SURPRISED

804 22 10
                                        

Nasa gitna ako ng pagmumuni ng aking opisina at iniisip kong anong gagawin ko ngayong araw. Lagi na kasing ganito ang routine ko sa araw-araw, siguro nagsimula ito noong gabing naglasing ako dahil sa sobrang selos ko doon sa kameet ng Mae.

Lagi din silang nagmemeet nung epal na 'yun kaya heto ako mag-isa lagi pag lunch. Hindi ko na nakasabayan si Mae pag lunch kasi busy siya dun sa ibang lalaki niya. Feeling ko parang ako 'yung epal sa kanila eh. Para bang ako 'yung salot sa lovestory nila. Tsk! Ang sakit lang eh 'no!

Mas importante pa nga 'yung celebrity'ng epal na 'yun para sa kanya kaysa sa akin. Hindi ko alam kong magiging masaya pa ba kami ni Mae, kasi parang mas masaya pa siyang kasama 'yung epal na celebrity crush niya. Tapos dis-oras pa siya ng gabi umuuwi, minsan sa sobrang tagal niyang umuwi sa sofa na ako nakakatulog kakaintay sa kanya.

Ganito na lang ba kami lagi? Nawawalan na siya ng oras sa akin, sa aming anak, lalo na sa pamilya niya. Akala ko ba mas mahalaga sa kanya ang anak namin.

Boyfriend pa ba niya ako? Para kasing hindi na! Parang wala na akong lugar sa buhay niya na para bang hindi na ako nag eexist sa buhay niya.

"Problema mo pare." Bungad ni Callix sa kabilang linya ng tawagan ko siya.

"Pare samahan mo ako ulit."

"Saan?"

"Bar pare."

"What?!"

"Narinig mo naman siguro di ba? Gusto pang ulitin eh tsk."

"Chill pare high blood ka na naman. Ano bang problema mo? Wag mong sabihin na si bespren na naman yan!"

"Sino pa ba! Siya lang naman ang may kakayahang saktan ako sa araw-araw."

"Wow ha! Hugot ba 'yun?"

"Suntok you want?"

"Ito naman di mabiro, parang nagjojoke lang eh."

"Lumabas ka na nga lang ng office mo! Aalis na tayo ngayon."

"May meeting tayo pare."

"Bayaan mo sila, mas mahalaga ang puso ko kaya sasamahan mo ako sa ayaw man o sa gusto mo."

"HAHAHHA. Sige na nga! Kuha tayo ng chick's sa bar pare para naman hindi boring."

"Bahala ka sa kong ano gusto mo, basta iinom lang ako."

"Ayaw mo bang kumuha ng chick's?"

"Isa lang Ang chick's ng  buhay ko 'yun ay si Mae lang. Kaya tantanan mo ako sa mga pa chick's-chicks na yan."

"HAHAHHA. Nakakatawa ka talagang magselos. O ano pare hanggang lasing ka na lang ba! Bakit di ka gumawa ng damoves para maibalik sa'yo ang attention ni bespren, papatalo ka ba dun sa celebrity crush niya?"

"Hindi ko alam pare! Hindi ko alam kong anong gagawin ko."

"Naks pare! Paano na 'yung plano natin? 'Yung kidnap plan na pagpro-popose mo kay bespren?"

"Hindi ko na alam kong anong gagawin ko pare, nawawalan na ako ng gana sa buhay ko. Feeling ko wala na akong papel sa buhay ni Mae. Mas masakit pa 'tong nangyayari sa akin kaysa nung unang break up ko kay Rein. Bakit kailangan mas masakit pa 'tong sakit na nararamdaman ko kaysa noon."

"Pare wag ka monang magdrama wala pa nga tayo sa bar eh. Lumabas kana nga diyan sa office mo nangangalay na ako kakahintay sa'yo dito sa labas."

"O sige pababa na ako." Sabi ko at pinatay na 'yung call ko.

Mabilis akong sumakay ng elevator at tinungo na ang parking lot.

MY POSSESSIVE BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon