CHAISER IS THE KEY

988 32 8
                                        

"Daddy look!" Sabi ni Chaise sabay turo sa mga kalapati na nagkukumpolan sa daan.

Napangiti ako ng makitang sobrang saya ni Chaiser ngayon. Hindi ko inasahan na mapapangiti ako ng batang ito. Sabi nga ng iba, lagi na lamang akong naka poker face pag nakikita nila ako. Lagi pa akong busy at may hinahanap.

Si Mae lang naman ang dahilan ng lahat. Kaya ako nagkakaganito ay dahil sa kanya. Feeling ko kasi may parte sa akin ang nawala? Kahit anong gawin ko hindi ko magawang ngumiti. Pero ngayon? Walang kahirap-hirap na napapangiti ako ng batang ito. Feeling ko tuloy totoong anak ko siya.

Nakakatuwa kasing kasama ang batang ito. Noong una ko siyang nakasama laging naka poker face ang batang ito. Pero ngayon? Wagas kong makangiti!

Pero nakakatuwa din naman kahit papaano. Ang saya nga parang bang mag-ama talaga kami? Kaya sinusulit ko na lang ang pagiging ama ko sa kanya. Baka kasi di ko na siya makita ulit.

Pupunta na naman kasi ako sa ibang bansa para hanapin si Mae kong nagkataong wala talaga siya dito. Sana lang andito siya.

"Be careful, baka mahulog ka jan!" Sabi ko.

Umakyat kasi siya sa railings para makita 'yung sa ibaba. Ang ganda din kasi pagmasdan 'yung mga lights sa baba. Pa gabi na din kasi kaya ang ganda tignan.

"Balik po ulit tayo dito daddy please!!!."

"Hays, sige na nga! Bumaba ka mona d'yan."

"Maya na dad."

"Hindi p'wede! Baba na. Kakain na din tayo baka kasi sermonan ako ng mommy mo pag ginutom kita."

"Don't worry daddy, hindi niya naman malalaman."

"Kahit na! Halika na."

"Okay."

Bumaba na siya at hinawakan ang kamay ko. Ayaw na talaga akong pakawalan ng batang ito!

Kanina nga lang pag gising niya sa condo ko sinabihan ba naman akong maging totoong daddy niya na lang ako. Ligawan ko na lang daw mommy niya para maging totoong daddy na daw niya ako pag nagpakasal kami ng mommy niya. Pero dahil ako si Drill, mabilis akong tumanggi sa sa kanya. Hindi basta basta pinipilit ang pag-ibig. Kusang dumadating ito!

At saka naka reserve na ang puso ko kay Mae. Siya lang ang p'wedeng magmamay-ari ng puso ko, wala ng iba. Siya at siya lang talaga. Kaya Hindi ko basta basta na lamang ipamigay sa iba ang pagmamahal ko kasi isa lang ang pwedeng umangkin nito. At 'yun ay Si Mae lang na mahal ko.

Naglakad na kami papuntang restaurant para kumain.

"Dad can I sleep on your condo?"

"What? Why?"

"Gabi na po kasi, kaya sa condo niyo na lang ako matutulog. P'wede po ba?"

"Hindi p'wede magagalit sa akin ang mommy mo."

"Please!"

Ang kulit nitong batang ito. Jusko! Baka mamaya sugorin na ako ng mommy niya pag hindi ko pa siya naibalik sa kanila.

Kanina pa kasi text ng Text si Callix. Hinahanap na daw si Chaiser ng mommy niya. At mapapatay ako  nito pag hindi ko binalik ang anak niya. Pero paano? Pinipilit ako ng bata na sa condo ko siya matutulog!

"Chaiser sorry Hindi ka p'wede matulog sa condo ko kasi kanina ka pa hinahanap ng mommy mo. Galit na galit na nga siya e. Gusto mo bang mamatay si daddy mo? Baka pagdi kita inuwi sugorin tayo ng mommy mo sa condo ko."

MY POSSESSIVE BOSSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon