tumagal sa pagpapaligo sa kanya. Pagkatapos ay lumabas nakami ng banyo at pinabihis ko na mona siya kasi maliligo na din ako kaya siya na lang ang magbibihis sa sarili niya.
Pagkatapos ng isang oras natapos na din akong maligo. Joke lang pala, 30 minutes lang naman akong naligo. Hindi naman kasi ako marumi para tumagal pa sa banyo. Malinis na malinis ako kaya kunting kuskos lang at sabon at syampoo lang naman.
Nagbihis na rin ako sa kwarto ko.Naghanap ako ng magandang susuotin para sa pagpunta namin ni Chaise sa kanila. Dapat kasi maayos na maayos ako. Ayaw kong magmukhang unggoy sa harap ni Mae. Kailangan ko monang magpa pogi lalo para mas ma inlove siya sa akin. Kahit na hindi na kailangan pang magpa pogi kasi pogi na talaga ako simula't sapul palang.

BINABASA MO ANG
MY POSSESSIVE BOSS
RomansaA demure brave girl who graduated BUSSINESS AD deals with Mr. Nympho slash possessive rich guy. Who change her a lot when she entered this guy life. A girl innocent before are now a wild lover. After 9 months, Mae give birth a handsome cute little...