Maaga akong nagising dahil sa idea'ng pumasok sa isip ko. Gusto kong sundan si Mae kaya heto ako ngayon nagtitimpla ng kape sa kitchen.
"May gagawin ka ba sa Company?" Tanong niya sa akin.
"Ah. Oo, may meeting kami." Sagot ko sa kanya. Syempre kailangan magkunwari para di tayo mahalata.
Nagpaalam ako kay Drill kanina na di ako makakapasok kasi may gagawin akong importante. Ang importanteng 'yun ay ang pag sunod ko kay Mae. Aalamin ko lang naman kong sino 'yung kausap niya. Baka kong sino-sino pa imemeet niya, malay natin manyak 'yun tapos biglang sunggaban ang baby ko.
Buti na 'yung handa tayo para pag napahamak si Mae, bigla akong susulpot at ipagtatanggol ko siya doon sa masamang epal na imemeet niya.
Hays, ba't ba may epal sa mundo. Di ba p'wedeng 'yung mga epal d'yan wag monang umextra kita nilang masaya na kami tapos biglang eextra hays. Sarap tadyakan nun ah.
"Drill."
"Yes babe!"
"May pupuntahan lang ako."
"Saan naman?"
"A-ah ano may imemeet akong client. Doon ako pupunta, alam mo na dapat tayong magpaka workaholic para sa anak natin."
Talaga lang ha! Dinamay pa talaga si Chaiser.
"Ganun ba?"
"Oo, kaya hindi na ako makakasabay sa'yo ng lunch. Baka late na din akong umuwi mamaya."
Tsk. 'yung totoo bakit ka nga ba magsisinungaling sa akin kong makikipag meet ka lang naman doon sa katawagan mo kahapon.
Sino ba talaga ang pisteng taong imemeet niya? Bakit kailangan niya pang magsinunggaling sa akin. Mas lalo mo lang akong nililito Mae, Mas lalo mo lang akong binibigyan ng idea na may tinatago ka sa akin. Sana lang wala diba? Ayaw kong pagdudahan ka Mae, naniniwala akong mahal mo parin ako. Bakit kailangan ganito pa gawin mo. Di ba p'wedeng sabihin mo na lang 'yung totoo kaysa 'yung magsisinungaling ka pa. Nakakatanga alam mo ba 'yun!
"Ikaw bahala." Sabi ko na lang at uminom na ng kape.
Hinayan ko na lang mona siyang mag-ayos ng kanyang sarili, habang ako naghihintay lang kong kailan siya matatapos.
Makikipag-kita nga lang siya tapos kong maka over magpaganda daig pa ang taong inlove tsk.
Nakakainis na talaga siya. Sino ba kasi 'yung epal na imemeet niya? Teka babae ba imemeet niya o lalaki? Kong babae okay lang sa akin pero kong lalaki baka makapatay ako ng wala sa oras.
"Ang tagal mo naman!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Inaayos ko lang sarili ko baka mag mukha akong manang sa harap ng client ko."
Client pa nga! Tsk.
"Gaano pa ka perpekto 'yung client na yan para pagpagandahan mo?
"Basta isa siya napaka importanteng tao, kaya dapat mag paganda ako para mas malaki ang i-invest niya sa company ni Drill." Nakangiting sabi nito.
Wow ha! Sa pag-aakala ko Hindi client ang imemeet niya. Baka nga kabet niya 'yun! Tsk. Parang gusto kong pumatay ng tao.
"Hatid na kita."
"Hindi na kailangan kasi baka ma late ka pa sa meeting, sabi nga ni Drill sa akin maaga daw ang meeting niyo. Kaya mauna kana kaya ko naman sarili ko."
Tsk. Kong alam niya lang na di ako pupunta ng company. Susundan ko kaya siya, baka mamaya 'yung katagpo manyakin pa siya.
"O sige, aalis na ako. Mag-iingat ka sa pupuntahan mo babe."
BINABASA MO ANG
MY POSSESSIVE BOSS
RomanceA demure brave girl who graduated BUSSINESS AD deals with Mr. Nympho slash possessive rich guy. Who change her a lot when she entered this guy life. A girl innocent before are now a wild lover. After 9 months, Mae give birth a handsome cute little...
