XV: Stuck

67 5 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

"Bukas oh." Ani Cal nang itulak niya ang pinto ng simbahan, sumilip ako sa loob at walang tao kundi ang tahimik at inaalikabok na mga upuan. Pagkatapos kasi umalis ng matandang manghuhula ay bumalik siya saamin para sabihin na sarado ang daan pataas sa Tagaytay. Yun na lang ang kaisa-isang daan pabalik ng Maynila, katulad nang nadaanan namin ay may landslide lang din na nangyari.

So I'm stuck, with my maintenance.

"Tara dito muna tayo sa loob, basang basa ka na." Hinila niya ang bewang ko, teka nakita kong ginawa niya ito kay Blair. Kaya hinawi ko ang kamay niya.

"Kanina ka pa hawak ng hawak sakin." I rolled my eyes at him at magisa kong tinahak ang madalim na simbahan.

"Ikaw kaya pumatong saakin kanina." Ugh! Why did he brought that topic up? Is patong even the right word to use?!

"Excuse me boy from maintenance department. Nag lean forward lang ako!" Paglalaban ko sa aking sarili, kung ibang tao lang ako'y masasabi ko na mukha akong guilty dahil sa pag-depensa ko sa aking ginawa, kita kong ngumisi pa siya. Ano bang problema niya? Nilapit ko lang naman ang mukha ko, right?

"Sige sabi mo eh." Halata ang sarcasm sakaniyang tono. Napapadyak na lang ako at naupo sa harapan upang malayo ako sakaniya. Kahit nakatalikod na ako ay ramdam ko pa din ang nakangisi niyang labi.

This is so stupid, hindi ko aakalain na mangyayari ito sa buong buhay ko. Trapped in a church dahil halos kainin kami ng bagyo sa labas? Who would've thought of that? At hindi ko pa din macontact si pula, paano na yung magazine update? Naiiyak ako sa pagod. Tapos may kasama pa akong manyak na alam lang gawin ay bumili ng cheeseburger.

Nakaramdam ako ng kati sa aking ilong kaya bigla ako napa-sneeze, "Ang cute." Nakarinig ako ng halakhak sa aking tabi kaya binalingan ko siya ng tingin.

"Duon ka nga." Sabi ko, pinapalayo siya. Nanginginig ang buong katawan ko sa lamig kaya kinapa ko ang basa kong damit. Jusko, halos mapiga ang shirt na suot ko. Iyung jacket ko naman ay basa na din dahil ginawa kong pangsangga sa ulan, I'm so uncomfortable right now pakiramdam ko ay ang lagkit ko.

"Magpalit ka, suotin mo 'to." Nilahad niya saakin ang hoodie niya kaya nakaputing shirt na lang siya, di ko alam kung bakit sa cross siya nakatingin habang binibigay saakin iyon.

"Ano yan nagmamanifest ka ba ng kamanyakan?"

Pagkasabi ko nun ay tinapon niya sa ibabaw ng ulo ko ang hoodie kaya natakluban ang buong mukha ko ngunit naamoy ko ang mabangong perfume niya. Ano kaya ang gamit niyang scent? Kakaiba yung amoy na parang sa ibang bansa pa binili. I somewhat liked the smell of it and I don't know why, ayaw ko naman ng mga perfumes ng lalaki.

"Mabango ba?" Napansin niyang inaamoy ko ang hoodie niya kaya agad ko iyon inalis sa mukha ko.

"Hindi. Feelingero mo naman."

"Baka masinghot mo yung buong hoodie." Natatawang niyang tugon.

"Iyo na nga 'yang hoodie mo! Mamatay na lang ako sa lamig kesa suotin ko yan." Binato ko ang hoodie pabalik sakaniya at nagawa niya iyon masalo ng isang kamay. Kaimbyerna naman siya, magmamalasakit na nga lang ay ang dami pang sinasabi.

"Lapit ka lang saakin kung gusto mo ulit maamoy." Hindi ko alam kung seryoso ba siya pero binatukan ko na lang.

"Manyak." I said while my whole body is shaking. Sobrang lamig kahit nasa loob na naman kami, wala naman heater ang air condition ko sa sasakyan kaya wala din kwenta kung lumipat ako duon.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon