AEROS-NERIA

775 8 0
                                    

Napamulat ako ng may marinig akong ingay na nagtatawanan. At sa pagmulat ko nakita ko ang dalawa kong anak na si Neria at Aeros. Nilalaro ni Aeros ang kanyang nakababatang kapatid na tuwang-tuwa si ginagawa ng kuya niya. Napangiti ako ng makita ang dalawa kong anak na magkasama.

Apat na buwan na din ang nakalipas nong niluwal ko si Neria. Akala ko magkaka problema sa pagbubuntis ko pero ng healthy ni Neria pagkalabas niya sa t'yan ko. Ang s'werte ko sa asawa't mga anak ko. Kung hindi dahil sa kanila hindi ko makakamit ang sobrang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.

Masaya ako kasi kahit na gaano pa ka daming problema o pagsubok n dumating sa buhay naming mag asawa hindi pa din kami sumusuko. Nagkahiwalay nga noon pero sa huli naging maayos naman lahat. Kung hindi dahil sa panginoong may kapal hindi ko makakasama ang mag ama ko.

"Good morning mom." bati sa'kin ni Aeros na ngayon ay nasa harap ko na at naka upo sa kama buhat-buhat ang kanyang kapatid.

Napangiti ako sa ginawa ng panganay ko sa kapatid niya. Magiging mabuting kuya siya paglaki nila ni Neria. At alam ko na hindi niya pababayaan kapatid niya.

"Good morning kuya and sa baby namin" Sabi ko kay Aeros at hinalikan silang dalawa sa noo.

"Baba na tayo mom, kanina ka pa namin hinihintay ni daddy magising. Nagluto na din  siya ng breakfast natin." Sabi ni Aeros.

Si Drill ang nagluto? Wow!

Inayos ko na ang higaan namin at pagkatapos binuhat si Neria para makababa na kaming tatlo.

Nakababa na kami at naka salubong namin ang pogi kong asawa na walang damit pero may Apron.

"Ang pogi naman ng asawa ko." Sabi ko kay Drill at hinalikan siya sa labi.

"Sayo lang ako nagpapa pogi mahal ko."

"Sus! Bolero ka talaga mister."

"Totoo naman, 'di ba Aeros?" Sabi niya kay Aeros, pero si aero ayon deadma lng sa daddy niya kaya natawa ako.

"Wala talagang pakisama 'tong panganay natin." Nagtatampong sabi ni Drill.

"Isip bata." sabi naman ni Aeros at dumeretso na sa dinning room.

"Suplado ng kuya natin mahal."

"kanino pa ba siya magmamana?"

"Noon lng naman yun, sweet na kaya ako ngayon 'di ba baby?"

Napangiti si Neria nong sabihin ni Drill yun sa kanya.

"Buti pa si baby agree sa'kin."

"Ewan ko sayo Drill."

"Akin na si baby, mag hilamos ka muna mahal. Hintayin ka na lng namin para sabay-sabay na tayong kakain."

Binigay ko naman kay Drill si Neria at dumeretso na ako sa banyo para makapag hilamos at makapag toothbrush na din.

Papasok na pala ulit si Aeros, saang school ko kaya siya pag-aaralin? Ayoko naman na ipasok siya sa school na gusto ni Drill. Yung puro boys lng. Itatanong ko na lng kay Aeros mamaya kung saang school gusto niyang pasukan.

Sana hindi maranasan ni Aeros at Neria yung nangyare sa amin ni Drill dati. At sana walang papaiyakin si Aeros na babae. Sa gwapo niya for sure madaming magkakagusto sa kanya. Sana hindu sila Matulad sa amin noon.

Pero hindi ko naman hawak yung kapalaran kaya hindi ko masasabing hindi nila mararanasan yung nangyare sa amin noon. Pero hindi ko sila iiwan, kahit anong mangyare andito lang kaming dalawa ni Drill susubaybay sa dalawa naming anak.

"Babe are you done?" tanong ni Drill habang kumakatok sa pinto.

Nag mugmog naman ako agad at binuksan ang pinto.

"Sorry babe napa haba ata pag iisip ko sa banyo."

"Ano bang iniisip mo babe?"

"Iniisip ko lang kung anong mangyayare kay Aeros at kay Neria pag lumaki na sila. Sana hindi nila maranasan yung nangyare sa'tin noon."

"Huwag mo na isipin yun hon, saka may plano naman ang diyos para sa anak natin. Kung maranasan man nila ang nangyare sa'tin noon. Pagsubok nila yun pero alam kong hindi basta-basta susuko mga anak natin. Lalo na si Aeros, matalino siyang bata kaya alam ko na hindi niya hahayaang lamunin siya ng kalungkutan pag may pagsubok na dumating sa buhay niya."

"Okay, magtitiwala na lang ako sa mga anak natin."

"Kain na tayo para makapag simba na din tayo mamaya."

Dahil sa sinabi ni Drill napagaan ng kunti loob ko. Sana nga makayanan ng dalawa naming anak.

Masaya kaming nagb-breakfast at nag uusap sa hapag kainan. Pinag uusapan namin si Aeros at si Neria. At si Aeros naman na iinis sa ka cheesyhan ng ama niya. Kuhang-kuha niya talaga ugali ni Drill. Sana hindi niya makuha yung pagiging wild ni Drill pagdating sa ano. Basta 'wag niyo na alamin readers may bata eh.

Masasabi ko talagang biniyayaan ako ng sobra-sobra ng diyos. Ang s'werte ko sa pag-ibig, sa relasyon, at lalo na sa pagkakaroon ng pamilya, na may malulusog na mga anak. Sana hanggang sa pag tanda masaya pa din kaming lahat.



——————————————————

Last chapter na po yan pero may epilogue pa po akong pa habol sa next update ko. Para next story naman tayo. Thank you po and sorry medyo pumapangit na yung mga inu-update kong chapter's. Enjoy reading!

MY POSSESSIVE BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon