SIMULA

634 8 4
                                    

Prologue

Break my heart again, 'cause pain is temporary and losing you is forever.

They said I'm heartless, demanding and bossy

They said I'm the expectation of worst.

How can I be not bossy when I am the boss.

Ngunit sa likod nito ay ang pinakakatago kong kwento—kung bakit na lang ako biglang nawalan ng gana sa mundo, na tila sinisisi ko ang lahat because of my fucked up life before. I never thought that a pure and loving person could actually turned heartless. Totoo nga ang sinasabi ng karamihan, aabusuhin ng iba ang kabaitan mo. Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga sabi-sabi lang ngunit nuong ako na talaga ang nakaranas ay halos sumabog ang pakiramdam ko.

Para nga daw akong anghel, sabi nila. I was a caring type of person before. Everyone was praising me like a saint, masayahing tao, mapagbigay and everyone loved me.

Not until he left me.

Not until I saw him cheated on me.

3 years ago....

"Grabe ang swerte talaga ng jowa mo sayo!" My friend Blair said while I'm working with my explosion box na ibibigay ko kay Isaac mamayang gabi, pinaghirapan at pinagpuyatan ko itong surpresa ko para sakaniya.

Ni-hindi yata ako natulog ng isang linggo para dito. Gusto ko kasi na magulat siya at ma-appreciate niya ang gawa ko, today is the celebration of his graduation. And dahil isa akong supportive na girlfriend I want him to be happy today, hindi lang ito ang hinanda ko, mamaya dadalhin ko siya sa dulo ng siyudad iyon ang paborito naming lugar nuong mga bata pa kami, ngayon na lang kasi ulit kami nakauwi sa aming hometown. He loves the city view so much at tuwang tuwa siya lagi kapag pumupunta kami duon.

"Ang ganda!" I said to my masterpiece. Dahan dahan kong binuhat ang malaking explosion box na naglalaman ng mga sulat at tula tungkol lang sakaniya, madami na kaming pinagsamahan ni Isaac at halos magdadalawang taon na kami na official. that's why nilagay ko din sa loob ang iba't ibang larawan that we captured na ginawa kong dekorasyon para sa explosion box. Hindi ko maiiwasang kiligin at matuwa sa surpresa ko para sakaniya.

"Chelsea, magayos ka na!" Blair said dahil puro glitters and paintings na ang buong mukha ko. Si Blair ang matagal ko ng kabigan simula lumipat kami ni Isaac sa Manila for high school and college dahil sinundan ko siya upang magkasama kami and I met Blair there kaya ngayon tinutulungan niya ako dito kanina pa.

"Mauna ka na Blair, hinahanap ka ng ng daddy mo diba?" Kanina pa kasi siya nagrereklamo na ang tagal ko daw magayos at sobrang effort daw ang nilalagay ko para kay Isaac.

"Edi pano ka na? My dad's leaving na, nasa airport na daw yung iba kong kapatid I need to hurry." Binigyan ko siya isang matamis na ngiti and hugged her.

"It's okay Blair. Kaya ko na 'to!" Basta pagdating naman kay Isaac walang bagay ang hindi ko kakayanin.

"Sige, balitaan mo na lang ako mamaya ha?" She winked at me tsaka kinuha ang kaniyang bag and pretended to be a model habang naglalakad.

"Yes of course, ikaw una kong chichikahin." Blair Young will not fail to make me laugh. Lumabas na siya ng kwarto ko.

Habang ako napatitig sa aking mukha, itim na itim na ang ilalim ng mga mata ko at tinutubuan na ako ng pimples dahil sa pagpupuyat ko para sa surpresa kay Isaac. I failed some tests dahil dito, sobrang excited kasi ng aking utak na puro si Isaac na lang aking inaatupag. Baliwala naman saakin iyon, basta nakikita kong masaya siya and I am giving the love he deserves okay na ako duon.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon