MAE POV:
Di ko alam kong saan ako dalhin ng paa ko basta ang alam ko lang wala na akong paki kong masagasaan man ako o mabunggo, ang mahalaga gusto kong kumawala sa sakit na nararamdaman ko.
Bakit ganito? Bakit ang sakit-sakit?
Pwede bang mamatay na lang? Ayuko na ang sakit-sakit na.Ngayon na bumalik na yung taong mahal niya noon siguro naman wala na akong puwang sa buhay niya. Wala na akong halaga kasi andyan na yung totoong mahal niya.
Ang sakit isipin na isa lang akong laruan at panakip butas para sa kanya. Ang sakit-sakit!
Naiintindihan ko naman siya ehh. Syempre kahit siguro ako kong lalaki lang ako at nasa katayuan niya, mas pipiliin ko din siguro yung taong kauna unahang mahal ko. Lalo na't may dahilan siya para iwan at saktan ka.
Kahit mahal na mahal ko siya. Kailangan ko parin magparaya. At bagay lang sila nung kauna-unahang mahal niya lalo na't bumalik na ito.
Siguro nga ito talaga ang nakalaan sa akin. Ang masaktan ng lubos.
Umiyak lang ako ng umiyak at sinabayan pa ng malakas na ulan ang kadramahan ko sa buhay.
"SIGE LANG UMULAN KA LANG NG MALAKAS. GANUN NAMAN LAGI DIBA? PAGNASASAKTAN AKO SINASABAYAN DIN NG KAMALASAN NA ULAN. BAKIT BA GUSTONG-GUSTO AKO NG TADHANA SAKTAN? BAKIT BA PALAGI NA LANG AKO? WALA NA BA KAYONG MAKITANG IBANG TAO PARA PAULIT-ULIT NIYONG IBAHAGI SA AKIN YUNG LAGING SAWI SA PAG IBIG?" Humagulgul ako habang nakaupo sa daan.
"Bakit kailangan ko pang maramdaman ulit ito? Bakit ako pa napili niyong saktan? Bakit? Ang sakit sakit na. Ayoko na!"
Akala ko noon di ko na ulit ito mararanasan? Akala ko lang pala yun! Bakit ba ako lagi yung gustong-gusto niyong paglaruan? Bakit kailangan ako lagi yung nasasaktan? Bakit sa lahat ng tao ako pa? May nagawa ba akong mali? Tao lang din naman ako na nasasaktan.
Ganun na ba kalaki ang galit ng tadhana sa akin kaya laging ako yung pinaparusahan pag dating sa pagmamahal? Bakit kailangan paulit-ulit akong masaktan? Wala ba akong karapatan magmahal?
Siguro nga wala akong kwentang tao. Tanggap ko naman e? Ganito na talaga kapalaran ko? Yung laging rebound lang tapos sa huli masasaktan. Ako yung laging kontrabida sa pagmamahal ng mga tao, Ako lagi yung mali.
Gusto ko na magpahinga. Ayoko na! Gusto ko na magkaroon ng maayos na buhay. Yung hindi ako nasasaktan. Ngayon alam ko na kong bakit kailangan kong masaktan? Siguro kaya ako nasasaktan para matauhan.
Kahit na masakit, titiisin ko! Kahit na mahirap tanggapin, tatanggapin ko! Gusto ko lang magkaroon ng maayos na buhay. Kahit na nasasaktan ako ngayon, di ko padin kayang magalit sa kanya. Mahal ko parin siya kahit anong gawin ko. Siguro nga naubos na lahat ng pagmamahal ko. Naubos ko ng ibigay lahat sa kanya. Sapat na rin siguro yung mga pinagsamahan namin dati. Yung masasayang ala-ala, yung mga kasiyahan na kasama ko siya, lahat ng iyon itatago ko sa puso ko. Kahit na di talaga kami para sa isa't -isa ayos lang. Mamahalin ko parin siya kahit di ko na siya pagmamay ari.
Siguro kailangan ko na rin munang umalis sa buhay nila. Ayaw ko silang gulohin lalo na't nagkabalikan na ulit sila.
Miss ko na sila mama saka si bunso. Gusto ko na silang makita ulit at mayakap. Siguro sa kanila ko na lang ibubuhos yung panahon ko.
Umiyak ako ng umiyak habang naglalakad ng maalala ko yung mga araw na di ko sila nakita, Yung mga araw na di ko sila na dalaw, di nakasama, di nakausap at di nayakap.

BINABASA MO ANG
MY POSSESSIVE BOSS
RomansA demure brave girl who graduated BUSSINESS AD deals with Mr. Nympho slash possessive rich guy. Who change her a lot when she entered this guy life. A girl innocent before are now a wild lover. After 9 months, Mae give birth a handsome cute little...