XXXIX: Misunderstanding

44 5 0
                                    

CHAPTER THIRTY NINE

Sino ang gagong magsasabi saakin na mahal pa ako ng isang lalaking niloko ako? Of course it'll be Isaac. Kanina pa ako nagtitimpi na hindi lumabas ang emosyon ko but I felt so overwhelmed nang yakapin niya ako na ngayon ko lang ulit naramdaman. I have no intention for him to let him hug me just like that. Ayokong hawakan niya ulit ako pero hindi ko kinaya ang ginawa at sinabi ni Isaac, alam na alam niya talaga kung paano ako pahinain muli at saktan.

God knows how much I hate what happened earlier, and this needs to stop. Kailangan kong iwasan si Isaac sa maabot ng makakaya ko, I don't want anything to do with him. Wala akong pakielam sa mga pinagsasabi niya kanina, ayokong paniwalaan lahat. I fucking hate that liar.

Naupo kami ni Cal sa loob ng cafeteria ng St. Luke, ngayon lang siya dumating at bakas ang galit sakaniya ngayon. Shit ayokong ma-mali ang isipin niya sa nakita niya kanina saamin ni Isaac.

"Cal, I'm so sorry. Ang dami lang nangyari, nasiraan ako ng kotse then Isaac offer a ride. May sinabi siya na hindi ko nagustuhan then—niyakap niya ako bigla." Halos hindi mabuo ang mga salita ko sa aking bibig.

"At siya din kasama mo sa library tuwing umaga." Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Cal, para akong nahuling may ginawang malaking kasalanan.

Napayuko ako. "Para naman yon kay nay Lillian, wala kaming ginagawa ni Isaac duon."

Napapikit siya sa sinabi ko, pagod na pagod na ang mga mata niya na para bang wala siyang tulog buong magdamag kakabantay sakaniyang kapatid. Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt ngayon.

Binalot kami ng katahimikan, hindi ko alam kung galit ba saakin ngayon si Cal o talagang napapagod na siya sa mga nangyayari tapos dinagdagan ko pa.

Huminga ako ng malalim, may katanungan din na bumubulabog saakin buong magdamag kahapon and I badly want to ask him about it. Alam kong hindi magandang pagkakataon 'to pero if I make him uncomfortable, hindi ko na agad itutuloy.

It's just one question. "Cal?" Nakatingin lang siya sa malayo, malalim ang iniisip. I wonder what happened to them outside, may sinabi na naman ba si Isaac? Nakakagalit talaga ang lalaki na iyon.

"S-Sino yung babaeng kausap mo kagabi?" Ngayon ay napaharap na siya saakin, nagsalubong pa ang kilay niya na animo'y nagtataka.

"Babae?"

"Yeah. Is it Joy's friend?" Hindi ko mawari ang mukha niya ngayon ngunit napahawak lamang siya sakaniyang sentido.

"Oo. Kaibigan nga niya." Tumango na lang ako, so I was right. Hindi mapakali ang mga mata ni Cal na para bang sinusuri ang paligid o parang may hinahanap.

"Tsaka may nagtext din sayo—" Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko na nasa lamesa.

"Chelsea tama na ang pagdududa, nasasaktan din ako." Shit, sumagi sa isip ko ang yakap na binigay saakin ni Isaac sabayan pa nalaman niya din yung tungkol kay nay Lillian sa library. Alam kong masasaktan siya, kaya hindi ko pinaalam at iyon na yata ang pinakamaling desisyon ko.

"Yeah. I'm sorry." Tapos ako pa 'tong pinagdududahan siya. I was just curios, gusto ko lang malaman kung may tinatago ba siya ngunit hindi ko iyon pwede gawin sakaniya.

"Chelsea may favor lang ako na sana gawin mo naman bilang boyfriend mo." Bakas sa boses niya ang paghihirap sa sitwasyon ngayon. "Pwede bang wag ka na ulit makipagkita kay Isaac? Hindi sa nagiging overprotective ako pero—nagseselos ako Chels." Kumirot ang puso ko nang bahagyang nabasag boses niya.

He squeezed my hands tight, ang init ng mga kamay niya. Doble sa init tuwing magkahawak kamay kami, I can feel his jealousy over it. "Oo naman...kahit di mo sabihin. I want to get rid of him off my life too." Bakit pa kasi ngayon pa pumasok muli si Isaac sa buhay ko? Kaya tuloy ngayon nakakaproblema gawa niya. Nakakasira ng ulo. He always ruins everything, including my happiness.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon