PHOTOSHOOT

647 17 4
                                    

•|PHOTOSHOOT|•

"What? But why?"

"Eh sir nagkamali po kasi yung ibang staff sa paglagay ng schedule ng flight Mo po, Sa susunod na araw pa po yung flight niyo namali kasi nila ng nailagay na date kaya pasensya na po."

Dmn it! Kong kailangan naka handa nako lahat-lahat saka pa nila sinabi sa akin. Bakit di nila sinabi sa akin kahapon mga tanga ba sila? At sa akin pa talaga sila nagkamali.

Ano pa nga bang magagawa ko? Maghihintay nanaman ako ng tatlong araw para makabalik sa pilipinas.

Kring.......

Napatigil ako sa paglalakad ng may mag ring sa phone ko.

Walang naka register na pangalan, sino naman 'to?

Sinagot ko Ang tawag ng kong sino man na tumatawag sa akin ngayon.

"Hello! Who's this?"

"Si Sophie 'to. Sorry nagkamali ako ng phone na naibigay sa'yo kahapon. Cellphone ng manager ko ang naibigay kong number sa'yo."

"Ah. Ikaw pala 'to."

"Oo. Ahm, may sasabihin sana ako sa'yo kaso baka busy ka ngayon kaya hindi na lang kita iisturbohin."

"Actually, ngayon sana ang flight ko papuntang pilipinas kaso nga lang naiba ang schedule ko dahiL nagkamali sila ng paglagay ng schedule ng Flights ko."

"Uuwi ka pala! Bakit?"

"May companya akong iniwan sa pilipinas kailangan ko kasing asikasohin yun."

"Ganun ba."

"Yup! Ano nga palang sasabihin mo kanina?"

"Ah kasi gusto sana kitang imbitahan na kumain sana ngayong lunch kong hindi ka busy."

"Wala naman akong gagawin ngayon araw, gusto mo ngayon na tayo lumabas? Sunduin na lang kita, nasaan ka ba ngayon?"

"Ah. Hindi na, magkita na lang tayo sa coffee shop ng MIN-HO CS. Alam mo ba kong saan 'yun?"

"Yeah. Malapit lang sa condo ko."

"Buti naman. Sige kita kits na lang sa coffe shop papunta na rin ako dun ngayon."

"Sige, take care."

"Ikaw din bye." Sabi nito sa kabilang linya bago nito patayin ang tawag.

Kailangan ko na siguro ibaling sa iba ang oras ko at simulan na ang pag momove on ko.

Tama na siguro ang paghahabol ko kay Mae, panahon na para ibaling naman sa iba ang pagtingin ko. Nakakapagod maghabol ng taong di ka naman mahal.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad papunta sa lugar kong saan kami magkikita ni Sophie. Nakapag desisyon na din ako na tigilin na 'tong nararamdaman ko para kay Mae. Naisip ko nga rin na, why not ibaling ko na lang kay Sophie ang pagmamahal ko. Siguro nga mas maganda kong sisimulan kong ibaling sa kanya ang attention ko. Maganda naman si Sophie, mabait, lahat ng katangian na gusto ng mga kalalakihan ay nasa kanya na. Kaya hindi malabong hindi ko siya mahalin, kong mag bunga man ang nangyari sa amin kahapon sisiguradohin ko na hinding-hindi ko siya iiwan. Mananatili ako sa tabi niya, alang-alang sa magiging anak namin. At pag meron ngang nabuo, magpropopose ako sa kanya ng kasal. Ayaw ko naman na kawawain ang anak namin pag hindi kami ikinasal ayaw kong matulad siya sa anak kong si Chaise. Balak ko din palang kunin si Chaise kay Mae pag naikasal na sila ng fiance niya, gusto ko nasa akin lang si Chaise.

MY POSSESSIVE BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon