WEDDING CEREMONY

711 15 1
                                    

"Nandiyan na daw ang love of your life, kaya maghanda kana okay?" Sabi nung baklang organizer ng kasal namin ni Drill.

Oo, tama kayo ng rinig kasal namin ni Drill 'to hindi kasal namin ni Jk. Kaibigan ko lang naman talaga si Jk, Inaamin kong ultimate celebrity crush ko siya noon pero, noon lang 'yun hindi na ngayon. Kasi tanging si Drill lang ang laman ng puso ko, siya lang at wala ng iba.

Akala ko mahihirapan ako sa pagpapanggap na ito, pero hindi pala. Buti na lang matalino ang baby ko, actually siya ang nakaisip nito e. Ang baby boy namin ni Drill ang nakaisip ng pagpalanggap. Grabe sa edad niyang 6 nakaisip siya ng ganitong pagpaplano. Gusto niyo flash back natin? Ayaw niyo edi wag! Pero joke lang readers syempre magflaflash back talaga tayo.

||| FLASHBACK'S....|||

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad at naghahanap ng taxi na masasakyan pauwi sa amin. Atat na atat na akong makauwi sa amin dahil sa namimiss ko ang mag-ama ko. Gusto ko kasi silang makita araw-araw kasi sila ang stress reliever ko pag pagod na pagod ako. Ang makita lang sila nawawala agad lahat ng sakit at pagod na nararamdaman ko sa tuwing nagtratrabaho ako sa companya ni Callix. Kaya nga heto ako ngayon nag-aabang ng taxi para makauwi ako ng maaga sa amin.

At dahil sinuswerte ako ngayon, agad akong nakakita ng taxi. Agad naman akong kumaway sa taxi na paparating sa kinaroroonan ko. Huminto ito sa harapa ko at agad naman akong pumasok sa loob upang sumakay na.

Napapangiti na lamang ako agad pag naiisip ang mga magiging reaction ng mag-ama ko pag sinopresa ko sila dahil sa maaga kong pag-uwi sa bahay.

"Ma'am andito na po tayo."

"Ah, Salamat po kuya. Ito na po ang bayad ko."

"Nako ma'am wala ba kayong barya man lang. Ang laki naman po kasi ng pera mo, wala akong maipapanukli sa'yo."

"Nako kuya keep the change ko na yan sa'yo. Dahil sa bilis mong mag drive. Alam mo bang kanina ko pa gustong umuwi? Kaya nagpapasalamat ako na dumaan ka sa kinaroroonan kong lugar. Kaya manong tanggapin niyo na po yan, sige po mag-ingat ka po sa pagbabyahe."

"Salamat po ma'am malaking tulong po 'tong pera mo sa akin . Salamat po talaga. Kailangan ko na din kasi maipagamot ang anak ko, dahil malubha na po ang sakit niya. Kaya maraming marami pong salamat sa kabaitan mo ma'am. Sana po bigyan pa po kayo ng maraming pang grasya ni god. Gabayan po sana kayo ng poong may kapal. Salamat po ulit, mauuna na po ako ma'am."

"Sige kuya! Mag-iingat ka po sa pagmamaneho."

"Salamat po ulit ma'am." Sabi nito at pagkatapos ay umalis na.

Mabilis kong tinungo ang bahay namin. Dederetso na sana ako sa sala para sana sopresahin ang mag-ama ko kasi tamang-tama magkasama sila ng anak ko habang nakaharap sa pamilya ko at sa bestfriend ko at sa nililigawan nito. Nakurious ako bigla sa ginagawa nila kaya lumapit ako ng kunti para marinig ang pag-uusap nila.

"Ano bang problema bro bakit parang kakaiba ata kinikilos niyo ng anak mo?" Tanong ni bespren kay Drill.

"Daddy need your help mamu, tita Chean, tito Callix. So please help him!" Sabi naman ng anak namin ni Drill.

"Ano bang pinagsasabi ng apo ko Drill?" Naguguluhang tanong ni mama.

Teka ano bang nangyayari sa mag-ama ko? Bakit parang iba ata kinikilos nila ngayon?

"Kasi po mama magpropopose ako kay Mae kaya kailangan ko ang tulong niyo para magawa ko ang bagay na iyon. Hinihingi ko ang tulong niyong lahat para maisagawa ang plano kong pagpropose kay Mae." Sagot ni Drill na siyang nagpatulala sa akin ng saglit.

MY POSSESSIVE BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon