"Hoy! Anong ginagawa mo d'yan?"
"Kumakain ano pa ba!"
"Tsk. Ibig kong sabihin bakit ka nandito at bakit dito ka kumakain? Wala bang pagkain sa condo mo?" Inis na sabi ko kay Callix.
'To talaga! Kong makakuha ng pagkain sa ref. Ko kala mo sa kanya.
"Ang boring sa condo ko e, kaya dito na lang mona ako saka kaibigan mo naman ako kaya okay lang na kumuha ako ng pagkain dito."
"Gago! Ano ka patay gutom?!"
"Isipin mo na kong anong gusto mong isipin basta kukuha ako ng pagkain dito sa ref. Mo at wala kanang magagawa."
Tsk. Ano pa nga bang gagawin ko. Nakakuha na siya e, kanina pa nga ata yan lamon ng lamon dito sa kitchen.
Kahit ako nawawalan din ng gana dito sa condo ko. Hays, miss ko na si Mae at ang anak namin. Pwede naman akong pumunta sa bahay nila at dalawin ang anak namin ang kaso lang ay hindi ko magawang makipag bonding sa anak namin dahil lagi kong nakikita ang bwusit na unggoy sa bahay nila Mae. Tangina lang! Sarap talagang ilampaso ng unggoy na 'yun.
Tandaan mo 'to Mae, hinding-hindi kita hahayaan na mapunta lang sa unggoy na 'yun. Pinapangako kong babawiin kita sa ayaw man o sa gusto mo babawiin kita sa unggoy na epal na yan.
"Pare anong balak mo ngayon?"
"Mangingistalk ulit." Walang ganang sabi ko sa kanya.
"Na naman! Lagi na lag ba tayong ganito? Yung bumubuntot-buntot sa kanila pag may mga lakad sila?"
"Kong magrereklamo ka edi lumayas ka hindi kita kailangan tsk."
"Joke lang ano kaba."
"Tsk. May pa joke joke ka pang nalalaman diyan sipain kita palabas e!"
"Wag naman pare."naka pout na sabi nito.
"Wag ka ngang mag pout ang pangit mo na nga tapos magpopout ka pa! Mahiya ka naman ang pangit pangit mo."
"Grabe ka pare! Ang harsh mo sa akin."
"Tumahimik ka na lang diyan!" Sabi ko at pumunta na lamang sa sala at umupo sa couch.
Tama naman si Callix. Lagi na lang ba kaming ganito,, yung sinusundan sila Mae kong saan man sila pumupunta. Nakakapagod din ang sumunod-sunod sa kanila. Sign na ba 'to ng pagsuko ko sa kanya? Pagod na kasi ako, di ko na alam kong ano na ang gagawin ko.
Kailangan ko na bang sumuko at mag let go? Ito na ba talaga ang huli? Wala na bang pag-asa na maging kami ulit? Siguro nga ito na talaga ang huli na kailangan ko ng magdesisyon.
Sabagay masaya na siya sa iba. Nakikita ko kong gaano siya kasaya na kasama ang epal na unggoy na 'yun. Yun naman talaga ang gusto ko e, ang maging masaya ang taong mahal ko. Sa nakikita ko parang hindi naman niya ako kailangan kasi masaya na siya. Masaya siy sa iba at hindi sa akin. Ni minsan hindi ko siya nakitang naging masaya sa akin. Lagi ko lang siyang pinapaiyak at sinasaktan.
"Bakit parang pinagsakluban ka ata ng langit at lupa sa itsura mo. Anong nangyari pare? Bakit ganyan mukha mo?"
Hindi ko pinansin ang sinabi niya bagkus ay nagtanong na lamang ako sa kanya. "Sa tingin mo kailangan ko na bang sumuko?"
"What do you mean?"
"Nakikita ko kasi na lagi siyang masaya pag kasama niya 'yung celebgoy na yun."
"Sinong celebgoy?"
"Short cut 'yun ng Celebrity at unggoy kaya Celebgoy. Tama naman ako ah! Celebrity na unggoy ang epal na 'yun."

BINABASA MO ANG
MY POSSESSIVE BOSS
RomansA demure brave girl who graduated BUSSINESS AD deals with Mr. Nympho slash possessive rich guy. Who change her a lot when she entered this guy life. A girl innocent before are now a wild lover. After 9 months, Mae give birth a handsome cute little...