XLIII: Yours

38 5 0
                                    

CHAPTER FORTY THREE

Bilog nga daw ang mundo dahil hindi ka habang buhay nasa taas at baba, iikot ang gulong ng buhay. Pero ganun ba talaga? Ako ang pinagdudusa sa lahat ng kamalian ni Killian ngayon? Sa dami dami ng masasamang tao sa mundo at mas deserving maka-suffer ng kalagayan ko ngayon ay bakit ako pa? Ngunit oo nga pala, parang wake up call ito saakin. Minsan ko na din pinagsamantalahan ang kabutihan ng iba sa paraan na binaliwala ko ang mabuting intensyon nila saakin, lagi ko lang napupuna ang masama nilang intensyon na wala naman balak iparanas saakin.

I'm on my point in life wherein I don't know myself anymore, hindi ko na kilala ang sarili ko. Maski ako'y hindi na naiitindihan ang takbo ng aking isip.

Pain and rage. I used to feel this way a lot and I started to lose the true meaning of it.

"Do you want to eat first?" Isaac asked habang pinatanong ang baso ng tubig sa harapan ko sakanilang sala.

"Yeah you look tired, kumakain ka pa ba?" Sa kabilang banda ng sala ay nagsalita si Blair na madaming hawak na papel.

Mabilis akong nakadating dito kina Isaac, I hate the thought of it pero naalala ko pa ang daan at bawat liko patungo dito. Natatandaan ko ang huling punta ko dito'y hindi naging maganda ang lahat. Sumalubong saakin kanina ang magpinsan na busy din sa pagaasikaso ng case na 'to kahit naman hindi hawak ni Isaac ang kaso, kitang kita ko kung paano sila nagkakandahirap katulad ko upang matulungan ako.

"Let's not waste time." Sa buong byahe ko dito ay laman lang ng utak ko si Cal, hindi ko na alam kung paano ko hahatiin ang katawan ko sa mga nangyayari, I don't know where to stand. I feel like I'm all alone and I need to choose sides. Kahit wala naman talagang pagpipilian.

"Okay." Alinlangan na sabi ni Isaac.

"So why are you helping me?" Hinarap ko si Isaac at kitang kita ko ang pagbabago ng kaniyang expresyon, from distress to anxious. Maybe because of the situation.

"Sinabi ko na sayo," Napalingon siya kay Blair at nagkatinginan sila. Parang nagkausap sila sa isip marahil tumalikod at napalayo si Blair mula saamin ngayon. "Kasi mahal pa din kita, I will help you even if it'll costs me a lot." Naalala ko ang sabi niya na maduming kaso ito at maaring may mangyari sakaniyang masama kapag nalaman ni Killian ang ginagawang pagtulong ni Isaac saamin ngayon.

He can go down like me, or worse.

I sighed in disappointment. "I can't take that as a reason. I don't wanna betray and worry Cal." Napababa ang tingin niya mula sa aking mata patungo sa mga labi ko, I felt uneasy kaya napaiwas ako ng tingin.

Mukhang naiitindihan naman niya ang gusto kong iparating. "Alright. I'm only helping you as a lawyer."

"Good."

"And you," Turo ko kay Blair. Napaharap siya. "Bakit ang pangit ng ugali mo sa kumpanya? You could just tell me the truth."

"Nirerealtalk lang kita Chels, plus you won't believe us." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. She never changed, she was always like that. It explains why Blair acts wary, tapos bigla na lang siya lumitaw sa kumpanya ko to work for me.

"Hindi nga." Mahinahon kong tugon.

Tumabi sa pagkakaupo ko si Isaac, halos magdikit ang aming hita sa isa't isa, kaya naman medyo umusod ako nang hindi niya nahahalata. Ito yung ayaw ko eh, yung tipong kahit wala naman dito si Cal ay pakiramdam ko nakikita niya itong nangyayari saamin ngayon ni Isaac na alam kong labis niyang ikaseselos. Hindi mawala ang matinding sagutan namin ni Cal kanina, it's my fault. Hindi na naman namin nauunawaan ang panig ng isa't isa.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon