L: What's So Good on Christmas?

50 5 0
                                    

CHAPTER FIFTY

It's December 24, five months since iniwan ko ang lahat sa Maynila. Masasabi kong unti-unti na akong nakakaraos sa sakit na mga pinagdaanan ko, but I can't just forget everything. Kahit nasa kwarto ako dito sa Cebu which is my childhood room ay hindi ko pa din maiwasang maalala ang lahat, naawa na saakin si Kenny marahil palagi niya ako nakikitang tulala o umiiyak sa isang tabi.

Heto na naman yung ayaw kong mangyari, I did everything just not feel this way again kasi ayoko na magpakaawa pa muli sa loob ng kwarto, nakakulong sa dilim ng sakit.

"Come on darling, it's seven o'clock in the evening! Hindi ka pa din lumabalas dyan." I growled in frustration when I heard my mom voice outside. 

"Five more minutes mom—"

"Bumaba ka na dito Chelsea! It's Christmas eve and you're crying your eyes out there? Touch some grass darling." Napabangon na ako sa daming sinasabi saakin ni mom.

"Fine. Mamaya pa naman midnight ah?" Bigla niya akong sinuotan ng headband na rain deer. Ano ba 'to? Parang bata naman nanay ko.

"Oh diba darling? Mukha ka na ulit tao." Pumalakpak pa siya sa tuwa ngunit ako'y hindi natutuwa sa mga kalokohan ni mom kaya inalis ko ang headband at binalik iyon sa ulo niya.

"I'm not feeling it. Matutulog lang muna ako." Akmang papasok na muli ako saaking kwarto nang pinalo niya ang braso ko.

"I don't care about your dramas. Just help us downstairs! Ang pasaway mo mana ka talaga sa dad mo." Napairap pa si mom saakin at mataray na bumaba.

I crossed my arms while glaring at her, napakamot na lang ako sa ulo ko. Ever since na nakauwi ako dito ay hindi kasi binuksan ni mom ang topic kung ano nangyari saakin, malamang ay nakarating sakaniya ang balita na wala na saakin ang kumpanya, na kinasuhan ako ng estudyante ko. Na sobra akong nasaktan habang nasa lugar na iyon, kilalang-kilala ako ni mom, binibigyan niya pa ako ng oras para mag heal.

Nang makababa ako ay napaawang ang bibig ko sa gulat dahil sa magarbong designs ng buong bahay, sobrang daming decorations na para bang may party dito mamaya. Well, meron naman talaga pero ang oa naman ng lahat, kahit saan ako lumingon ay may christmas decors.

"Ate! Where's my gift?" Sumalubong saakin si Kenny sa kitchen habang nakaapron siya at ang dungis ng mukha dahil sa flour. Siguro ay nagbabake sila ng cakes and cookies for later.

"It's not yet Christmas Kenny. Magintay ka." Naupo ako sa island counter habang pinapanood sila ni mom na nagbabake.

Masama akong tinignan ni Kenny na animo'y may masama akong nasabi. "What?"

"Ate! Ken na nga lang it's embarrassing." Bahagya akong napangisi sa sinabi niya.

"Ay nako! Kenny has a little crush on the girl next door." Singit ni mom na naghahalo ng mga ingredients.

"Aww ang baby Kenny may crush na!"

"Stop ate! I'm a big boy na."

"No you're not. She's not gonna like you." Pangaasar ko.

"She will! I will do ligaw." Parehas kami napaharap kay Kenny dahil sa mga pinagsasabi niya, ilang buwan lang kami hindi nagkasama naging ganito na siya.

"Your ate is right. She's not gonna like you." Paguulit ni mom kaya natawa ako.

They have Christmas spirits within them, ngunit ako ay parang halloween spirit yata ang naka possess saakin ngayon. I'm trying to fix myself again, sinusubukan kong bumangon. Nakayanan ko na dati diba? Sisiw na lang ito saakin ngayon. Natawa ako nang bahagya dahil alam kong nagsisinungaling lang ako sa sarili ko, I will never love again, fuck love.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon