••••JELOUS••••
DRILL POV:
One week na ang nakalipas mula nung masaktan ako dahil kay Mae. Pero hanggang ngayon umaasa padin ako na hindi totoo 'yung pinagsasabi nila nung epal na unggoy na 'yun. Sana isang araw sabihin niya sa akin na prank lang lahat ng 'yun.
Hindi ako naniniwala na hindi na niya ako mahal. Alam ko na mahal parin ako ni Mae. Hindi niya ako magagawang palitan, at naniniwala ako na mahal niya parin talaga ako. Hangga't hindi niya sinasabi sa akin na hindi niya ako mahal hindi ako susuko.
"Pare magmumukmok kana lang ba dito?" Tanong ni Callix sa akin.
Kanina pa yan dito sa condo ko, nood, kain, hawak cellphone, yan lagi niyang ginagawa e sa ayaw ko siyang kausapin. Ba't pa kasi andito ang gagong 'to dito? Hindi ko naman sinabi sa kanya na puntahan niya ako dito sa condo ko. Magtiis siya d'yan, gusto niya yan e. Kaya bahala siya d'yan kong mababagot man siya.
"Ang boring naman dito sa condo mo. Tara gala na lang tayo pare."
"Ikaw na lang! Wala akong gana."
"Lagi ka na lang bang magmumokmok dito ha? Wala ka na bang ibang gawin kundi ang magpakalunod sa alak at ang magmukmok dito. Tingin mo ba mapapawi ng pagmukmok at pag inom mo ng alak yang sakit na nararamdaman mo. P'wede ba pare magpakatino ka naman." Pang-iintriga ni Callix sa akin.
Paki niya ba? Buhay ko naman 'to! Siya kaya masaktan ng ganito di niya din ba gagawin 'tong ginagawa ko. Buti nga e di ako nagpakamatay di tulad ng iba d'yan na dinadaan na lang sa pagwawakas ng buhay nila.
"Tsk."
"Pare naman! Mahal mo ba talaga si bespren?"
"Kong hindi ko siya mahal bakit ako nasasaktan ng ganito? Kong hindi ko siya mahal bakit ako nagpapakalasing? Ano sa tingin mo?" Balik na tanong ko sa kanya.
"Sabi ko nga! Kong mahal mo talaga siya edi ipaglaban mo hindi 'yung magmumokmok ka lang dito. H'wag kang papatalo sa celebrity na 'yun. Gumawa ka ng paraan para maibalik siya sa'yo. H'wag kang magpakalasing lang dito. Sa tingin mo masosolve 'tong problema mo sa pag-inom-inom lang? Gumawa ka ng paraan kong mahal mo talaga siya. Make her fall in love again with you."
Wow! Di ko akalain na matinong kausap pala 'tong ungas na 'to. Kailan lang kami nagkakilala dahil sa negosyo pero heto siya ngayon sa condo ko at tinutulongan ako. Tama nga naman siya! Walang magagawa ang pagmukmok at pag-inom ko lang dito. Kailangan gumawa ako ng paraan para maibalik si Mae sa akin. Hindi ko siya pakakawalan, mahal ko siya at gagawa ako ng paraan maibalik lang siya sa akin.
"Edi samahan mo na lang ako. Tara na! Ano pang tinutunganga mo d'yan."
"Wow hah? Ako pa talaga 'tong tumutunganga dito e ikaw nga 'yun."
"Tsk. Ang dami mong dada para kang babae ang daldal mo."
"Ang sama mo talaga pare. Ikaw na nga 'tong tinutulongan e."
"H'wag ka na nga lang dumada d'yan. Labas na! Aalis na tayo."
"Saan ba tayo pupunta?"
"Susundan natin si Mae."
"ANOOO?"
"Bakla ka ba?"
"Sinong bakla?" Sabi nito.
"Ikaw? Daig mo pa babae kong makasigaw tsk."
"Tsk. Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na hindi ako bakla!"

BINABASA MO ANG
MY POSSESSIVE BOSS
RomanceA demure brave girl who graduated BUSSINESS AD deals with Mr. Nympho slash possessive rich guy. Who change her a lot when she entered this guy life. A girl innocent before are now a wild lover. After 9 months, Mae give birth a handsome cute little...