XXXIII: Our History

41 5 0
                                    

CHAPTER THIRTY THREE

"Babe! Intayin mo ko! Sorry na nga eh!" Sigaw ko kay Isaac na nauna nang naglakad sa field.

Kanina pa siya naiinis saakin magmula niya kong sunduin sa condo ko, hindi ko naman agad napagtanto kung ano ba ang kinagagalit niya.

Nang makalapit na ako sakaniya ay hinila ko ang kamay niya. "Pinagtitinginan ka ng mga lalaki dito, alam mo naman mga yan ang mamanyak." Sabi niya tapos hinubad ang blazer na suot niya, it's supposed to be his outer jacket dahil may debate daw na mangyayari sakanilang klase mamaya.

"I look nice." Mahina kong tugon, pag college na kasi sa St. Alexandria ay wala ng uniporme hindi katulad nuong high school pa lang kami. Napagisipan kong magsuot ng dress di ko naman akalain na medyo revealing at maiksi ang nabili ko.

"Yes you do, you look really beautiful everyday Chelsea pero naiinis na talaga ako sa mga lalaki na yan." At iyan na naman ang pagiging seloso at over protective niya, sinuot niya sa katawan ko ang blazer niya at may hood pa iyon! Kaya nilagay niya iyon sa ulo ko tapos binutones pa ang lahat, it's massive kaya mukha akong lola niya!

Napahalakhak si Isaac sa itsura ko ngayon. "Ayan better! Makikinig ka sakin babe okay? I know it sounds toxic na pinagbabawalan kita pero alam ko kasi isip ng mga lalaking iyan. I don't want any bad things happening to you." Hinila niya pa ako tapos yinakap habang nakasuot pa din saakin ang higante niyang blazer.

"Fine, pero tatanggalin ko 'to ah." Hinubad ko ang hood tapos tinaggal ang mga butones mainit pa naman ngayon dahil patapos na ang semester at magbabaksyon na ako habang si Isaac graduating naman.

Pinisil niya ang pisngi ko that made me blush. "Yes baby Chels! Makulit ka lang kasi." Tugon niya.

"Sa susunod ikaw na pipili ng susuotin ko."

"No! I mean it's okay to wear whatever you want." Ay hindi ko talaga magets si Isaac, pag ako pumili ng damit ko ayaw niya tapos siya na nga 'tong pipili ayaw pa din niya! Sana na ko lulugar?

"Baby let's go, hatid na kita sa room mo." Kinuha niya ang kamay ko at nagsimula na namin tahakin ang daan patungo sa building ko. Isang buwan na lang ako magtitiis at makakagraduate na din ako like Isaac. He's one year ahead from me kaya nahihirapan ako kapag maghihiwalay na kami ng eskuwelahan, he will study and take the board exam to get his license.

"Mamimiss kita, dapat kasi pinanganak din ako ng maaga." Natawa si Isaac sa sinabi ko tsaka dahan dahan akong inakbayan para makaharap ako.

"Don't worry kapag nakuha ko na license ko iintayin naman kita makagraduate and pwede na tayo tumira ulit sa Cebu." We've been planning to graduate and work at Cebu para hindi kami mahirapan sa mga investments and clients dahil halos kilala na namin lahat ng tao duon.

"Tapos I can start my own magazine company!" Tumigil na kami sa tapat ng Class A, buti wala pa yung professor namin na palaging late.

Masaya siyang lumingon saakin. "Ako una bibili ng magazine mo." Hindi maitago ang excitement sa mukha niya. I can feel his trusts on me na magiging successful akong magazine designer in the future.

"Talaga? Paano pag hindi?"

"That won't happen, I'll always support you kahit iwanan mo pa ako." I can't hide my appreciation for Isaac staying by my side.

"Sige na pumasok ka na ang layo pa naman ng building niyo." I said.

Humalik muna siya sa aking pisngi. "Bye babe, sunduin kita ulit dito okay?" Tumango ako bilang sangayon.

Ang dami namin gusto gawin ni Isaac in the future, panigurado akong siya pa din ang kasama ko in the next five or ten years—that I really hope na hanggang dulo. Nakakatuwa kasi lagi siya nagbibigay ng advice saakin tungkol sa pagaaral, nihindi niya ako pinapabayaang magisa tuwing finals week dahil alam niyang mabilis ako kabahan and mahirapan. Actually I'm not really doing good at school right now, palagi na ako nagpupuyat to surprise him at Cebu! Alam kong medyo matagal pa pero hindi na ako makapagintay, I want everything to be perfect.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon