DRILL POV:
Masaya ang pagkikita namin ni Mae. Lahat naging maayos, balik na din kami sa dati kaso may dumagdag nga lang. Pero masaya pa din kasi para na kaming happy family, kasama ang anak namin na si baby Chaiser. Balak ko na din sana mag propose kay Mae para maikasal na kami at maging Misis Ford na din siya.
Nasa garden ako ng mansyon nila Mae at kasama ko si Chaiser na nakikipag laro sa aso na ibinigay ko sa kanya. Habang ako ay nag-iisip ng magandang plano para sa pagpo-propose ko sa kanya. Gusto ko kasi siyang i surprise kaya heto ako ngayon thinking about the plan. Pero ni isa wala akong naisip kasi puro common na din 'yung mga ibang surprised na naiisip ko. Gusto ko 'yung mas bongga talaga 'yung hindi pa niya nakikita ni sa telenovela. Mahilig kasi si Mae manood ng mga k-dramas, c-dramas basta she loves watching love story. Kaya advance kong mag-isip 'yun edi sira ang plano ko.
Gusto ko 'yung nakakaiyak na pangyayari. Pero paano nga ba? Ang hirap naman nito. Hindi ko alam kong anong gagawin. Kong magpatulong na nga lang kaya ako kay Callix at saka sa kapatid at mama ni Mae para naman di ako mahirapan sa pagpaplano.
Hmmm.... Sige na nga magpapatulong na lang ako sa kanila. Pero bago 'yun sasabihan ko mona ang first na kasabwat ko ang baby namin ni Mae.
"Chaiser halika nga mona dito may sasabihin lang si daddy sa iyo."
"About what dad?"
"Di ba gusto mong maikasal kami ng mommy mo? So ito na iyon baby boy, magpropropose ako sa mommy mo pero dapat tutulongan mo si daddy mag plano."
"Really dad? Magpropopose ka na kay mom?"
"Yes baby and I want you to help daddy okay?"
"Yes daddy."
"Good. Tara mona sa loob sasabihan ko din lola mo at tita mo sa plano ko para naman madali na tayong makapagplano kong ano ang gagawin."
Hinawakan ko na ang kaliwang kamay ni Chaiser habang ang isang kamay niya ay hawak hawak si poche 'yung aso niya.
Sakto naman 'yung pagpasok namin sa loob kasi andun na si Callix at 'yung babaeng nililigawan niya saka si Cheani na kapatid ni Mae at ang mama niya.
Hindi na pala kailangan ipatawag sila kasi kompleto na sila sa sala habang nanonood ng korean novelas na iwan kong ano ang title nito.
Nag fake cough ako para agawin ang attention nilang lahat na siyang ginawa naman nila. Mabilis na pinause at ini-off ng anak namin ni Mae ang tv upang hindi sila ma distract.
"Bakit mo pinatay Aeros nanonood pa kami e." Reklamo ni Cheani.
"Ano bang problema bro bakit parang kakaiba ata kinikilos niyo ng anak mo?"
"Daddy need your help mamu, tita Chean, tito Callix. So please help him!"
"Ano bang pinagsasabi ng apo ko Drill?"
"Kasi po mama magpropopose ako kay Mae kaya kailangan ko ang tulong niyo para magawa ko ang bagay na iyon. Hinihingi ko ang tulong niyong lahat para maisagawa ang plano kong pagpropose kay Mae."
"OMG! really kuya?" Natutuwang tanong ni Cheani sa akin.
"Oo Chean kaya sana tulongan niyo akong mag plano."
"Wow bro! Kailan gaganapin?" Tanong ni Callix.
"Hindi ko pa alam."
"H'wag kang mag-alala kuya tutulongan ka namin. May suggestion ako kuya baka gusto mong subukan?"
BINABASA MO ANG
MY POSSESSIVE BOSS
RomanceA demure brave girl who graduated BUSSINESS AD deals with Mr. Nympho slash possessive rich guy. Who change her a lot when she entered this guy life. A girl innocent before are now a wild lover. After 9 months, Mae give birth a handsome cute little...
