XXXV: Bride & Groom

44 5 0
                                    

CHAPTER THIRTY FIVE

Next day.

"Galing ko na magluto." Pagmamalaki ni Cal ngayon sa loob ng kumpanya, napagisipan namin na gamitin manlang ang kitchen dito para hindi nasasayang. Ang laki ng ininvest ko sa kitchen na 'to para magamit ng lahat ngunit kape lang naman ang silbi ng kusina na ito.

"Malamang tinuruan kita." Parehas pa kami ngayon naka apron at pinagluluto ngayon ng meryenda ang mga empleyado ko, pinilit pa ako ni Cal na gawin 'to dahil sa nagdaan na mga taon ay nasabi kong hindi ko pa sila nakakasamang kumain at makipagkwentuhan manlang lahat.

Kami lang dalawa ang nandito ngayon sa loob. "Pero hindi pa din ako makapaniwala na wala ka manlang naging kaclose kahit isa sakanila." Sabi niya habang inaayos ang mga hinanda naming pagkain.

"Oo at ikaw lang talaga naglakas loob gumawa nyan." I can't imagine someone got my feelings real quick, hindi lang mapalapit ako sakaniya kundi pati mahulog ako. It's nice, I've been wanting to feel something for so long at heto na ang pagkakataon na iyon.

"Napansin ko nga puro ka trabaho nung unang araw ko dito. Baka mahigitan mo sila Zuckerberg?"

"Sana nga ako na lang nakaimbento ng Facebook. Diba mas masaya kung isa ka sa mga successful na tao sa buong universe? Ano pa kaya wala sila?" I said.

Habang nakatutok ang mga mata ko sa aking niluluto ay bigla niya akong niyakap mula sa likuran na kinagulat ko. He's not showy, not in my own company. He likes to be alone with me pero madalas lang sa penthouse iyon. Ramdam ko ang paghinga niya sa batok ko na naglilikha ng kakaibang kiliti saakin.

"Pero wala silang Chelsea katulad ko." I could hardly control my happiness when he said that. Like a hundred of fulfillment bloomed inside my system.

"Di pa nga kita sinasagot eh." Hindi naman sa nagiging makipot ako ngunit I want everything to be put together, gusto din paghandaan ang bagay na mangako ako sa lalaking nakayakap saakin ngayon.

Having a relationship requires commitment, it's surrendering half of yourself to them. That's what love can do to us.

I looked at him and he's grinning. "Ayos lang di naman ako susuko." Pangilang ulit na kaya niya 'to sinabi? Halos araw araw niya sinasabi saakin na hindi niya ako titigilan.

"Bakit naman? Paano kung mawala ako bigla?"

"Edi hahanapin kita! Kahit saan ka pa magtago, walang Chelsea ang makakatakas saakin."

"Hoy! Para ka naman naging stalker." I can't imagine him doing that 'cause I'll never ran away from him.

Hinalikan niya ang pisngi ko bigla, para akong nanigas sa ginawa niya. Alam kong ramdam niya ang gumuhit na ngiti sa labi ko.

"B-Bakit mo gagawin lahat ng yun para lang saakin?"

"Kasi nararamdaman kong ganun din ang gagawin mo saakin. Hindi naman sa pagiging feeler." Bahagya siyang natawa at kumalas sa pagkakayakap upang makaharap ako.

Tumango ako, he's right.

"Anong ginagawa ng love birds sa kusina?" Parehas kami na gulat ni Cal nang pumasok si Red sa pinakaloob ng kitchen kung nasaan kami ngayon. Potek! Buti na lang wala kaming kalaswaang ginagawa ni Cal kundi hindi ako titigilan ni Red sa pangaasar na taglay niya.

Malagkit niyang tinignan si Cal na parang inaalam kung nararapat nga ba siya para saakin, I know that look. "Hoy! Grabe ka makatingin pula." Halos gusto niya yata kainin ng buhay 'tong si Cal.

"Chill babe." He winked.

Naagaw ni Red ang atensyon ni Cal sa sinabi niya na tila may nabanggit siyang di niya nagustuhan. "Wag ka magaalala Cal, sayong sayo 'yang si Chelsea. Wag mo lang papaiyakin nakakairita itsura niyan." Pangaasar ni pula.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon