Sorry kong ngayon lang ako nakapag-update ngayon lang din kasi ako nagkaroon ng oras. Pasensya na sa paghihintay guys. So ayan bumawi ako dito, sorry guys mukhang may panibago g problema na naman si Drill. So enjoy reading!!!!
Keep safe readers!
____________________________________
"Aalis ka po talaga?" Malungkot na sabi ni Chaise.
"Yeah. At gusto ko na alagaan mo ang mommy mo ah, kapag umalis na ako. Maging good boy ka lagi sa kanya, wag pasaway okay?"
"Oum." Sabi nito.
Ang sakit na makita ang anak mo na nalulungkot. Ayaw kong nalulungkot siya para kasing pinupunit ang damdamin ko pag nakikita ko siyang nalulungkot. At dahil yun sa akin kaya siya nalulungkot. Parang gusto ko na tuloy mag stay dito at samahan na lang ang anak ko.
"Hindi ka na po ba mapipigilan?" Mapupungay ang mga mata nito habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Mapait akong napangiti. Nakakaawa ang anak ko, bakit ba kailangan sa ganitong sitwasyon pa kami nagkaroon ng problema. Bakit di na lang pwedeng maging masaya kaming lahat. Gusto kong ibigay sa anak ko ang maayos na buhay pero di ko magawa. Paano ko ibibigay kong ang mahal ko ay may mahal ng iba. Paano ko siya ipaglalaban kong masaya na siya sa piling ng iba.
"Babalikan naman kita dito kaya wag kang mag-alala anak."
"Pero matatagalan ka pa po." Nakayukong sabi nito.
Ang hirap magpaalam sa anak ko. Nasasaktan ako pag nakikita siyang nalulungkot.
"Buti pa anak mag family bonding mona tayo ngayon para naman di ka malungkot okay? Huwag mona natin isipin ang mga problema natin. Magpakasaya mona tayo. Saan mo ba gustong pumunta para sa family bonding natin?"
"Hmm... Pwede po ba natin isama si mom?"
Hindi pwede kasi busy siya sa iba. "Oo naman. Isama mo lahat ng gusto mong isama." Sabi ko nalang para wala ng gulo.
"Wait daddy, I'll call mom."
"Dito lang ako baby." Sabi ko at tinanaw na lamang ang anak ko na papaalis papunta sa mommy niya.
Bakit kailangan niya pang isama ang mommy niya? Panigurado hindi sasama si Mae. May pinag-aabalahan siyang iba. Hindi ko pa pala alam kong kailan sila ikakasal. Sana lang maging maayos ang pamumuhay nila ng anak namin.
"Daddyyyy..." Sigaw ni Chaise ng makalapit siya sa akin.
"Oh bakit? Hindi siya sasama? Hayaan mo na baby magbonding na lang tayong mag-am-------
"Sasama ako."
Napatingin ako sa taong nagsalita. Ganun na lamang ang paglaki ng mga mata ko ng makita ko siya sa harap.
Totoo ba 'to? Si Mae sasama sa family bonding namin ng anak ko? Imposible! Busy siya sa kasal niya kaya alam kong hindi siya pwedeng sumama sa amin. Baka pinilit lang siya ng anak namin para sumama.
"Kong napilitan ka lang sumama pwede ka namang tumanggi saka hindi ko naman pababayaan ang anak natin."
"Hindi. Sasama talaga ako. Saka ang anak ko lang ang iniisip ko baka kong mapaano pa siya." Sabi nito.
"Hindi ko naman siya pababayaan. Saka babantayan ko naman siya lagi."
"Hindi pwede! Sa ayaw at sa gusto mo sasama ako. Baka may mangyari pang masama sa kanya."
"Wala ka bang tiwala sa akin?"
"W-wala! Ayaw kong magtiwala sa kahit na sino pag sinasama nila ang anak ko. Puwera na lang kay Jung." Sabi nito.
BINABASA MO ANG
MY POSSESSIVE BOSS
RomanceA demure brave girl who graduated BUSSINESS AD deals with Mr. Nympho slash possessive rich guy. Who change her a lot when she entered this guy life. A girl innocent before are now a wild lover. After 9 months, Mae give birth a handsome cute little...
