XXXVII: Unknown Message

44 5 0
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN

It was a rough day yesterday knowing na aalis din si Nay Lillian sa St. Alexandria, bumawi ako ngayon at pinadalhan ko siya ng madaming pagkain. And sympre nanduon din si Isaac, hindi ko alam kung si Nay Lillian ba talaga ang pinupunta niya duon o para bwisitin at kulitin ako, he asks stupid things na alam naman niyang ayaw ko marinig.

But the rest of my day goes smoothly, maaga na din akong umuwi ng penthouse. Nakakapanibago kasi walang Kenny ang sumalubong saakin ngayon, it's like being back to normal, quiet and boring na penthouse at ako lang magisa.

Wala pa akong limang minuto sa loob ay may biglang kumatok sa pinto, I was about to open it when Cal got in.

"Welcome home?" I said dahil para siyang asawa na umuwi. "Wala na si Kenny dito, wala ka ng kalaro." Pumasok siya dito na parang parte na siya sa isang malaking penthouse na 'to.

"Gumagawa lang ako ng palusot dati, ikaw naman talaga pinupunta ko dito."

"Aba! Pag yan narinig ng kapatid ko lagot ka." Pagbabanta ko sa matampuhin na Kenny.

"Tsaka edi tayo yung maglalaro." Hinampas ko siya ng bahagya dahil sa mga kalokohang sumsagi sa isip niya, lately lagi na lang siyang ganun ah!

"What?"

"Gusto mo? May nabili akong puzzle papunta dito." Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. At totoo nga may nilabas siyang malaking box from his bag tsaka pinatong iyon sa living room. What the hell? Ako na ba ang papalit na Kenny ngayon?

"300 pieces astig diba?" Sabi niya habang nilalatag ang mga puzzles sa lamesa, nakatitig lang ako sakaniya habang ginagawa iyon. Hindi ako makapaniwala na ang isip bata na Cal ay nakakatuwa palang pagmasdan.

"Ano tayo bata?" Umupo ako sa tabi niya sa carpet at napasalumbaba habang inaayos niya ang mga pieces, kinuha ko ang box para tignan kung ano ba yung theme nito—Harry Potter?!

"Oo." Oh god. We're nearly reaching 25 soon.

"You tryin' to be a wizard now?" I said while my eyes are fixed to him and the massive unfinished puzzle.

Hinila niya ang hita ko patungo sa lap niya na kinagulat ko, halos mamula ako sa ginawa niya but he made my legs as a pillow. Weird Cal.

"Bakit Harry Potter? Maganda ba yun?" Hindi ko pa kasi nababasa or napapanood ang series na yun, ang dami naman mga bata na naamaze sa libro na iyon. Well—even Cal.

"Chelsea lumaktaw ka ba ng pagkabata? Kahit sinong tao nakanood at nakabasa na ng Harry Potter."

"Sorry ha? Hindi ako mahilig sa black magic." Iritado kong tugon. Pero sympre nagloloko lang ako sa batang isip na Cal.

"Hindi na hindi na," Lumapit siya saakin at binigyan ako ng halik sa pisngi. "Heto oh tulungan mo ko matapos 'to." Ngising niyang tugon habang inaabot saakin ang mga puzzle na nasa lamesa. Seriously?

Lagi ko sila nakikita ni Kenny na naglalaro ng board games pero I don't have interest in it pwera na lang kung inaaya nila ako sa chess or monopoly because I don't have to use my brain talaga hindi katulad ng puzzle! It's confusing and irritating kung hindi sangayon ang isang piraso sa iba.

Nakapatong pa din ang mga hita ko sa lap ni Cal habang nakatingin lang ako sa mukha niyang sobra kung maka-concentrate. Kahit ano naman yata gawin niya gwapo siya tignan at parang mas maayos pa siya makita kesa sa mga lalaking trying hard maging gwapo sa paningin ng mga babae. Like pula.

"Sa kabila kasi yan." Sabi ko kasi pilit niyang pinagkakasya yung isang puzzle sa gitna kahit hindi naman yun para don. "Akin na nga." Inagaw ko sakaniya iyon at nilagay sa pinakadulo at tama ako duon nga!

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon