XLII: Falling Out

46 5 0
                                    

CHAPTER FORTY TWO

Ngayon naiitindihan ko na ang lahat. Biglang napuna lahat ng butas sa misteryosong kaso na 'to, malinaw na saakin ang lahat.

Kailan ba matatapos ang pagtataksil mo Killian? It feels like my past is repeating, walang pinagkaiba. I thought Killian would suffer the consequences on what he did to me, I thought all along karma did serve me justice for everything. Pero ngayon nasakal na naman niya ako, I allowed him to hurt me for the second time and I didn't even notice it.

My heart hammers, I can feel my head spinning while reading the words on my screen. None of this is real, wake me up. This is not real.

Sabi nila ipagdasal lang daw ang problema at mawawala na agad ito, I wonder if betrayal can be prayed too, like what Killian just did. Unforgivable mistake. Paulit-ulit na lang, hindi ko napigilang mapakuyom ang kamay sa galit na namumuo saakin, bakit mo ko pinasan ng ganitong kalaking problema Killian? You never stopped betraying me, you became a lethal weapon who constantly stab me until I having nothing left.

"Ngayon kumpirmado ko na...Killian is behind this. He always is. An old friend." Wika ni Isaac habang binabasa ng maagi ang mensaheng pinadala nila.

"At yung estudyante mo sa St. Alexandria—"

"Teo—Teo Suarez." Ngayon ay sigurado na ako kung sino ang nagsumbong sa mga opisyal sa mga nangyayari sa loob ng klase, isa lang ang taong pumapasok sa isip ko. Of course it will be Teo.

"Hmm, kapatid ni Killian, I know him." Sabi ni Isaac, nagtataka ako kung bakit hindi siya masyado nagulat sa balita na 'to. I never expect that it will be Killian, kung iisipin ay ang hirap idigest.

"Madumi nga maglaro, hindi ko aakalain na ito gagawin niya."

"What? Did you know about this all along?" Nalipat ang tingin ni Isaac saakin from the screen.

"Yes, Chelsea." Seryoso niyang sambit. Nagaabang ako ng susunod niyang sasabihin or bawiin ang sinabi niya ngunit wala.

"Paghahati-hatian nila ang pera mo." He says, Killian and his other people.

"At magkaibigan din kayong tatlo. Paghahatian niyo ang pera." Pagtatama ko.

"Hindi Chelsea. Hinding hindi ko yun gagawin."

"Sino ba 'tong Killian na 'to? Is he your friend Chels?" Nakapamaywang na tanong ni Red, katulad ko'y paulit ulit niya din binabasa ang pekeng letter at notice.

"Isaac's buddy, professor din siya sa St. Alexandria. He was my friend...not until Isaac cheated on me." Sinadya kong hindi itago at pumreno sa mga salitang sinasabi ko ngayon. Nandito na lang din naman si Isaac, bakit pa mahihiya na hindi sabihin ang mga kawalangyaan nila nuon.

"Lawyer sa umaga, cheater sa gabi." Mahinang tugon ni Red, hindi iyon nagawang marinig ni Isaac. Buti naman dahil baka magkaaway na naman dito.

Napaangat ang tingin ko kay Cal na nakasandal sa may pinto, nakikinig lang din siya sa usapan namin katulad kanina sa baba. But this time ang lalim ng iniisip niya, I can't help but to wonder kung ano ba ang nasa isip niya ngayon—nagaalala pa din ba siya sa pamilya niya ngayon and Joy? O baka naman hindi niya din kinakaya ang nangyayari saakin ngayon. Alam kong alam niyang mawawalan din siya ng trabaho, ang daming nawalan sa ginawa mo, Killian. Mga inosenteng at naghihirap na taong pinapahalagan ko, dinamay mo.

"Isaac maraming salamat ha?" Sarkastiko kong tugon. "Pero pwede ka ng umalis kanina pa, baka magkasabwat kayo ni Killian at binibilog niyo na naman ako." Red looked over at Isaac, ngayon alam kong naiitindihan na niya kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon ko kanina.

Forever Ends HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon