XXVI: Lost

61 5 2
                                    

CHAPTER TWENTY SIX

Hindi ko na siya inintay makapagsalita, I immediately cut off our gaze tsaka tumakbo palabas. I can still hear Isaac calling my name pero hindi ako tumitigil ayoko siyang makita kahit kelan. Ang sakit sa dibdib, kahit pala sobrang tagal na nangyai at akala ko hindi na ako maapektuhan kapag nakita siya ay isang malaking kamalian pala. Kasi ngayon, para akong tinamaas ng ligaw na kidlat, isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Sakit.

Hindi ko na ininda ang sugat sa aking kamay, napataas ako ng tingin and there I saw Cal rushing towards me halata ang pagaalala sa mukha niya. Dali-dali akong tumungo sakaniya sa kabila ng field nang may humila ng braso ko kaya napatigil ako. It's Isaac hand holding me like he used to, hinawi ko agad ang kamay niya.

"Wait Chelsea, I just wanted to check on you." Naiiyak ako. His voice is aching my throat, hindi ako makapagsalita. Ayoko siyang harapin ngayon, ayokong makita niya na mahina pa din ako.

"Ayoko. Layuan mo ko, Isaac." I tried to control my anger, sorrow and pain.

But when I looked at him once again, nagbago ang mukha niya ng pagaalala na hindi ko naman alam kung totoo nga ba, paano ko pa nga ba siya paniniwalaan ngayon? Na parang hindi nga ako makapaniwala na nandito kami sa gitna ng St. Alexandria field where we often hold hands before, unbothered on our surroundings.

Napakuyom ang kamao ko. Ngayon ko lang ulit siya nakita after three years, I could hear my own heartbeat—dahil sa namumuong galit sa sistema ko.

"Narinig ko yung nangyari sayo, are you okay?" Nilingon niya ang bandage sa kamay ko. "Sorry I was just really worried hindi ko napigilan puntahan ka, di naman talaga ako magpapakita sayo." Nalilito ako, bakit siya nandito? Did he really meant what he just said?

"Isaac please lang, wag mo dagdagan sakit na nararamdaman ko ngayon." In any moment I could already feel my tears bursting in pain.

Tinignan niya ako na parang ginagawa niya dati sa tuwing nahihirapan at nasasktan ako. "Sorry Chelsea sa lahat, I don't want to apologize in this situation. Pero—"

"Wag na wag ka na ulit magpapakita saakin, naiintindihan mo ba Isaac? I don't want to hear any of your lies. Hindi na tayo magkakilala, we're less than strangers now." Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas para sabihin iyon sakaniya ngayon.

Wag ka magpaloko Chelsea sa mga tingin na 'yan, minsan ka na din naloko ng mga matang akala mo'y inosente. I just want to run away from this place, sa totoo lang gusto ko siyang sampalin.

"Hindi para saakin, gusto ko lang sana malaman kung kamusta ka na. It's not my intention to hurt you right now." Napakagat ako saaking labi, kung wala lang talagang mga estudyanteng nakapaligid saamin ay baka marahas ko siyang sinigawan. Parang akong sinasakal habang tumatagal na kaharap ko siya.

"Tangina naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Nagawa mo na ko saktan dati kaya kung balak mo din ulitin yon, gago magpakamatay ka na lang." Walang hinto kong sabi sakaniya. I've always wanted to say that.

Hindi ko na ulit siya inintay pa makapagsalita at tumalikod na ko tsaka naglakad palayo kay Isaac.

"I'm really sorry, Chelsea..." Nagawa ko pang marinig ang huling sinabi niya, at pagkasabi niya pa lang nun ay tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Halos mawalan ako ng balanse, "Chelsea?" Napahawak si Cal saaking bewang upang suportahan ako kaya napasandal ako sakaniyang dibdib.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na nilingon niya si Isaac, malamang para malaman kung sino iyong nakausap ko. I bet he's clueless right now.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon