XVI: I Like You So Much You'll Know It

65 6 1
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Maayos kaming nakabalik sa Maynila, madami pa kasi kaming dinaanan at traffic dahil sa landslide na naganap kahapon. Pikit mata kong tinignan ang pinakakamahal kong kotse dahil labis naputikan ang gulong ko.

Ngayon ay panibagong araw na, hindi ko na nagawang siputin ang klase ko kahapon. Hindi naman importante ang grades na bibigay ko dahil nanduon lang ako para iguide and teach them basic fashion design. Kaya panigurado tuwang tuwa na naman ang mga estudyante na iyon, sana nga lang ay may progress na nangyari dahil kung hindi walang uuwi sakanila.

Napadaan ako sa library ng eskuwelahan kung saan madalas kaming tumambay nuon, lumingon ako sa loob at halos walang pinagbago not like the rest of the school. Bahagya kong tinulak ang pinto, bakit naman ako papasok? Baka maalala ko lang ang mga nabuong pinagsamahan namin dito. Mahina akong natawa, not because nandito ako kung saan nagumpisa ang lahat ay babalikan ko na iyon. Akmang maglalakad na ako palayo nang may nagsalitang pamilyar na boses—old lady's voice with her exciting tone.

"Chelsea ikaw na ba yan?" Nakatayo siya sa loob ng library habang hawak-hawak ang sandamakmak na mga libro sakaniyang kamay. Bigla ko din nasilayan si Cal na papalapit saakin—agad siyang tumungo sa tabi ko. Anong ginagawa niya dito? At paano niya ako nahanap? Sisigaw sana siya pero napatigil din dahil tinuro ko ang matandang babae. She's the librarian who saw me grew up in this school.

"Nay Lillian." Ani ko.

"Ikaw nga iyan...hindi ka na bumalik katulad ng sinabi mo dati." Hinawakan niya ang kamay ko at napangiti ng malawak nang makumpirma niya na ako nga ito. "Naamoy ko ang bulaklakin mong pabango." Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang sabibin niya iyon, simula high school pa lamang ako ay lagi na niya ako sinisita dahil matapang daw ang amoy ng pabango ko.

"At may kasama ka." Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagulat si Cal nang bigla siyang hawakan ni Nay Lillian sa kamay. Napatigil si Nay Lillian, at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Cal tsaka nagbigay ng isang matamis na ngiti katulad ng bungad niya saakin kanina.

"Isaac..." Ani Nay Lillian.

Naestatwa ako sa kinakatayuan habang nakatitig kay Nay Lillian, napayuko ako. And I don't know if I would felt sorry for her dahil bulag siya at hindi niya nakikita ang mukha ni Cal. Nilingon ko si Cal akala ko magtataka siya ngunit napangiti lamang siya sa matanda kahit hindi naman siya nakikita, "Hindi siya si—" Pinutol ng matanda ang sasabihin ko.

"Lagi kong iniintay kung kailan kayo babalik dito para makita muli ako, nakakatuwa kayong dalawa mga anak ko..."

Binalot kami ng katahimikan, kahit si Cal na laging madaldal ay wala din sinabi panigurado ako na nagtataka na siya ngayon dahil hindi naman niya alam kung sino at ano iyung tinutukoy ni Nay Lillian. Napalunok ako, parang may nagbara sa lalamunan ko at hinila ang dila ko para di makasalita. Gusto ko sabihin isumbong ang nangyari dati ngunit walang lumabas sa bibig ko.

"Teacher Lillian! Kakain na daw tayo! Tara na dito." May maliit na bata ang lumapit saamin at inalalayan si Nay Lillian. Muli siyang napaharap saaking direksyon.

"Mauna na ako, bisitahin niyo ulit ako iha."Malambimg niyang wika. Ngunit parang saakin lang naman niya iyon sinabi, pinanonood namin siya ni Cal na makabalik ng tuluyan sa loob ng library.

Hindi ko na inintay pa si Cal kahit paulit-ulit niya akong tinatawag ngunit agad akong naglakad palayo. Hindi nga magandang ideya ang pagpunta ko sa library na iyon, ayan tuloy—may nasabi pa saakin si Nay Lillian. Mas malapit pa yata kami sa isa't isa kesa sa sarili kong lola, kaya't ganun na lang ang salubong niya saakin. Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit, siguro dahil sinubukan ko na naman pumasok sa nakaraan ko. I should've stop the urge to go in there, I only have one obligation right now at iyon ang isalba ang kumpanya. That's why I am here, hindi dahil sa mga nangyari dati. Tama.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon