XXII: Daisies With Blue Roses

58 5 0
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

I woke up with a bad headache.

I barely remember what happened last night, may natatandaan akong iilan lang pero hindi lahat. Napapapikit ako nang tamaan na naman ako nang kirot sa sentido, gosh. Ano bang meron sa ininom ko? Ang naalala ko lang ay nagusap kami ni Red, and nagalit ako kay Blair—well, I clearly remembers that part. Shit.

"Lakas tama mo kagabi." Napalingon ako kay Cal na nakaupo sa dulo ng kama ko, what? Malaya na naman siyang nakapasok dito.

"Ano ba nangyari? Last thing I remembered nasa bahay ako ni Red tapos nandito na ko sa kama ko." I said tapos napahilata muli.

"Wag mo na alalahin, may niluto ako gusto mo?" I growled in frustration. Naalala ko na napikon ako sakanila ni Blair of course iyon ang mas maalala ko 'cause that's what struck me the most last night. Nakakahiya. Alcohol really can turn you into a psycho bitch. Ba't ba ganun na lang ang naging reaksyon ko? Para bang kinuhanan ako ng pamilya.

Tangina napakababaw nga eh! Nakakapikon sobrang overacting ko naman.

"Okay." I said at nagkatinginan kami.

"May nakaaway ka ba kagabi?" I remembered some memory from it pero hindi ko talaga magawang maalala.

"Wala." Sabi niya tsaka tumungo sa tabi ko para kumutan ako, nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. "Mag suot ka nga ng damit." Shit! Bakit ba kasi pumapasok siya dito basta basta?! Napahawak ako ng mahigpit sa kumot. Oh god this scene happened countless times already!

"Ate! May nagpadala sayo!" Habang nakatuon ang atensyon ni Cal kay Kenny sa labas ay agad akong nagsuot ng jacket at inayos ang aking sarili. Pagkatayo ko pa lang ay ramdam ko agad ang pintig ng ulo ko na parang naduduwal.

"Ano?" Sabi ko at laking gulat ko nang dalhin niya iyon sa kama ko.

"I don't know. Nasa labas lang ng pinto." Tugon ni Kenny habang pinapatong ang sandamakmak na kulay asul na bulaklak sa aking kama. Sobrang ganda din ng desenyo at aakalain na pinagawa pa talaga ito.

"Ano yan? Kanino ba galing?" Kunot noo kong dinampot ang bulaklak para maghanap ng sulat o card ngunit wala.

"Manliligaw mo?" Napaharap ako kay Cal na ngayong nakatitig din pala sa bulaklak na bitbit ko.

"No. Mga fans lang ng wicked yan." Buntong hininga kong tugon tsaka binalik ulit iyon sa kama. Panigurado akong mga readers lang yan ng magazine o mga nakatrabaho ko sa kumpanya, wala naman kasing nakalagay kung kanino galing.

"Baka may nanliligaw sayo ate?"

"Wala. Baliw ka ba? Sinong matapang ang gagawa nun?"

"Oo nga wala ate ang pangit mo kasi." Tinignan ko siya ng masama tapos lumabas na din si Kenny dahil alam niyang maiitapon ko siya sa bintana.

"Baka yung lalaki kagabi." Habang nililipat ko ang mga bulaklak sa lamesa ay may binulong si Cal, mahina lang iyon ngunit nagawa kong marinig.

"Sinong lalaki?" Nakasimangot lang siya habang sinusundan ng tingin ang bulaklak na animo'y masamang damo iyon sa paningin niya.

He just shrugged tapos umalis na din para sundan si Kenny. Anong problema non?

Hanggang sa makalabas ako sa kusina para kumain ay napansin kong hindi umiimik si Cal, kanina pa siya ganyan simula dumating yung mga bulaklak. Ano na naman ang nakain nito at nawala ang daldal niya?

Sumandok ako ng tinola na niluto niya daw at isang subo ko pa lang ay halos maduwal ako, bakit ang alat?!

"May galit ka ba sa asin?" Sabi ko sakaniya, dumoble yata sakit ng ulo ko. Tinignan ko si Kenny at wala siyang pake sa lasa ng tinola dahil halos masamid siya sa pagkakasuno-sunod ng subo niya. Pakiramdam ko tinitiis niya lang.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon