IX: Birthday Cake

83 5 1
                                    

CHAPTER NINE

I always felt like the world hates me on another level. Iyon ang paniniwala ko in the past three years, everybody will forever hate me kaya gagawin ko ang lahat huwag lang may makalapit saakin and use me as their advantage. It is my only way to protect myself from everyone kasi para saakin lahat sila may masamang motibo at intensyon, for me all good actions are filtered. And I would do the same, I will not lose myself again for anyone.

Malalim ang naiisip ko habang magisa kong tinatahak ang hallway patungo sa klase ko, I will be their standing professor today, hindi naman masyado importante ang role ko that's why it's not much of burden para saakin—all I need to do is teach my experiences for them to graduate and tapos na. That's it.

Papasok na sana ako sa loob ng classroom nang maaninag ko ang pamilyar na mukha sa dulo ng hallway na parang nagaaway pa. What's happening? Agad akong lumapit sakanila.

"Wag mo na kakausapin ulit. Wala ka naman kwenta!" Nang makalapit ako ay napataas ang noo ko nang si Nishi pala iyon, shouting to that tall guy named Kenji.

Napansin yata nila na lumapit ako kaya si Nishi—she rolled her eyes at me tapos dali-daling naglakad palayo nang hindi manlang ako kinausap kahit nakita niya ako. What's up with that girl?

"Anong nangyari?" May halong otoridad kong tanong kay Kenji na ngayon ay mukhang hindi mapakali, mas lalong bumagsak ang expresyon niya, and I don't have any idea why.

"She won't come back to class because of me." Pagpapaliwanag ni Kenji habang nakatingin pa din kay Nishi na walang tigil sa paglalakad na halos tumakbo na kahit nakalagpas na siya sa room.

"Wait. Magcucutting ba siya?!" Ngayon ay may halong galit na ang tono ko. Patuloy tuloy lang siya sa paglalakad na para bang walang pake sa paligid niya.

"Yeah."

Agad tumaas ang dugo. That can't happen! Ano na lang ang sasabihin ng mga customers ko kapag nalaman nila na walang pakielam at nagcucutting lang ang mga estudyanteng tinuruan ko.

"Bakit ano bang ginawa mo?" I crossed my arms waiting for his answer pero napabuntong hininga lang siya, I could see all the pain from his face.

"Best friends to lovers po." Biglang sumingit sa usapan namin si Daniesha na mukhang kakadating lang. "Tanga kasi si Kenji, after Nishi confessed her feelings bigla ba naman iniwasan?" She said out of annoyance.

Halos matawa ako, so iyon lang pala ang dahilan? That's unreasonable, walang nga kwenta kagaya ng sabi ni Nishi. Pathetic. Mga nagpapaloko in the name of love, ano bang mapapala nila dyaan? None.

"Edi kasalanan mo pala?" I chuckled. "Huh. Parehas naman kayong mali, love is not real—kaya itigil niyo na kung ano man laro ginagawa niyong dalawa." Walang alinlangan kong pinagsabihan si Kenji para bata pa lang ay mamulat na agad sila sa realidad and to be prepared that no one will sacrifice theirselves just for this stupid thing called love.

"Tsaka bumalik na nga kayo sa loob, may importante pa tayong paguusapan lahat as a class." Tumango na lang silang dalawa at sinunod ang sinabi ko.

Ngunit hinila ko muna si Kenji. "I want you to report Nishi for cutting classes. At sabihin mo na reklamo ko 'to." I know it sounds lame na ireklamo ko pa ang isang estudyante na nagcucutting classes dahil mukhang normal ito pag nasa college na ngunit hindi makakatas ang babae na iyon saakin.

"Ako na lang po Miss Chelsea, parang di yata kaya yan ni Kenji." Pagsasalo ni Daniesha sakaniyang kaibigan.

Tumango tango ako na para bang sumasangayon ngunit iyon ang akala nila.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon