XLIX: Cal Alejandro

50 5 0
                                    

CHAPTER FORTY NINE

Cal

Present

Limang buwan na ang nakalipas simula nang iwanan ako ni Chelsea, nabalitaan ko din na umuwi siya sa Cebu pero hindi ko alam kung nasaan siya sa Cebu. Gustong gusto ko na siyang makita at makausap. Ni-hindi manlang namin naayos ang lahat, hindi manlang niya napakinggan ang side ko, nabaliwala lang lahat ng pinagsamahan namin.

Hindi ko susukuan si Chelsea. Kahit anong mangyari hindi ko siyang titigilan hanapin. Malalim ang aking iniisip habang nasa bus ako ngayon papunta sa bahay nila Isaac. Nagsinungaling pa ako nuon na hindi ko alam ang daan patungo sa bahay ni Isaac kay Chelsea, ganun ako desperado na iwasan si Chelsea na malaman ang lahat.

At nangyari na nga ang kinakatakutan ko, nawala na ng tuluyan saakin ang babaeng minahal ko.

——

Previously

Kanina pa ako naghahanap ng mapapasukan na trabaho, natanggal kasi ako sa trabaho sa club na pinapasukan ko kaya wala na akong perang kinikita. Matagal na din nuong huli kong nakita si Killian astaka ang kaibigan niya na si Isaac. Wala na ako nabalitaan sakanila matapos ko masaksihan ang nangyari sa Cebu, nasira na din ang buhay ko. Malaki ang galit saakin ni Courtney at halos hindi na siya nagpapakita saakin. Nalaman niyang binenta ko siya kay Isaac dahil sa nangyari sa Cebu, dahil sa babaeng nagngangalang Chelsea.

Para din akong sinasaksak ng paulit-ulit dahil sobra ang guilt na naramdaman ko habang nakikita ko ang ex-girlfriend ni Isaac na lumuhod sa harapan niya.

Nagkamali ako. Sinira ko nga ang relasyon nila, nasira ko ang pagsasamang iniingatan nilang dalawa. Ang kapal ng mukha kong lapitan at alalayan iyung Chelsea sa Cebu matapos siyang ipahiya ni Isaac sa harapan ng madaming tao. Pero kasalanan ko, pinilit kong magsama si Courtney at Isaac kahit mali, pinilit ko si Isaac na pakasalanan ang kapatid ko katulad ng gusto ni mama.

Napatigil ako sa harapan ng kumpanya ni Chelsea Villanueva, ang huling sinabi saakin ni Killian bago siya nawala. Ano kaya ang gusto ni Killian sa kumpanya niya? Anong meron dito? Wala na naman akong balita kay Killian simula nuon. Hindi ko nga alam kung magkaibigan pa din kami.

Napaangat ang tingin ko sa malaking logo na nasa harapan. Wicked.

Hindi na ako nagdalawang isip pumasok, at may sumalubong agad saakin na babae. "Yes sir? May I help you? May appointment ka ba?" Sabi ng babaeng mukhang secretary yata ng kumpanya na 'to.

"Ay wala po Miss, naghahanap kasi ako ng trabaho. May available ba kayo dyan?" Napaangat siya ng tingin saakin, kaya ngumiti lamang ako ng malawak. Ngayon ko lang napagtanto na parang nanghihingi ako ng yelo sa kapitbahay.

Tinignan niya ako mula ulo't paa tapos bigla siyang namula na hindi ko naman alam kung bakit kaya sa pangalawang pagkakataom binatuhan ko muli siya ng ngiti. "Halikha sumunod ka saakin. Puntahan natin si Chelsea." Agad akong sumunod sakaniya nang maglakad siya pumunta duon sa mahabang lamesa sa gitna ng building kung saan may nakakarinding boses na sumisigaw.

"Ang kalat! Mga walang kwenta!" Napatigil kaming dalawa ng babaeng kasama ko nang makarating kami sa may-ari ng kumpanya.

Chelsea Villanueva. Naguulit-ulit sa isip ko ang boses ni Killian from three years ago, bumabalik sa isipan ko ang kuryusidad na gusto niyang pumasok ako sa buhay at kumpanya ni Chelsea.

Ang dating girlfriend ni Isaac. Parehas na babaeng niloko namin, kung saan sinira ko ang pagkatao at dignidad niya sa maraming tao. At ang kapal ng mukha ko na magpakita sa mismong harapan niya, alam kaya niya? May ideya kaya siya sa masamang intensyon na ginawa ko sakaniya? Mapapatawad kaya niya ako kasi sobra na ako nakokonsensya.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon