V: Good in Me

113 5 1
                                    

CHAPTER FIVE

"This is a fucking bad idea Red. I don't even get your stupid point." We're now on our way sa office ng publisher namin and this stupid Red keeps saying na magiging ayos lang ang lahat at alam niya gagawin niya he'll explain it to the head pero badtrip lang. Should I trust this human without telling me the main plan.

Hindi ko nagawang makatulog kagabi, wala akong kinausap niisang tao sa loob ng kumpanya, kinukulit ako ng lalaking maintenance but I kept my focus kamuntikan ko pa siya mabato ng sapatos. Sa buong buhay ko kasi hindi ko naman inaasam ang malalaking bagay na nangyayari saakin, pero itong biglang pagkalubog ko'y hindi inaasahan. That I can't help but to be paranoid of any possible things that may happen.

Bad luck is with me I should get rid of it.

"Calm down. Don't you trust me?" Napairap na lamang ako dahil wala na kong magagawa isang hakbang na lang papasok sa office ng head.

Binuksan na ng secretary ang office. "Sir Harold? Someone's looking for you—" Pinutol agad ni Harold ang sasabihin ng secretary niya. Sumulabong saamin ang usok ng sigarilyo na nanggagaling sa bunganga ni Harold habang nakataas pa ang dalawang paa niya sa lamesa. Matabang walang pamilya ang isang 'to kaya kung umasta ay akala niya binata pa din siya.

"Oh. Miss Villanueva! Are you here for another proposal? Wala akong oras ngayon, set an appointment." Harold said. Damn. Hindi siya ganito dati, kahit walang-wala na siyang oras ay isisingit niya ang mga proposal namin, shit. Why didn't I noticed that.

"Actually no sir. May iba kaming gusto ipaalam sayo." Casual na sagot ni Red.

"Then what is it? Please pakibilisan, meron akong appointment with Icon." Para may namuo na galit saaking dibdib nang marinig ang karibal namin, I still can't believe na pati logo ko tinanggal nila. Mga walang manners.

Pinaupo kami ni Harold, kinakabahan ako sa mangyayari ngayon, one mistake and my company could go to hell. Literally. Pero si Red kalmado lang at nginingisian pa ako.

"We've been planning to help a college—fashion field to be specific. We've been doing research from the past months and I noticed that they need a professional designer, not only nakatulong kami sakanila but also matuturo namin how fashion industry works."

"Okay. Go on," Masinsin na pakikinig ni Harold.

"It could be a good content and stories to share on what we've learned and experienced from this university pwede ilagay sa magazine to encourage young students." Casual na paliliwanag ni Red, ibang iba na siya ngayon at sa wakas lumabas na din ang pagka-professional niya hindi katulad kanina. Tumango tango si Harold na parang interesado sa sinabi niya.

"If you would allow us sir?" Hindi kasi kami basta-basta pwedeng pumasok at gawin ang plano na iyon baka makulong pa kami we need to let the authorities in position to know since we don't have the license to teach pero we are licensed designers na pwedeng magturo sa isang school kaso with limited months lang.

"Hmm. Alright. I'll try to do something about it."

Tinignan ako ni Red at kumindat na naman siya saakin.

"So this project? I can agree with this it's nice. But I am giving you seven months, magazine designers are not licensed to teach in a university, matatanggalan pa kayo ng trabaho niyan. Also your company will be on freeze if that happens." May halong otoridad na sabi saamin ni Harold.

"Yes sir. Got it." Sabi ni Red.

Lumipat ang tingin ni Harold saakin. Siniko ako ni Red.

"Yes, got it." I said.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon